Unedited...
"Three weeks pregnant ako. Ibig sabihin nung first natin nabuo na agad?" hindi makapaniwalang wika ni Arabella.
"Okay lang 'yan, Mine."
"Anong okay?" bulyaw ni Arabella kaya napaatras si Zeon sa gulat.
"Bakit ka galit? Akala ko ba gusto mong maging productive?"
"Jusko na productive 'yan!" ani Arabella at bumangon pero pinigilan ni Zeon. "Ano ba? susuka ako!"
"Dito ka na lang sumuka, Bel," sabay alok ng kidney basin.
"Ayoko! Gusto ko sa CR!" tanggi ni Arabella at tumayo dahil bumabaliktad na naman ang sikmura niya. "Hindi naman ako ganito noon." Lahat ng pumapasok sa tiyan niya ay lumalabas din.
"Ayaw mo bang magkaroon tayo ng maraming anak? Mag-apat na taon na si Arean kaya pwede na rin 'yan sundan."
"Nasabi mo lang 'yan dahil hindi mo alam kung gaano kahirap manganak!" giit ni Arabella at nilingon ang asawa.
"Hindi naman kita pababayaan a," sabi ni Zeon.
"Iba pa rin kapag ikaw mismo."
"Don't worry, ako ang bahala sa baby kapag lumabas na, okay?"
"May walong buwan pa ako!" aniya. "Gusto ko pang mag-aral eh!"
"Bumalik ka na lang kapag manganak ka na, Bel. Madali lang naman ang isang taon."
"Huwag mo akong kausapin, Zeon! Utang na loob!" pakiusap niya. "Doon ka muna sa couch tumambay at matulog, please lang."
"Okay basta kapag may kailangan ka, tawagin mo ako agad ha," pagpayag ni Zeon.
Nahiga sa kama si Arabella at niyakap ang unan. Gusto niya munang mapag-isa dahil sobrang gulo ng utak niya.
Tamad na inabot niya ang cellphone sa bedside table at tinawagan niya ang mama niya.
"Ma..."
"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo, Bel?" bungad ni Maya.
"Ma kasi-"
"Naintindihan kita, Bel. Hindi madali sa iyo ang sitwasyon ninyo ni Zeon lalo na't kasal kayo. Ang mahalaga ay kung saan ka masaya. Matanda ka na, sundin mo ang gusto mo at mapakapagpasaya sa 'yo."
"Pero ma-" napabuntonghininga siya. Paano ba niya sasabihin ang totoo?
"May problema ka ba? Sinasaktan ka ba ni-"
"Ma, I'm pregnant!" mabilisang sabi niya kaya natahimik sa kabilang linya. "M-Ma, sorry, buntis na naman ako."
"Kung diyan ka masaya, Bel."
"Pero hindi ako sigurado."
"Anong hindi?"
"Kasi naguguluhan ako."
"Ano ba ang magulo?"
"Ang mga nangyari."
"Kalimutan mo ang kahapon at magsimula ka ngayon. Thank you, Bel. Masyado ka nang maraming isinasakripisyo para sa pamilya natin. It's time na sarili at pamilya mo naman ang unahin mo."
"C-Can I hug you, Ma?" naiiyak na wika niya.
"Kung pwede lang."
"Kausapin ko si Zeon, dalaw ka rito."
"Saan ka ba?"
"Sa dating unit ni Zeon," sagot niya. Naalala niya noon, sadyang binili nila ang unit para malapit siya kay Zeon pero hindi niya akalaing ganoon lang pala kabilis mapalapit sa binata.

YOU ARE READING
Selfish Love
Romance"Just because you're rich doesn't mean you take the shortcuts!" Simpleng babaeng nakapasok sa isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas pero nagbago ang buhay nang makilala siya ng anak ng isa sa pinakamayamang businessman sa bansa.