page 13

15 4 0
                                    

050518

3208 here.

Hoy! Akala ko nakuha mo na 'tong notebook, nakuha pala ni Archer na bully. Binasa niya sa kabilang section. Pero at least hindi sa section natin. 'no? Kanina nga ang sarap upakan ng lalaking 'yon dahil sa pamamahiya sa akin, buti nalang at dumating ang president ng kabilang section na si Ashley ba 'yon? Basta 'yong masungit. Grabe, tatawagin ko sana siya na life saver ko, pero tinarayan ako tapos inaway pa ako kasi ang tanda ko na raw pero may diary pa rin. Ano ba pake niya, 'di ba?

Pero dahil sa sinabi niyang iyon, napag-isipan ko na hindi ko muna itutuloy ang pagsusulat dito. Kailangan ko muna mag-isip-isip. Hindi sa wala ka na sa akin, ha, pero super busy lang talaga ako ngayon dahil nga enrollment na naman para sa grade 8! Nakakasama naman kita araw-araw. Ayon ang importante, ang makita kang single pa rin.

Oy, oo nga pala at grade 8 na tayo! Sana magkaklase pa rin tayo. Ibebenta ko sa mangkukulam kaluluwa ko para lang maging magkaklase tayo!

Eros' Diary | ✔Where stories live. Discover now