3208 - five

19 4 0
                                    

Dawn

Isinarado ko muli ang notebook nang matapos ko basahin ang page eight. Iniyuko ko ang ulo ko sa lamesa at bumuntong-hininga.

"Sino ka? Para sa akin ba talaga 'to?" bulong ko at inihilamos ang kamay sa mukha.

What if hindi para sa akin 'to tapos pinakielaman ko? Naalala ko kasi 'yong sinabi ni Eros na he's writing his letters using invisible ink, so inisip ko rin na gano'n din ang ginagawa ng nagsulat nito. Guess what? Aba, gano'n nga ang ginawa. Panakot lang pala. In fairness, matalino ang gumawa ng diary na 'to.

Pero, I'm hesitating to finish reading this na. Pakiramdam ko kasi hindi ito para sa akin. Wala naman kasi akong kaklase noong grade seven ako na may gusto sa akin. Kaaway ko lahat ng lalaki noong grade seven ako, eh!

The thing is... Medyo may pagkakahawig sa akin ang sinasabi ng nagsulat ng diary na 'to. Strawberry vanilla ang perfume ko hanggang ngayon dahil sabi ni Eros ang baho raw ng peach. Binully niya pa ako araw-araw no'ng mga araw na 'yon para lang magpalit. Ang isa pa ay 'yong academic achievements ko. Simula grade 7 ay with high honors na ako. Para ba talaga sa akin ito?

Muli kong binuklat at notebook at sinuri ang laman. Bawat sulok, bawat pahina, bawat gasgas ay tinignan ko na pero wala talaga akong makitang clue kung sino siya.

Sino ka ba, 3208?

Ipinasok ko sa loob ng drawer ko ang kwaderno nang marinig ko na may kumatok sa kwarto ko.

"Bukas 'yan!" giit ko at umayos ng upo.

Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Eros na may dala-dalang plastik bag.

"Tara, food trip!" Nakangiting pag-aaya nito habang nakaturo pa sa plastik bag na hawak niya.

Tumawa naman ako at tumango sa kanya. "Ano 'yan?" tanong ko sa kanya nang lumapit siya sa pwesto ko.

Inilabas n'ya isa-isa ang mha junk foods. "Pagkain, syempre. Food trip nga, 'di ba?"

Inirapan ko siya at kinuha ang hershey's chocolate late cookies and cream. "Akin 'to!" sigaw ko at niyakap ang chocolate.

Umupo siya sa sahig pagkatapos niyang ilabas lahat ng pagkain at tinanguan ako.

"Lamunin mo lahat. Binili ko naman 'yan para kainin mo," natatawa niyang sagot sa akin.

"Si Ash? Hindi pupunta si Ashley?" tanong ko sa kanya habang nilalantakan ang chocolate.

Pumutol siya nang kaunti sa bar ko. "Baka nakaka dalawang pack palang tayo ng pagkain, siya naka lima na," aniya habang umiiling.

Binatukan ko siya. "Magtatampo na naman 'yon!" Kinuha ko agad ang cellphone ko at nagsimulang mag-type ng message para kay Ashley. Magtatampo na naman sa amin 'yon. Sabihin niya bakit kami kumain tapos hindi siya kasama.

"Don't bother. Hindi 'yan sasagot. Kaya nga biglaan akong pumunta rito, e dahil busy siya."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa bulong niya. "Alam mo ba 'yong kasabihan na ang kaaway mo ay ang forever mo?" Ngumisi ako at siya naman ay ngumiwi.

"Iba gusto ko! May taste kaya ako sa babae!" Gumuhit sa mukha niya ang nandidiring itsura.

Humagalpak ako ng tawa. "Sige, sabi mo, eh! Baka kasi the right time wil come pa—"

"Oh, no, no! Don't you dare relate that quote to her!" Iniwagayway niya ang kanyang kamay sa harapan ng mukha ko mismo. Tinabig ko iyon at inasar pa siya lalo.

"Kwento sa akin ni Lolo, gan'yan din daw ang galawan nila ni Lola!"

Mas pumangit lalo ang itsura niya. "Lumamon ka na nga lang bago ko pa kunin sa 'yo 'yan!" Akma niyang kukunin ang chocolate bar ko nang sampalin ko ang mukha niya.

"Oh, no, no!" I imitated him.

Nagmumok naman siya sa sahig habang nilalapa ang malaking clover chips. Hindi niya ako kinausap after ko siya asarin, pero wala akong pake. Hindi rin naman niya matitiis na mainis sa akin, eh. Ang lakas ko kaya sa kanya kahit na no'ng bata palang kami! Kahit na ayaw niyang gawin ang pinapagawa ko sa kanya, gagawin niya!

Tahimik ang buo kobg kwarto at ang pagnguya lang namin sa pagkain ang naririnig dahil hindi talaga siya nagsasalita. Kalaunan ay na-boring-an ako kung kaya't nagsalita na ako.

"Sino pala 'yong gusto mo? Ikaw, ha. May gusto ka na pala tapos hindi mo sinasabi sa best friend mo?" Tinusok ko ang tagiliran niya gamit ang paa ko.

"Wala ka na ro'n. Mamaya asarin mo lang ako." Pag-iling niya.

So may nagugustuhan nga siya? Aba, nagbibinata na! Mukhang mali kami ni Ashley na tatandang binata ang lalaking 'to!

Ngumisi ako at naki upo sa sahig na ikinagulat niya. "Sino? Bilis!" Sinabunutan ko siya dahil sa katuwaan. Hindi naman malakas na sabunot, 'no.

"Ayaw ko nga. Siya ngang nagugustuhan ko, hindi niya pa alam na gusto ko siya, tapos mangunguna ka?" Pagtataray niya.

Hinampas ko siya sa binti. "Sabihin mo na. Pa-bebe ka pa, eh!"

Napa-aray naman siya sa mahina kong hampas.

"Bawal pa nga! Siguro kapag nalaman na niya na ako 'yong sumusulat para sa kanya!" giit niya.

Ngumuso naman ako. "Ay, same pa rin ba 'yong pinapadalhan mo ng letters? Akala ko bago na."

"Mismo. Stick-to-one kasi ako. Hindi katulad n'yo ni Ash na sampu-sampu ang natitipuhan." Pagtataray niya.

Tumawa naman ako. "Duh, natitipuhan nga, 'di ba? Hindi naman namin gusto na jowa-in lahat 'yon!" Hinila ko ang tainga niya. "Oo nga pala... Huwag mo nga ibahin topic! Sino ba kasi 'yang babae na kawawa sa ka-torpe-han mo?"

Bumuntong-hininga siya. "Malalaman mo kapag nalaman niya," wika niya.

Ipinakita ko sa kanya ang nakatiwarik ko na hinlalaki. "Boo..."

"Mind your own business kasi!"

Inilabas ko ang dila ko. "Boring mo!"

"Okay, clue lang, pero 'wag ka maingay kay Ash, ha!" 

Tumili ako at pumalakpak. "Go, beh! Nakatikom 'to!"

Bumuntong-hininga siya. "The person I like is..." huminto siya at parang nagdadalawang-isip pa. "Babae siya. Maganda. Kaedad ko rin, hehe. 'Yon lang."

Pagkatapos niyang magsalita ay pinasukan na niya agad ang kanyang bunganga ng pagkain upang hindi na dumaldal pa.

"Ang KJ mo talaga. Ano naman gagawin ko sa gan'yang info about sa girl? Alam mo, matu-turn off agad sa 'yo si ate girl kapag nalaman niyang gan'yan ka!" Pinag-kros ko ang akin braso.

Hindi naman niya ako kinibo.

I sighed in defeat. "Kung ayaw mo magkwento, ako nalang!" Hinampas ko siya. "Alam mo na ba na may nakuha akong strange notebook sa room ni Ma'am Aldrina? Diary siya ng isang lalaki, beh!" Tumayo ako at kinuha ang kuwaderno sa drawer ko at pinaka iyon sa kanya.

Napangisi naman ako nang alisin na niya sa kanyang bunganga ang nilamon niyang pagkain. Mukhang na-engganyo siya. Oh, 'di ba? basta chismis, G na G din siya. Sino ba kasi ayaw ng chismis sa mundong ito? 

"Nabasa mo laman?" nagtataka niyang tanong na parang aso.

Tumango ako. "Oo. Kaya nga nalaman ko na-diary, 'di ba? Akala ko nga 'yong parang sa mga horror movies. Curse notebook ba? Pero no'ng nagmatapang ako, ang harot pala ng nagsulat nito!" Ipinakita ko sa kanya ang page five.

Binasa niya saglit iyon at muntik pang mabulunan. Namula na ang tanga dahil sa dami ba naman ng sinalpak na chichirya sa bunganga. Hayok, eh!

"Yeah... ma-maharot nga," halos hindi ko na maintindihan niyang bulong habang mabagal na tumatango.

"Pero, grabe 'yong dedication! Binuklat ko kanina 'yong ;ast page, grabe, may new notes! 6 years na 'tong diary na 'to! Naawa nga ako sa lalaki kasi nagsusulat pa rin siya, ibig sabihin ay hindi pa rin napapansin ng babae!"

Eros' Diary | ✔Where stories live. Discover now