8

3.2K 197 11
                                    


Unedited...




"So, this is the real beauty of a queen after the pageant, huh?"

Napatingin siya kay Zeon na nakatayo sa kanyang harapan at may dalang mug ng kape.

"Morning," sagot ni Arabella at ipinagpatuloy ang pagkain. "Ang aga mo namang magising."

"Dahil alam kong nandito ka," sagot ni Zeon. "It made me wokeup"

"Are you trying to make me kilig?" nakataas ang kanang kilay na tanong niya.

"Just stating the fact, Bel," sagot ni Zeon.

"Hmmp!" inirapan niya ang binata.

"Ano ang feeling na magising ka pagkatapos ng pagkapanalo?"

"Just want to slap myself if totoo ba iyong nangyari kagabi," sagot ni Arabella na ikinatawa ni Zeon.

"A soft kiss from me makes you realize that it wasn't a dream."

"No, thanks!" sagot ng dalaga. Kung ibang lalaki lang 'to, masasampal na niya. "Should I be thankful kasi I am special sa 'yo?"

"No," sagot ng binata at napatingin sa plato ng dalaga. "You want more? My treat."

"I'm full, thanks."

"Bagalan mo naman ang pagkain, gusto pa kitang makausap nang matagal."

"Mahal ang talent fee ko," biro ni Arabella.

"How much?" tanong ni Zeon. "I'm willing to pay."

"Alam kong kaya mong bilhin ang lahat, Zeon. But sometimes, may mga bagay na hindi nababayaran ng pera."

"I know. That's why I'm asking , Bel. What do you want?" diretsahang tanong ni Zeon. "What will I do to make you mine?"

Napatitig si Arabella sa mukha ni Zeon at wala siyang nakikitang sign na nagbibiro lang ito.

"As what you've said, it takes time, Zeon. It takes time na mahalin mo ako so it takes time rin na magustuhan kita. I don't want me to be yours! I hate someone na inaangkin ako. I'm not a jewelry na pwedeng angkinin. I want my own my freedom. You can have me but you can never own me! No one!"

"Parang gusto ko na tuloy sumuko," wika ni Zeon dahil kakaibang babae ang kaharap niya.

"Eh di sumuko ka. Hindi naman kita binibigyan ng pag-asa. To be honest, ayaw ko sa lalaking sobrang yaman kasi kapag may pera, hindi na mag-e-effort sa ibang bagay. Always remember that I am contented sa local brands. Gustuhin mo man ako o hindi, hindi ka kawalan!"

"You're driving me crazy, Bel," honest na sagot ni Zeon habang nakatitig sa mapupungay na mga mata ni Arabella. Ang charming ng mukha pero ang ugali napakatapang para harapin sya at sagutin ng ganito. "Change topic. May gagawin ka ba today?"

"Wala naman. Why?"

"Baka gusto mong manood ng movie or lumabas?"

"Hindi ako mahilig lumabas, Zeon. Mas gusto kong manatili sa bahay at manood ng movie."

"Eh di manood tayo ng Netflix sa unit ko."

"Unit mo?" ulit ni Arabella. "May Netflix ako sa bahay."

"Eh di doon na lang tayo sa bahay mo."

"Kaya ko namang manood ng mag-isa."

"C'mon, Bel. I'm asking you a date!"

"Ow! Sa place mo o sa place ko? Ganoon ba ka-private?"

"I'm asking you to go out ayaw mo naman."

Napaisip si Arabella. Makalat pa pala ang unit niya at kahit kaninong unit ay pareho lang naman ang punto roon—magkasama sila ni Zeon sa iisang unit.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon