Chapter 10

552 28 2
                                    

Chapter 10

"Celine!"

Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang may kutsilyong maliit na dumaan sa gilid nang pisngi ko. Agad akong tumingin sa likuran ko pagkarinig ko nang malakas na pagtarak nung kutsilyo sa puno nang saging na saba.

Napahawak ako sa dibdib ko sabay hawak sa poste nang cottage na katabi ko.

Sabay na dumating sa tabi ko si sir gabriel at drake pero kalaunan ay tumakbo si sir gabriel papunta sa direksyon kung saan nanggaling ang kutsilyo.

Drake suddenly grabbed the kitchen towel from my hands sabay nito tapon sa kung saan.

"See?!" frustrated nitong singhal. "Bakit ka pa kasi nagtatrabaho? Delikado dito! You're in an open space!" anito na ikinagulo lang nang isip ko.

Napalunok ako na ikinailing niya.

"I'm sorry.." anito at bigla akong niyakap. "Are you okay? Your cheeks..."

Napahawak naman ako doon saka ko tiningnan ang mabasang nakapkap ko sa aking pinsgi.

Dugo...

Pinunasan iyon ni drake saka ito kumalma. Umatras siya at sumandal sa may kabilang poste nang cottage. He sighed and massaged his temple.

"Why don't you stop working from now on, Celine? Like i can provide all the things you need. I can provide for you and briel."

I stopped wiping the side of my cheek.  Nakahalukipkip na siyang nakatingin sa akin, malamig ang aura nito habang nakakunot ang noo.

I sighed and shook my head. Umupo ako sa may bamboong upuan.

"Drake, ayokong maging pasanin sa buhay mo. Hindi mo kami responsibilidad ng anak ko."

Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.

"You kissed me back days ago! That means you like me too kaya tayo na." He firmly said saka pa ito biglang ngumisi na parang ulol which made me roll my eyes.

Parang kanina lang ay parang papatay ang aura nito tapos ngayon... Napailing nalang ako.

"Mister, for your information hindi ka nagtanong kung pwede ba na maging tayo at lalo nang hindi ka nag inform sakin na nanliligaw ka na pala. Ano akala mo sa akin easy to get?" ani ko saka ko tiningnan nang maigi ang expression niya.

He was just looking at me with his right eyebrow raising like a bow.

"But you kissed me back?" parang nagsusumamo niyang wika. Wow! Ang biis nang transition nang mood sa pagitan namin.

Natawa nalang ako saka ako napailing-iling. Kung tutuusin nga eh baka easy to get nga ako kasi hinalikan ko siya pabalik nang hindi kami. Ayoko munang kompirmahin kung ano bang relasyon ang meron kami, ayokong magpadalos-dalos. I've only known drake for months and for me, that's not enough, considering what happened to me.. Ayokong magpadalos-dalos.

I just smiled bitterly saka ako napabuntong-hininga.

"Masyadong mabilis drake, eh. Naiintindihan mo naman ako diba?" I smiled at narealize ko na, kung magiging kami man, hindi ibig sabihin nun responsibildad niya na ang lahat sa amin nang anak ko, hindi kami mag-asawa. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Tsaka, hello? Kahit na tayo o maging tayo man, ayoko pa din umasa. Responsibildad ko ang sarili ko at anak ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You RecklesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon