5

3.3K 197 21
                                    


Unedited...




"Baby!"

Napalingon si Zeon nang palabas na sana siya sa building kaso tinawag siya ng ina.

"Mom? Stop calling me baby," pakiusap niya nang lapitan ang ina. "Ba't ang aga mo?" Napasulyap siya sa wristwatch, alas siete pa lang ng umaga kaya nagtataka siya.

"Gusto ko lang i-check ka bago pumasok sa office," sagot ni Zia. "Wow, tama ba ang nakikita ko, ang aga pang nagising ng baby ko?"

"Mom? Please naman, wag na wag mo na akong tawaging baby!" muling pakiusap niya.

"Mana ka talaga sa tatay mo," ani Zia. "Ayaw rin niyang mamalagi sa bahay ng parents niya pero sa pag-aaral, hindi ko alam. Mas matanda siya sa akin eh." Somehow, nakikita ni Zia ang ugali ni Reon sa anak. Aloof ito sa ibang tao o kahit pamilya. Ayaw na ayaw rin ni Reon noon na dumalo sa kung anumang kasiyahan ng mga Bautista at pinipili nitong magkulong sa condo kasama siya.

"Male-late na ako, Mom!" wika ni Zeon at napasulyap sa babaeng lumabas sa elevator.

"Himala, papasok ka nang ganito ka aga? Ano ang nakain mo?"

"It's Monday!" paalala ni Zeon. Mahal na mahal niya ang ina pero ayaw lang niyang bini-baby sya in-public dahil nakakahiya.

"Okay. Since aalis ka na, tutuloy na lang ako sa office dahil baka kung ano pa ang isipin ng ama mo," sabi ni Zia at niyakap ang anak. "Na-miss lang kita dahil hindi mo ako dinalaw noong weekends."

"Naka-videocall tayo, Mom."

"Sorry na. Alis na ako. By the way, wag mong pabayaan si Carol sa klase ha. She's your pamangkin."

"Yeah. And she's the daughter of your bestfriend," ani Zeon na kabisado na ang linyahan ng ina.

"Ang pogi talaga ng anak ko!" puno ng paghangang sabi ni Zia habang tinitigan ang gwapong mukha ng anak.

"Stop it, Mom!"

Lumabas si Zeon pero hindi na niya nakita si Arabella.

"Si mommy kasi!" paninisi niya sa ina at nagsuot ng helmet saka pumasok sa paaralan.

"Woah! Naniniwala na ako sa himala!" wika ni James nang pumasok si Zeon. "Grabe, nakatulog ka ba nang maayos, Zeon?"

"Huwag mong simulan ang araw ko!" pagbabanta ni Zeon. Madalas siyang late sa first subject o minsan nga ay hindi na siya pumapasok lalo na kung wala namang exam.

"Zeon, may lagnat ka ba?" biro ni James sabay kapa sa leeg ng kaibigan pero tinulak siya ni Zeon.

"Dude, libre ko kayo ng lunch mamaya ha!" sabi ni Carlo nang pumasok ito sa classroom.

"Another himala!" ani James. "Ano ba ang mga nakain ninyo, ha?"

"Masaya lang ako!" sabi ni Carlo.

"Bakit naman?"

"Nakuha ko na ang number ni Arabella!" masiglang sagot ni Carlo kaya napatingin si Reon dito.

"Ha? Binigay niya sa 'yo?"

"Gina!" sagot ni Carlo. Kinulit niya nang kinulit ang kapatid kagabi kaya napilitan itong ibigay ang number ng kaibigan.

"Ayos!" ani James. "Gusto ko rin siya pero dahil naunahan mo ako, sa 'yo na," biro ni James. "Pero mukhang marami ang nanliligaw."

"Eh di maganda dahil may challenge," sabi ni Carlo at napatingin kay Zeon. "Oh? ang aga mo ata?"

"Huwag ninyo akong kausapin!" Tinalikuran sila ni Zeon saka naupo ito sa pinakasulok na mag-isa.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon