3208 - one

43 4 0
                                    

Dawn

"Saan mo nakita?" Ashley, my friend asked.

"Doon sa room ni Ma'am Aldrina no'ng lumipat tayo ng room para sa klase n'ya. Nasa ilalim ng desk ko," sagot ko sa kanya habang sinusuri ang notebook na hawak ko.

Katulad ng sinabi ko, nakita ko ang notebook na 'to sa ilalim ng desk ko. The notebook has a title, "3208 Diary".

"Hindi kaya ang 3208 ay secret room dito sa campus?" nangingilabot na bulong sa akin ni Ashley.

Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya.

I faked a laugh. "Hindi naman siguro. Wala namang gano'n dito. Kakanood mo lang 'yan ng mga horror movie."

She shrugged. "Binuksan mo na ba? Ano ba ang laman? Kasi malay mo, secrets pala ng school natin?"

I shrugged back at her. "Plano ko sana ibalik doon sa room bukas kasi malay mo balikan ng nagma-may ari?"

I saw her smirked. Umiling agad ako sa kanya at niyakap ang notebook. "Baka mamaya personal information ang laman ng notebook, huwag na nating pakielaman."

"Silip lang naman! Hindi ka ba curious kung ano ang ibig sabihin ng mga numbers na 'yan?"

Eros' Diary | ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt