Chapter Five

26 1 0
                                    

Smart Araneta Coliseum
August 6, 2022

"AAAAAAAAAHHHHH~"

Halos nabibingi ako mula sa inuupuan ko nang lalong lumakas ang sigawan ng mga fans sa loob ng coliseum. Nakita ko pa ang isang sikat na TV Host and Personality na nakaupo sa SVIP seats. Natataranta na ako sa pagkuha ng snippets dahil excited na rin akong makita si Eun-woo na mag perform for the first time.

Naka set na rin ang live stream ko sa FB using the extra phone at nakalagay ito sa tripod, tapos hawak ko ang video camera, at nakabitay sa leeg ko ang DSLR cam for pictures. Grabe, sana naging octopus nalang talaga ako. Inggit na inggit ako sa ibang media staffs na nandito dahil hindi sila stressed. Napapatingin nga ang iba sakin, bahala kayo dyan. Basta ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko.

Nagsimulang tumugtog ang kantang First Love na siyang nagpakilig sa lahat ng fans.

"Magandang gabi! Namiss ko kayo~!"
Lumitaw si Eun-woo at kumaway sa crowd. Nagsimula siyang kumanta. Mas cute ang accent niya kapag nagtatagalog. I focused my video cam at mas nakukuha pa nito ang ingay ng crowd.

Hindi pala instrumental version ang pinapatugtog, noh. Sorry naman, first time ko 'to eh. Sinuot niya ang kabilang in-ear monitor, yung ginagamit tuwing concert. Ang sariling boses mo lang ang maririnig mo, like in an empty room kapag gamit ito. Pag wala ito ay may possibility na mawawala ka sa tono, o mapapasigaw ka dahil hindi mo maririnig ang sarili mong boses sa sobrang ingay ng audience. Nag-focus ako sa cam at napatingin sa kanya. Tila ba'y nahihirapan siya sa earpiece.

Tumigil na naman siya sa pagkanta at mukhang nairita, tinuturo niya ang earpiece niya at nag-hand signal ng 'turn up the volume' sa sound engineer habang patuloy parin sa pagkanta. Nag-aalala ako para sa kanya... pero alam kong hindi ito mapapansin ng fans dahil nakikita kong halos wala na sila sa sarili kakasigaw. Dinidiin na nga ni Eun-woo ang earpiece dahil baka hindi parin ito naiyos.

Ano ba 'yan, kanina yung technical issue sa mic during press con, ngayon naman ang in-ear monitor niya sa first performance niya. Sana hindi siya mai-stress. Hindi lang pang-isang beses, kundi maraming beses siyang nagha-hand signal regarding his ear monitor. Hindi ba siya napapansin ng staff? Napabuntong-hininga nalang ako at pinanuod siya. Binabawi niya naman sa mga pagpapa cute niya. Pinanuod ko nalang siya hanggang sa matapos ang kanta.

"Make some noise!"

Ako nalang yung napapaos sa mga sigaw ng kanyang fans. Grabe, sobrang mahal na mahal siya ng mga ito.

"Oh, wow... Annyeonghaseyo, long time no see!"
Muli siyang kumaway sa audience.
"Mahal kita!"
Yumuko siya bago pa niya pinakilala ang sarili in Korean. May interpreter ring nagsalita.
"Uhh... Namiss ko kayo."
Para akong tangang ngumingiti habang pinapanuod siya. Ako lang siguro ang hindi sumisigaw na babae dito.
"Did you guys miss me?"

"AAAAAHHHH!!!"
Nababaliw na ata mga tao dito. Nakakatuwa silang kunan ng videos at pictures. Hay, buhay media. Hindi ko ata mae-enjoy ang concert niya dahil naka focus ako sa camera.

"How much?"

"AAAAAHHH!!!"

Tinatanong sila ni Eun-woo pero sigaw ang sagot. Hahaha! Muli siyang nagsalita in Korean at pagkatapos ay ang translator. Nagtataka naman ako bakit may translator pa siya eh magaling naman siyang mag english kahit na cute ang accent. Siguro, part of the show dahil kilala siyang isang sikat na Korean idol? Hehehe...

"Are you ready?"

At pagkatapos ay sinamahan siya ng isang host on stage at nagkwentuhan sila.

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now