Chapter Twelve

34 1 0
                                    


"I don't wanna go back..."
Para na naman siyang batang nagdadabog dahil tinawagan na siya ng kanyang manager.
"You want me to get in trouble?"
Ngumuso siya sakin at sumimangot.
"No..."
"I'm even excited for your photoshoot tomorrow! It's gonna be my first time watching you."
Lumiwanag ang kanyang mukha at sinandal ang ulo niya sakin.
"Fine... I almost forgot about that. I have to get full energy for tomorrow so I can give my best."
Sinandal ko rin ang ulo ko sa kanya at ilang minuto pa muna kami nakatingin sa maliwanag na buwan. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Wait for me, okay?"

Ang sabi niya'y hihintayin ko siya hanggang sa makahanap siya ng chance na sabihin sa management niyang magiging girlfriend niya na ako... hihintayin niya raw kasi ang end of contract ng Astro bago niya sasabihin ito. Nasa kontrata kasi ang bawal magkaroon ng girlfriend.

Hindi ko rin naman maiwasang mag worry para sa kanya. Sino ba kasi ako? Ganito lang ako, o. Isang normal na taong may minimum salary. Hindi ako artista at wala akong mukhang kasing ganda ng mga artista dyan. Ilang beses kong kinukulit si Eun-woo pero ang sinasabi niya lang ay pinapasaya ko siya. Yung sayang hindi niya pa nararanasan. Hindi kaya naguguluhan lang siya?

Paano kung pagbalik niya ng Korea, makakalimutan niya lang rin ako? Na panandalian lang pala ang naramdaman niya para sakin.

"Angela..."
"Hmm?"
"Will you promise? To wait for me until then?"
Hindi ko naman kasi maiwasang hindi mag overthink sa sitwasyon ko ngayon. Masyadong mabilis ang lahat eh... At sinabi ko sa kanyang pag-aaralan ko pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung ano nga ba talaga ito, pero hindi siya nagdalawang-isip na um-oo sakin.
"I'm worried, Min-min... I'm worried about what's going to happen to us. To you, your career. I don't want to be the reason for your sufferings."
"There's no turning back now, right? You have no idea how long I've been waiting for you."
"What do you mean?"

"I always want to love someone, and be loved too. I always ask myself if I ever meet the girl of my dreams. What took you so long?"
Tumingin siya sakin at alam kong hahalikan niya ulit ako nang tumunog ulit ang kanyang cellphone. Umayos ako ng pagkakaupo habang siya'y huminga muna ng malalim bago ito sinagot.

Pinagmamasdan ko si Eun-woo. Napaka imposibleng mangyari ang lahat ng 'to. Okay na yung naging kaibigan ko siya eh, unti-unti ko nang natatanggap yun. Pero umabot kami sa ganitong relasyon... Ang saya ko, sobra. Kinikilig ako to the point na parang naduduwal ako sa tuwa. Pero at the same time, nakakatakot. Nakakatakot magmahal ng isang taong katulad niya. Kakayanin ba namin? Sa tingin ko ay hindi rin ito magtatagal. May kutob akong lilipas lang rin itong sinasabi niyang nararamdaman niya para sakin pag nakauwi na sila ng Korea. Paano naman ako?

"I'll wake up early, like 4 AM to have coffee with you." Tahimik lang ako at tumango sa kanya.
"A-Alright... I can bring you coffee if you want."
"Really? You'll do that for me?"
Sinandal niya ulit ang kanyang ulo sa balikat ko na parang isang pusang nang aamo.
"Thank you, Angela..."
"You're always welcome! Let's go back? We have to sleep."
"Yes, ma'am."
Sabay na kaming tumayo at bago pa man ako makaalis sa tabi niya ay hinila niya na ako at hinalikan ang noo ko.
"I'm so happy..."
"Me too, Min-min."
Hinalikan niya ulit ako bago kami tumungo sa loob ng quarters.

Hawak-hawak ko ang labi ko nang magising ako sa alarm ko. Buti nalang at hindi nagising si Daisy. First thing in the morning ay nakangiti na akong parang aso. Gising na kaya siya? Malapit na rin kasing mag 4 AM. Kailangan ko na rin siyang ipagtimpla ng masarap na kape gamit ang coffee maker.

Isang mug lang ang dala ko, at para lang naman sa kanya. Minsan lang kasi ako umiinom ng kape sa umaga eh. Baka mag alboroto pa ang tyan ko, nako! Wag lang talagang mangyari yun lalo pa't kasama ko si Eun-woo! Ilulunod ko talaga ang sarili ko sa toilet bowl. Hahaha!

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now