Day 9 - Morning - Afternoon

3.4K 109 93
                                    

I'M BACK!!!


I woke up with the white comfy sheets covering my naked body. Ivan's arm was wrapped around me. Tulog pa siya. Agad akong nagdesisyon na kunin ang pagkakataon na iyon. Dahan dahan akong bumangon sa kama.

Tinungo ko ang kinaroroonan ng mga gamit ko. I searched for that pouch and did what I had to. Tinitigan kong mabuti ang mga hawak ko. Who am I kidding? These may not even work anymore. I hit pause for a long time, I've been living the life I thought I wanted while I was on a pause. Maybe it's too late, or maybe I still have time. I sighed.

Sinilip kong muli si Ivan na mahimbing pa rin matulog. Nagsisikip ang dibdib ko kada nakikita ko siya. I deserve him, I'm not sure if he deserves me though. He's everything a girl could ask for at natatakot ako dahil ang swerte ko sa kanya, nakakatakot dahil baka malaki ang kapalit nito. Huwag naman sana.

I took my phone and called his resort. Since hindi ako marunong magluto, magpapadeliver na lang ako ng makakain namin. I started my day by staring at the view. I grew up by the beach. I still remember the time na si tito Theo ang tumayong ama ko. And now anak naman niya ang pinapangarap kong maging ama ng mga anak ko. What a wishful thinking, Andrea.

"You're up early," narinig ko ang baritonong boses ni Ivan sa likuran ko.

Hindi na niya ako hinintay na sumagot o kaya lumingon man lang, he snuggled beside me.

"Good morning," I said with a smile. "Oo nga pala, don't be surprised kung may orders sa resort mo na hindi bayad," biro ko sa kanya.

"What do you mean?" takang tanong nito.

"Gutom ako eh, tapos masyadong masarap tulog mo kaya I took the honors of ordering everything I want," halakhak kong sabi dito.

"I think I can see my future with you," aniya.

"What?" tanong ko.

"You'll get me bankrupt," tawa nitong sabi sakin.

"Maybe, if I can spend all your money that quick, Ivan LeFevre," ngisi ko rito.

Lumayo ito ng bahagya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo. "You always talk in riddles, Andrea. Is there something you want to tell me?"

Ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko. "Huh? Anong pinagsasabi mo?"

"I don't know. Parang may iba lang. I can sense it, Andrea."

I gulped. Hindi pa ako handa, Ivan. Maybe I'll let you know soon but definitely not now, masyado pa akong masaya at hindi pa ako handang tapusin ito.

"Ano ka ba! Hindi lang talaga ako kasi sanay na isipin ang future. I mean I don't have long term plans. I only live in the present, I'll deal with tomorrow kapag andiyan na. Ang importante kasi sa akin ay 'yung ngayon," I smiled sweetly at him and gave him a peck. 

Magsasalita pa sana ito kaso biglang tumunog ang doorbel.

"Oops! Better get that, gutom na ako!" pagtataboy ko dito.

Hindi na ito umangal, agad agad siyang tumayo upang tignan kung sino iyon.

Pinili naming dalawa na kumain kung saan nakikita namin ang dagat. I just can't get enough of the view. It's picture perfect.

"So saan mo gustong mamasyal ngayon?" tanong nito sa 'kin habang pinapanood ko siyang maghugas ng mga pinagkainan naming dalawa.

"Hmm. Wala."

"What?" takang tanong nito. "Hindi ba sinabi mo sa 'kin na gusto mong mamasyal sa iba?"

Nagkibit balikat ako. "I changed my mind. I just want to stay here in San Juan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

14 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon