Day 7 - Evening - Midnight

8.5K 259 20
                                    

DAY 7 – Evening - Midnight

It has been almost 2 hours since that kiss but I could still feel his soft lips against mine. He made me really weak with his lips - that's why I gave in. I can't say I regret it even if I have to regret it... but it felt really good and nice and like it's the right thing to happen. I sighed. I need to give all of me. Susulitin ko na ito dahil alam kong pansamantala lang lahat ng ito.

 "Andrea, kain na!" narinig kong tawag sa akin ni Ivan mula sa loob ng bahay. Lumabas kasi ako pagkatapos naming mag-luto na dalawa para magpahangin.

Kinagat ko ang labi ko nang naupo ako sa mesa. Magkaharap kaming dalawa. Everytime I see him, talagang iyong halik ang bumabalik-balik sa isip ko. Inilihis ko ang mata ko mula sa pagkakatitig ko sa kanyang labi habang nagsasalin ito ng juice sa baso niya. Napakunot ang noo ko nang napansin ko na walang kutsara o tinidor.

"Kain na tayo," aniya. Akmang tatanungin ko na sana kung papaano kami kakain nang bigla siyang kumuha ng kanin gamit ang kanyang kamay. Napangisi ako. I get it now.

Ginaya ko rin ang kanyang ginawa. "Sakto, masarap 'to kasi prito ang ulam," halakhak kong sabi.

"Alam mo ba?" tanong niya.

"Ang alin?"

"Mag-kamay at mag-alis ng tinik,"

Inirapan ko siya at kinuha ang belly part ng bangus. Inalis ko ang ilang tinik na naisama doon bago ko ito sinawsaw sa may kamatis na may bagoong. Napakagat labi pa ako nang isinama ko na ito sa kanin. Sobrang nakakatakam lang! Kaya nang sinubo ko iyon, heaven sa pakiramdam!

"Akala ko tuturuan pa kita e," nangaasar nitong sabi sa 'kin.

Naubos naming dalawa ang isang buong bangus. Nakatatlong tilapia din ako. Sobrang dami ko lang nakain. Mabigat ang paghinga ko habang kinakain ko ang pangalawang hiwa ng hinog na mangga. Ang dami kong nakain. This is bad. Nang isinubo ko ang natitira sa kinakain kong mangga, naramdaman ko ang biglang hirap sa pag-hinga. Nabilaukan ba ako?

I gasped for air. Umubo ako at tumayo. Pinilit kong maglakad palabas. I need air.

"What the fuck, Andrea!?"

Ivan panicked as I panicked, too.  I tried taking deep breaths but I seemed to have lost control. Damn that mango!

Naramdaman ko bigla ang paghaplos ni Ivan sa likod ko, which I surpisingly found comforting. Inilapat din nito sa bibig ko ang baso na may lamang tubig at inalalayan ako na uminom doon. I didn't think I needed that kaya pilit kong inilayo iyon sa 'kin and when he got my message. Inilapag niya ito kung saan sabay hinawakan ang kamay ko.

"Breath, baby," he whispered as he rubbed my back. I squeezed his hand and closed my eyes tightly. "Follow me. Inhale... exhale... inhale... exhale," he chanted as I pursed my lips and followed his pattern.

It didn't take long enough when I felt okay. Naging regular na ang pag hinga ko. Nagpakawala ako ng isang mahinang tawa nang buksan ko ang mga mata ko. Ivan looked worried... basta, I can't explain his face. Para siya pa pa 'yung namutla talaga!

14 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon