3208 - seven

16 4 0
                                    

Dawn

Itinigil ko ang pagbabasa at isinarado ang notebook.

Para sa akin nga. Pangalan ko ang nakasulat. 

Natataranta kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Ashley. Ilang segundo lang ay sinagot niya ang tawag ko.

"Bakit? Sino na naman isusumbong mo sa akin?"

Umiling agad ako sa kanya at itinutok sa camera ang cover ng notebook.

Tumaas ang isa niyang kilay. "Ano gagawin ko? Binubully ka ba ng nagsulat? Ano 'yan? Katulad ng album sa Mean Girls?"

"Para sa akin!" giit ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Hindi kita ma-gets, Dawn. Ipaliwanag mo kaya? Hindi naman ako manghuhula--"

"Itong diary, it was written for me! Nandito pangalan ko, pati nga pangalan mo ay nandito!" Inilapag ko ang phone ko at itinutok sa akin ang camera habang tinuturo ang title ng diary na "3208".

"3208 ang code name ng nagsulat. May kaklase ba tayo na alam mong nagkakagusto sa akin?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Nakita ko naman na umiling siya. "Wala naman. Bakit ba? Interasado ka na sa nagsulat? May gayuma ba 'yong diary?"

Ako naman ang umiling. "Wala. Ang letters niya kasi from 2018 ay nahinto sa page 17. Ang Sunod na 33 pages kasi ay blanko. Kahit tapatan ng ilaw for invisible ink, wala. Ang sunod na letter ay after 50 pages. Naka ballpen na 'to ngayon. It's from 2019 na."

"Kalma, Dawn!" giit niya. "Nabasa mo na ba lahat?"

Umiling ako. "Hindi ko nabasa lahat. I stopped reading it na kasi I'm clueless. Pero, after ng chapter 52, there are no letters ulit. Sa page 80, meron na. Ang last page ay page 88."

Eros' Diary | ✔Where stories live. Discover now