Chapter 4

1K 36 7
                                    

Chapter 4

"Ate, maraming salamat po talaga. Kung wala kayo hindi ko na alam kung paano pa ako makakapagtrabaho." Marahan siyang tumawa saka umupo sa bamboong sala set.

She rested her arms on the chair's arm rest with a big smile.

"Sus! Hindi ka naman na iba sa akin at ang baby na 'yan. Kung pwede nga, sana hindi ka nalang na muna nagta-trabaho. Simula yata nung naka-recover ka ng konti sa panganganak ay sumabak ka na kaagad sa trabaho. Celine, indi tiliawan ang bughat." Aniya na ikinatawa ko dahil sa biglang pagsalita niya sa hiligaynon.

Napailing-iling nalang ako saka ko kinuha ang anak kong nasa crib. Napangiti nalang ako saka ko siya henele.

Tiningnan ko si ate Dasiana na mataman lang na nakatingin sa akin.

"Huwag kang mag-alala, kaya ko ang sarili ko." Ani ko na ikinairap niya. "But look at that benda na nasa ulo mo? Kaya pala ha! Naku sarap sabunutan ng gagang iyon! Nanggigil ako!" Anito na parang galit na galit talaga.

She heard about what happened between me and annita, sobra talaga siya nun nag-alala at dito pa natulog sa bahay para ma-sure niyang okay talaga ako.

Tiningnan ko siya, her brows were still creased. Magsasalita pa sana ako when suddenly we heard a hem sa may bungad ng pintuan, nagkatinginan kami ni ate Dasiana and she just shooked her shoulder na para bang nagsasabing wala din siyang alam kung sino man iyon.

Nilingon ko ang pintuan at ganoon nalang ang pagkagulat ko ng makita ko kung sino iyon.

"Can i come in?"

It was our boss, parang natatakot lang na nakadungaw sa pintuan ng bahay ko. Napakurap-kurap naman ako saka ko henele ang aking anak nang munti itong umiyak, ate dasiana were just smiling from ear to ear with a suspicious look that was very visible in her eyes.

I rolled my eyes saka ko marahan na tinanguan ang lalaking naghihintay na papasukin ko. Yumuko naman ako bilang pagrespeto.

"Opo sir." Sagot ko and took a glance at ate Dasiana. Nakatingin na ito sa cellphone niya.

Napabuntong-hininga nalang ako saka ko na itinuon ang pansin ko sa aming boss.

"Ano po pala ang dahilan at naparito kayo? At paano niyo po nalaman na dito ako nakatira?"

Napakamot ito sa kanyang ulo at marahang tiningnan si Ate Dasiana na  wala nang pakealam sa amin.

"Uh-- your place is just a meter away from my resort and.. about why i am here, gusto ko lang sana ng company for today, i just need some advice and an ear for my whims and dramas since you're the only one na kilala ko dito, hindi ko feel yung iba kong employee.." aniya saka bumaba ang kanyang tingin sa batang kandong-kandong ko. "But i guess.. hindi pwede ngayon." He stated.

Bumaba naman ang tingin ko sa anak kong sobrang tahimik na natutulog, minsan ko lang siyang naaalagaan ng dahil sa trabaho ko. Tuwing gabi lang at tuwing dayoff ko, this is my chance sana upang makasama ko siya ng mahaba but if I decline sir Gabriel, makokonsensya ako since tinulungan niya naman ako nung nakaraan, may utang na loob ako sa kanya at ayokong may ganoon sa ibang tao.

Tiningnan ko si sir Gabriel, nakatingin lang ito sa anak ko na para bang may kung anong emosyon sa mga mata nito.

"Hindi siya palaiyak a'no? Buti naman upang kahit papaano hindi ka nahihirapan." Bigla niyang sabi habang ang mga mata niya'y nasa anak ko pa din. Ako naman ay napangiti nalang. "Opo, pero tuwing gabi wala din akong tulog sa kanya. Sa gabi kasi siya gising." Ani ko.

Loving You RecklesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon