page 88

16 4 0
                                    

010323

3208 here.

Grabe, It's been six years since I started writing in this notebook. 2190 plus days and yet you still haven't read this. I'm starting to lose hope, but hindi ko gagawin dahil hanggang ngayon gusto pa rin kita. 

HAHAHAHAHAHA I'm so glad na I used a notebook with 100 pages. Buruin mo 'yon? 2190 days tapos nagkasya sa 100 pages notebook? Well, hindi naman kasi lahat ng araw ay nagsusulat ako noon, lalo na no'ng tumungtong tayo ng grade 9. Pati sa pagsusulat, natorpe ako.

Senior high school na tayo, oh. Baka naman... Sana naman mabasa mo na 'to. Sana naman ay makuha mo lahat ng clue na binibigay ko sa 'yo tuwing magkausap tayo. Hindi naman ako pagod, gusto lang talaga kita makasayaw lalo na't last prom na natin 'to. Hindi na nga tayo nakapag sayaw no'ng junior high palang tayo, palalampasin ko pa ba 'to ngayong senior na tayo?

Sana mabasa mo na 'to. Palagi akong maghihintay. 

Oo nga pala. HAPPY NEW YEAR! Another year na hindi mo pa rin ako nakikilala at hindi mo pa rin nalalaman kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo.

Eros' Diary | ✔Where stories live. Discover now