Chapter Sixteen

23 2 3
                                    


"Ugh–"
Napatingin sakin ang dalawang babaeng inaayos ang sarili sa salamin pero wala na akong pake dahil kailangan kong sumuka.

Kinapa ko ang tissue sa gilid at pinunasan ang bibig ko. Wala namang masyadong lumabas, pero naduduwal parin ako na para bang any time ay may lalabas na naman. Napasandal ako sa pinto ng cubicle at tumingin sa kisame.
Bakit ngayon pa 'to nangyayari sakin kung kailan ay may importanteng event kami?! Ang malas talaga, o! Wala pa akong dalang gamot. Naiinitan rin ako sa loob kahit na may aircon. Nakakahilo rin yung stage lights at ingay ng paligid. Ang dami pang tao na tanaw ko mula sa pwesto namin ni Vince. Gusto kong umidlip sana pero kailangan kong magpakatatag. Sakin kasi nakasalalay ang production eh.

"Hoy, par! Ba't para kang nakakita ng multo?"
Nag fistbump kami ni RM, ang college buddy namin ni Claire at siya ring nag introduce sakin sa skate at emo scene. Siya rin ang naging first love ko. Muntik nang maging kami neto dati, kaya lang gusto niya raw ng matured na partner kaya we never ended up with each other. Lagi nga kaming pinagkakamalang mag jowa neto dahil araw-araw kaming magkasama sa school after classes tapos hang out kahit saan. Sa bahay niya, kila Claire or samin. Kaya heto kami ngayon at totga ang isa't-isa. Nandito nga pala siya sa event dahil isa sila sa mga sponsor ng kasama niyang tattoo artist. May tattoo session nga sila ngayon at 50% off para sa mga guests eh. At oo, he's also my tattoo artist.

"Medyo nahilo, par."
"Mukha ka parin namang galit kahit nahihilo." Tumawa kami na parang mga tambay lang sa kanto. Ganito talaga kami nuon pa, kaya nga totga eh. Alam niyo yung pareho kayo ng hilig, interests at personality? Tapos akala mo siya na nga talaga yung para sayo. Akala lang pala. Hahaha!
"Uminom ka ng tubig. Wala ka bang dalang gamot?"
"Wala talaga. Sobrang busy. Wala rin akong tulog eh. Pero sumuka talaga ako." Tumahimik naman siya at nagseryoso. Tumingin siya sa tyan ko at sinabing, "Hala ka, baka buntis ka na pala ha." Habang tumatawa pa.

Oh sh*t, when was my last period nga pala?! Hindi ako nag ta-track ng date at ngayon ko lang na-realize na hindi pa ako dinadatnan simula nung umuwi ako galing ng Cebu...
At tatlong beses na may nangyari samin ni Eun-woo. Hindi kaya---?!

"Hoy, spaced out ka na naman!"
Natauhan ako sa tapik ni RM at hindi ko na magawang ngumiti ngayon.
"Bud! Yung client mo naghihintay!" Nilingon namin pareho ang sigaw ng kasama niyang artist at kumaway ito sakin. "O, balik muna ako. Kitakits nalang mamaya. Tsaka-- may foods na ba sa loob? Pa-please naman par, gutom na rin kasi kami. Ang daming customer kaya hindi kami makaalis.
"A-Ah, oo naman par! Wait lang ah, pero mga desserts at snacks kasi yung naka display eh. Kukuhanan ko kayo ngayon," tumalikod na ako at nilingon siya. "Balik ako agad!"
Pagkapasok ko ng hall ay napahinga ako ng sobrang lalim. Napailing ako. Hindi naman siguro mangyayari yun. Paranoid lang talaga ako at baka dahil lang ito sa pagod at stress. Si RM talaga o, kung anu-anong pinagsasabi.

Kumuha ako ng mga pagkain para sa kanila at dalawang beses ko pang binalikan dahil marami ang dala ko. Hindi naman na kami nakapag usap ulit dahil may client na siya kaya bumalik na 'ko sa pwesto namin ni Vince at nagtrabaho.

Hindi ko parin maiaalis sa isipan ko ang sinabi ni RM. Kinakabahan na ako ngayon at parang iba na yung pakiramdam ko. Ang bilis ng heartbeat ko at halos nahihirapan akong huminga. Buti nalang ay nandito si Vince para saluhin yung tasks ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong ipikit ang mga mata ko. Kahit sobrang ingay ng paligid ay nagagawa ko parin namang makapag relax dahil maluwag ang space at walang distorbo, kaso hindi ako makatulog. Tulala lang akong sinasandal ang ulo ko sa mesa hanggang sa narinig ko ang boses ng manager namin.

"What are you doing? Everyone's so busy at may oras ka pang tumunganga dyan? Khim told me to check on you dahil natutulog ka lang daw."
Tiningnan ko ng masama si Khim na kasalukuyang ini-interview ang isa sa mga contestant. Epal talaga kahit kailan!

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now