Day 7 - Afternoon

7.9K 264 17
                                    

Comments, please?


DAY 7 – Afternoon

I was feeling a bit conscious. Hindi normal sa 'kin ang ma-conscious sa itsura ko. Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na maayos naman ang itsura ko sa suot ko. Hell, I am pretty! Pero nakakainis kasi parang nabubura lahat ng confidence ko sa loob loob ko everytime na maalala ko si Ivan, worse when I see him. Para kasi akong nalulusaw.

Una naming pinuntahan ang Children's Island kung saan napakaraming bata ang lumalangoy sa dagat at naglalaro ng buhangin. It is called Children's Island kasi mababaw lang ang tubig doon at talagang safe sa mga bata. After like about 20-30 minutes, umalis na kami. Nagpicture taking lang naman at pinagmasdan ang mga bata sa dagat.

It is hard trying to contain myself from Ivan. I sighed. I should probably loosen up.

"Quezon island tayo, sir?" tanong ng bangkero nang pasakay na kami sa bangka.

"Opo, manong. Maganda ba doon?" tanong ni Ivan.

"Ay, naku, iyon po ang pinakamadalas na pinupuntahan dito. May ilang mapaglilibangan po doon bukod sa swimming," aniya habang naglalakad kami patungo sa bangka.

"Sige po, doon na tayo," si Ivan ang sumagot habang inilalahad ang kanyang palad upang tulungan akon sumakay sa bangka.

Napakagat labi ako bago ko kuhanin iyon. Walang nagbago, naramdaman ko pa rin. Hindi talaga ito maganda. Hindi ito makakabuti sa 'ming dalawa.

Tahimik ako sa naging biyahe namin. Pinilit kong pakinggan ang ilang papuri ni manong tungkol sa Hundre Islands kaso nga lang, naririnig ko rin kasi ang boses ni Ivan kaya mas pinili ko na magbingi-bingihan na lamang at panoorin ang tanawin.

Nag nakarating kami sa sinasabing Quezon Island, napansin ko na may karamihan ang tao na naroon. May ilan pa nga na nagkakayaking.

"Bale tatlong islands po ang meron dito. Pwede niyo pong libutin. Sabihin niyo lang po sa 'kin kung gusto niyo nang umalis," ani Manong.

Nang nakababa ako ay agad akong napangiti. It just feels refreshing plus mukha pa talagang nag-eenjoy ang mga tao.

"So, anong una nating gagawin?" tanong nito sa 'kin.

Saglit akong nangias ngunit agad ding nakabawi. "I wanna try that," medyo nahihiya kong sabi sabay turo sa mga nageenjoy sa kayaking.

Nakita ko ang ginawa nitong pagtaas ng kilay sa 'kin kaya naman agad akong nagiwas ng tingin.

"Why do you seem so tensed?" nagtatakang tanong niya. Kinagat ko ang labi ko at umiling. "Andrea, we're here to have fun. I don't know kung ano ang dahilan mo ng pagtakas mo sa parents mo, but I am here to help. Kay anga dinala kita dito. I want you to be lost with me," nakangiti niyang sabi sabay alok ng kanyang kamay.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang kanyang kamay na nakalahad bago ko tinignan ng diretso ang kanyang mata. He's right. I should loosen up. Even just for now. Ngayon lang. I will just try. I will just lose myself with him.

14 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon