25

2.9K 203 36
                                    











Unedited..





"Stop blaming yourself, Zeon," sabi ni Arabella at niyakap ang naghihinagpis na asawa. "Wala kang kasalanan, okay? It was her decision to end her life."

"O-Only if I listen to her," umiiyak na sabi ni Zeon. Mica was so special to him. Ngayon lang niya napagtanto na ang tindi ng pinagdadaanan nito and he wasn't there. Tama si Arabella, dapat hindi niya binalewala ang kaibigan. He blocked her pa sa number niya.

"No one knows na mangyari ito, Zeon. Sana naman mapatawad mo na ang sarili mo," sabi ni Arabella. Three days nang wala si Mica kaya mahigpit na ibinilin ng mga magulang nito na bantayang maagi si Zeon.

"Hanggang ngayon hindi ko lang lubos maisip kung gaano siya nasaktan. Hindi pa maganda ang huli naming pag-uusap," pagsisising sabi niya.

"And it was all because of me," malungkot na saad ni Arabella.

"No!" sabi ni Zeon. "Wala kang kasalanan, mine. It was a mother's intinct to protect her child."

Thanks God at nandito si Arabella na nagco-confort sa kanya. Hindi siya nito iniiwan at palaging tinatabihan.

"Basta wag ka nang malungkot, Zeon. Nandito ang pamilya mo para ipagpatuloy mo ang buhay mo."

"Thank you, mine. Alam kong hinding-hindi ako magsisisi na pinakasalan kita. I love you."

"Maghahanda lang ako ng dinner natin habang tulog pa si Baby," paalam ni Arabella at pumunta sa kitchen. Linggo ngayon kaya walang pasok ang yaya ng bata.

Tinawagan ni Zeon si Carol. Iyak ito nang iyak at sinisisi ang sarili.

"K-Kung sana nakipagkita ako sa kanya nang araw na tumawag siya. K-Kung sana tinawagan ko siya nang umuwi ako. Kung s-sana nakipagkita ako sa kanya para may kausap siya," sising-sisi na sabi nito at humagulgol.

"Walang nakakaalam ng mangyayari, Carol. We have our own life to live," sabi niya.

"I k-know but she's my bestfriend at alam kong may pagkukulang ako."

"Tahan na. Lumabas ka. Makipag-usap ka sa parents o iba mong kaibigan but don't do anything stupid, okay?" bilin niya at napasulyap sa asawang nasa kusina. Nakatalikod man ito pero napansin niya ang pagpahid na naman nito ng mga luha. "Okay, Carol. Ingat ka. Tawag ka na lang kung may kailangan ka, okay?"

"Okay. Ingat ka rin," sabi ni Carol at tinapos ang tawag. Lumapit si Zeon sa asawa at niyakap ito sa bewang saka hinalikan sa pisngi.

"Bakit umiiyak ang mine ko?"

"Ha? W-Wala," tanggi ni Arabella. "Sa sibuyas lang na hiniwa ko-" Hindi niya natapos ang sasabihin nang pinaharap siya ni Zeon at mariing hinalikan sa mga labi.

"I love you, Bel."

"S-Sorry kung nagiging emosyonal ako. Baka dahil lang ito sa postpartum," paumanhin ni Arabella at tinitigan ang mukha ng asawa na para bang mini-memorize niya ang bawat detalye nito. "M-Mahal kita, Zeon. Mahal na mahal."

Natigilan si Zeon pero agad na tinago ang pagkagulat. He heard her naman na nagsasabing mahal siya nito pero kakaiba ngayon. He could feel the warmness and sincerity on her voice. Ngumiti si Zeon saka muling niyakap ang asawa. Ang higpit din ng pagkayakap nito sa kanya pero ilang saglit pa ay natawa si Arabella.

"Sorry. I know na hindi pa pwede," paumanhin niya sabay layo sa asawa dahil baka matukso siya at hilain niya ito pahiga sa kama.

"Ayun! Umiyak na si Baby kaya patahanin mo!" utos ni Arabella nang umiyak ang anak kaya dali-dali itong pinuntahan ni Zeon.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon