3208 - six

16 4 0
                                    

Dawn

"Oh, 'di ba? Recent lang 'tong message niya. Feeling ko nagsawa na siya. February na, eh! Tingin mo kaya sumuko na siya at iniwan na lang talaga sa desk niya ang notebook?" Nakanguso akong nakatingin kay Eros na nablanko yata.

He cleared his throat when I poked his waist. "Kasasabi nga lang niya na maghihintay siya, 'di ba? Malay mo naman busy lang." Kibit-balikat niya.

"Hindi, eh! Feeling ko talaga nawalan na siya ng hope. Poor him naman. Sana mabasa pa 'to ng nagugustuhan niya. Ibabalik ko na nga bukas."

Bigla naman inagaw ni Eros sa aking notebook. "Bakit mo ibabalik? Malay mo para sa 'yo 'yan? Tignan mo, sabi niya rito ang dami na niyang clue na ibinibigay. Baka kaya hindi na siya nagsusulat dyan ay dahil nakuha mo na?"

Napa-isip naman ako. "Eh, pa'no kung hindi naman para sa akin 'to?"

"Dawn, isipin mo, ha. Mapupunta ba 'yan sa 'yo kung hindi niya gusto ipasaba 'yan sa 'yo? Isa pa, tayo lang ang section na gumagamit sa room ni Miss Aldrina tuwing class niya! Sinadyan niya 'yan!"

Napakamot ako sa ulo ko. "So... Baka para sa kaklase natin 'to?" 

Napataas naman ang kilay ko nang hampasin niya ang mukha niya. "Basahin mo nalang 'yong laman niyan. Malay mo sa kalagitnaan ay maglapag siya ng names? Kumpirmahin mo muna. Sabi mo nga, 'di ba? Kawawa naman ang nagsulat nito dahil six years na siyang walang natatanggap na sagot."

Mas lalo pang humaba ang nguso ko dahil sa usapan namin. Wala ngang nagkakagusto sa akin na lalaki sa labas ng section namin, kaklase ko pa kaya? Ayaw ko nga mahibang! Pero... what if? Maganda naman ako. Jowable rin, hehe.

Tumango ako kay Eros. "Gusto mo basahin natin? Ayaw kong ako lang naki-cringe sa pinagsasabi ng lalaking 'to. Mga tweleve years old talaga noon, super cheesy!"

"Grabe ka. lahat ng tao may jejedays. Baka naman nagbagong buhay na 'yan." Siya naman ang ngumuso. "Pero, sorry, Dawn. Kailangan ko na umuwi. Pagabi na rin kasi at 'di ko pa nagagawa 'yong essay ko na need natin ipasa tomorrow!"

Hindi pa ko pa nabubuksan ang bibig ko ay pumaharurot na siya papalabas sa bahay ko nang hindi ako nililingon. 'Di ba? Pati siya ayaw basahin ang cheesy diary ng isang 2018 twelve years old!

Inayos ko muna ang kalat na ginawa namin dahil sa pagkain at pumuwesto sa higaan ko kasama ang notebook. Sasabihin ko? Teka, paano ako magre-react kapag para nga sa akin 'to? Malapit pa naman ang JS prom namin. Ngayong February na rin 'yan! Baka naman tumaas masyado ang hope sa akin ni guy? Pero paano kapag hindi pala para sa akin 'to? Paano naman ang reaction ko?

Inihampas ko ang ulo ko sa aking unan bago buklatin ang kwaderno at magsimulang bumasa.

Eros' Diary | ✔Where stories live. Discover now