11

3K 204 16
                                    









Unedited...





"Thank you sa romantic date," pasalamat ni Arabella habang pauwi na sila ng bahay. Nagpasundo sila sa family driver dahil hindi sanay sumakay sa motor si Arabella.

"Salamat sa masarap na isda kagabi," pasalamat ni Zeon.

"Sus, wala iyon. Iyon lang ang ma-offer ko kasi wala naman akong pera."

"Mas mahalaga ang presence mo at 'wag mong isipin ang pera. Ako ang bahala kapag magkasama tayo," sabi ni Zeon.

"Kahit na wala namang pera basta masaya ang date okay na ako," sabi ni Arabella. "Kahit nga riyan lang sa tabi eh. Sapat na sa akin ang isaw at fishball."

"Pasensya ka na, afford ko ang expensive date," nakangiting sabi ni Zeon at kinuha ang kanang kamay ni Arabella at nilaro ang daliri nito ng kanyang mga daliri.

"Medyo i-ready ko na ang sarili ko sa Monday dahil may mga tao sa backstage nang lapitan mo ako at sinabi mong exclusively dating tayo."

"Hayaan mo sila. Kapag walang nagtanong, okay. Kapag may magtanong, wag mong sagutin, Bel."

Tumango-tango ang dalaga tanda ng pagpayag.

"Iisipin nila na mukha akong pera dahil kung ano-ano ang ibinibigay mo sa akin at tinatanggap ko naman."

"Normal lang 'yon sa nanliligaw, Bel. Walang masama kung magbigay ako sa iyo o kung tanggapin mo. It's our life!"

"Tama ka," sabi ni Arabella at mahinang kinurot ang kanang pisngi ni Zeon. "Salamat kasi hindi mo ako binabastos, Zeon. Sobrang na-appreciate ko iyon." Iba si Zeon kaysa sa inaasahan niya. Marespeto itong manliligaw at marunong magpigil ng sarili maliban na lang sa halikang naganap na hindi naman niya tinutulan.

"Syempre naman. Babae ka at ayaw kong maging masama ang tingin mo sa akin, Bel."

"Wala lang na babaeng magsabunot sa akin sa hallway," natatawang sabi ni Arabella. "Ayaw ko ng maeksena na buhay."

"Wala. Pangako, wala talagang sasabunot sa 'yo dahil inagaw mo ako sa kanila."

"Sure ka?"

"Oo naman."

"Ilan ang naging girlfriend mo?"

"Nakailang tanong ka na ba, Bel? Wala nga!"

"Baka mag-iba ang sagot mo ngayon eh," ani Arabella.

Pagdating sa building, lumabas ang dalawa at sabay na pumasok.

"Zeon!" tawag ng babae nang malapit na sila sa elevator kaya napalingon sila ni Arabella.

"Mica!" ani Zeon.

"I miss you!" wika nito at mahigpit na niyakap ang binata.

"Hey, ano na naman ang masamang hangin na nagdala sa 'yo rito?" natatawang tanong ni Zeon.

"Hmp? Di ba ako welcome?" nagtatampong tanong ni Mica at napatingin kay Arabella. "Who's she?"

"Si Arabella pala. Bel, si Mica," pagpakilala niya sa dalawa.

"Girlfriend mo?" mataray na tanong ng babae na para bang husgado kung tingnan si Arabella kaya nakaramdam ng inis ang huli.

"Yes," sagot ni Zeon kaya napataas ang kanang kamay ni Arabella. "Ba't ka nandito?"

"Ah, may girlfriend ka na pala," sabi ng dalaga. "Makitulog sana ako sa bahay mo kahit ngayon lang."

"Bakit?"

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon