Chapter Fifteen

30 1 0
                                    


"I– I found this spot somewhere at the beach then I fell asleep..."
I bit my tongue after realizing that my reason was very stupid.
"Really? I'm glad you're safe. We never know what happens outside especially at night."
"Y-Yeah... I guess so."
"Eun-woo and the others are going out this morning for banana boat riding. You should join them as well."
"How about you?"
"I plan to sleep more after breakfast, but I'll catch up."
Tumango ako at humiga ulit. Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag. Matutulog ba 'ko ulit o hintaying mag chat si Eun-woo? Baka hindi siya magising dahil sa pagod. Bakit ba kasi ganon yung nangyari. Namumula na naman ako't gumulong-gulong sa kama. Tinatakpan ko nga ang bibig ko ngayon dahil mapapansin ako ni Daisy.

*KaTalk!*

Eun-woo: Good morning my babi! I had really good sleep. Wish I woke up next to your cutie face :<
Me: Good morning yeobo~ hihi sorry I woke up first. Almost forgot that we're secretly meeting :P
Eun-woo: Yeobo~ now I'm confused what to call you!
Me: Haha! Anything, my love!
Eun-woo: OK, jagiya! :3 I need to go pack my things. I'll be quick just 5 minutes.
Me: Okay babi ^^ have fun..

My smile faded when I realized that today's actually his last day here. Hindi na kami magkikita bukas... Naiiyak na naman ako at binaon ang mukha ko sa unan. Ano ba 'tong pinasok ko kasi. Ang hirap, sobrang bilis kasi ng mga pangyayari tapos ganito na. Bumangon na rin ako at nag impake dahil pareho kami ng flight ni Eun-woo, sinadya ko talagang pareho kami ng oras para hindi ako umiyak sa airport. Kahit na anong convince niya sakin na lagi kaming magtatawagan o chat ay hindi parin naman ako mapakali. Mamimiss ko kasi ang presence niya. Mamimiss ko yung kakulitan niya at lalo na yung marinig ang malamig niyang boses.

"Here, healthy fruits to start your day!"
Nilapag ni Eun-woo ang kinuha niyang plato na puno ng watermelon, strawberries, apple at lettuce.
"Oohh! Why do you give her special treatment?" Asar naman sa kanya ni Daisy kaya kumuha siya ng chopsticks at nilagyan ng strawberry ang kanyang pinggan.
"Sshh..." at nagsalita sila ng Korean. Tumatawa nalang ako na kunwari may naiintindihan ako sa sinasabi nila. Ang kulit nilang dalawa eh.
"Say ahh~" Isinubo sakin ni Eun-woo ang watermelon. Tinakpan ko ang bibig ko para nguyain ito at napansin kong nakatingin sakin ang ibang staff na babae at parang pinag-uusapan nila ako.

Ayan na naman, paranoid ka na naman, Gela. Baka natyempuhan mo lang na napatingin sila sayo habang nagku-kwentuhan sila noh.

"Another bite," nilingon ko si Eun-woo na sinusubo sakin ang wrapped lettuce, nagdalawang-isip pa 'ko at nilingon yung mga babaeng staff at tama ang kutob kong nakatingin sila sakin.
"Is it good?" Natauhan ako.
May strawberry pala ito sa loob, ba't ngayon ko lang alam na masarap pala 'tong ibalot sa lettuce? Hahaha! Halata talagang hindi mahilig sa healthy food eh. Nahiligan ko nga lang kumain ng lettuce wraps dahil sa samgyupsal. May karne kasi. Hehe!
Maya-maya lang nung matapos na ang lahat ay nagsalita ang manager sa gitna. Eun-woo translated what he was saying at magbo-boat riding na daw pala sila habang hindi pa masyadong mainit. Takot na takot silang masunog ang mga balat nila eh. Hahaha!

"Woohoooo~!"
Sigaw naman ni Eun-woo nang umandar ang sakay naming bangka. Hindi na nga sana ako sasama pero nagpumilit na naman kasi siya eh. Pinoy naman yung mga crew ng resort kaso hindi ko sila pwedeng kausapin. Baka ichismis pa ako ng mga 'to lalo na't nagpa-picture sila kanina. Sa isang floating cottage pala kami pupunta dahil nandun ang banana boat. Sinabi ko kay Eun-woo na hindi na ako sasali dahil nakakahiya noh. Sabihin pang FC ako o sipsip. Sabay kasi sila ng kanyang managers eh. Syempre getaway nila 'to pagkatapos ng successful na trabaho nila dito kaya ayokong makisawsaw. Dun ko nalang sila hihintayin sa floating cottage at manonuod lang. Kasama ko rin naman dun ang kanilang official videographer para sa vlog ni Eun-woo eh.

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now