Chapter Eight

25 1 0
                                    

"O sige na, mag-iingat ka nalang dyan. Wag kang gumala kung saan-saan dahil alam mo naman ang Covid dyan. At saka bisitahin mo rin ang ate Lily mo sa Montalban."

"Opo, Ma. Siguro bukas pupunta ako."

Pagkatapos ng ilang usapan ay binaba na muna ni Mama ang video call dahil may pupuntahan pa raw sila ng Papa ko. Ang tagal na rin nung huli nilang pagpunta dito sa Maynila eh. Dun kami tumutuloy sa pinsan ko, sa Montalban. Ang layo nga nun, naalala kong halos ilang oras ang byahe. Pag talaga taga probinsya ka at napunta ka dito sa Maynila, sobrang nakakapanibago. Ang bilis ng oras, pagtingin mo sa relo mo ay magugulat ka nalang dahil mag gagabi na pala. Hahaha! Magtatanong nalang ako kay Gail kung ano ulit ang sasakyan papunta dun. Dati naalala ko, sa Cubao ata yung terminal ng FX eh.

"What did Mom say?"

Mom? Ba---

"What did YOUR Mom say?"
Tumawa na naman siya ng mapangasar habang hinahanda ang mga binili namin sa Jollibee. Nandito nga pala ulit kami sa pool area. Wala namang tao kaya dito namin naisipang kumain.

"She told me to stay out of covid" —umupo ako sa harap niya at naglagay ng hand sanitizer dahil kakain na kami— "and visit my cousin who lives nearby."
"Can I come too?"
Tiningnan ko siya ng masama at kumagat ng manok.
"No."
"Why?"
"I don't want to get in trouble, like for real."
Ngumuso naman siya sa sinabi ko at kumain nalang.
"But remember, I told you I want to ride the jeepney again."
"Don't you also remember that you almost got caught just now?"
Para na naman siyang batang nagdadabog ngayon at sinigurado ko ngang walang nakakita sa ginawa niya. Hahaha!
"You act like a 6-year-old."
"I just want to live a normal life again, even for a day."

Oo nga, ano? Hindi niya siguro nagagawa ito sa kanila. At dito sa Maynila ay hindi naman lahat ng tao, kilala siya. Nakokonsensya tuloy ako kay Eun-woo. Kahit pala nasa kanya na ang lahat (pati ang puso ko) CHAROT! Seryoso— kahit nasa kanya na lahat, hindi parin pala siya ganoon kasaya? Pag sikat ka kasi, kapalit naman nun ay ang privacy at ang mamuhay ng normal. Mula nung nakakasabay ko si Eun-woo ay kahit papaano, nararanasan ko yung hassle na pinagdadaanan niya sa kabila ng pagiging sikat na artista. Halos pati paghinga niya, bibilangin ng fans at paparazzi eh.

"Just let me come with you?"
Hindi pwede, Eun-woo. Ayokong maging rason para pagalitan ka ng manager, handler or worse, ng CEO ninyo.
"I don't want you to get into trouble again."
"I go alone whenever I want to when I am in Korea, okay?"
Tiningnan ko siya ng seryoso, para makita kung nagsisinungaling siya o hindi.
"Really? How often?"
"Not often... Sometimes!"
Huminga ako ng malalim at umiling sa kanya.
"It's safe in Korea. Not here."
"I'm not a little kid, okay?"
Napansin kong ganito pala ang asal ng totoong Cha Eun-woo. Parang batang makulit!
"Are you kidding me?"
He glared at me while I'm trying to hold my laughter. Nakuha ko pang mag joke, hahaha!

"I'm serious, okay?"
"Oh, I thought you're Cha Eun-woo."
Ang sama na ng mga tingin niya sakin habang kinakagat ang hawak niyang chicken wings.
"Pfft---"
Hindi ko na nga napigilan ang sarili at tawa na ako nang tawa ngayon, habang siya naman ay nakatingin lang sa malayo at parang walang naririnig.
"Wow, you're a really good actor!"
Hindi niya talaga ako pinansin at kumakain lang. Napansin kong may crumbs sa gilid ng labi niya kaya napatayo ako at pinunasan ito gamit ang hinlalaki ko.

Sa sandaling iyon ay para bang nagkadikit ang tingin namin sa isa't-isa nang dumampi ang daliri ko sa gilid ng mga labi niya. Nararamdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko at para akong nabibingi...

A Star My Hands Can Never HoldWhere stories live. Discover now