24

2.6K 196 27
                                    



WARNING! ⚠️

Ang mabasa ninyo sa chapter na ito ay may sensitibong topic, ganap o pangyayari. Ang tauhan at pangyayari ay kathang-isip lamang ng author kaya walang kinalaman ang ibang tao rito. Kung sensitibo kang tao, stressed o depressed, sana wag na ninyong basahin.

Ang susunod na eksena ay huwag na huwag ninyong gawin sa totoong buhay! Salamat.





UNEDITED...






Iyak siya nang iyak habang pauwi sa bahay. Ngayon lang naging ganito si Zeon sa kanya at dahil pa sa babae. Masama ba kung labis siyang nag-alala sa anak ni Zeon? Nataranta siya nang walang tigil na umiyak ang sanggol kaya naisip niya na baka kailangan nito ng hangin kaya ilalabas sana niya at hanapin ang ina dahil wala ito sa loob pero nagalit pa si Zeon.

Malabo ang paningin pero nakarating pa rin siya sa bahay nang ligtas.

"Oh? Saan ka galing? Bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ni Monica sa anak.

"Diyan lang!" sagot ni Mica at pabagsak na naupo sa sofa.

"Kumain ka na ba?"

"Wala pa akong gana."

"Mica, magsa-sign ka ng kontrata nextweek ha. May bago ka raw na endorsement at ikaw ang napiling maging calendar girl ng isang alcoholic brand!" proud na sabi ni Monica.

"Kaka-sign ko lang po ng teleserye."

"Madali lang naman 'tong endorsement."

"Mom? Hindi ako gumagamit ng kanilang product kaya ayaw kong mag-endorse."

"Wag ka nang maarte! Milyon ang mawawala sa 'yo kapag hindi ka pumirma ng kontrata. Minsan ka lang maging teenager. Sige ka, baka sa iba nila i-offer."

"Ano ba 'yan!" inis na sabi niya. "Ayaw ko ngang mag-two piece eh!"

"Ayaw mo pa nun? It's time para makita nila ang maganda mong katawan. Na may ibubuga ka sa pagpapa-sexy at hindi na pabebe lang."

Napabuntonghininga si Arabella.

"Mom? Can I change my career path? I want to focus in my modelling career. I want to go to Paris and do my modelling."

"Masyadong malayo ang Europe at hindi ka sisikat doon. Marami kang fandom dito. At paano ang screen partner mo? Kapag maipareha yun sa iba at mag-click sila, paano ka? Mahirap maghanap ng katambal at may spark sa madla, Mica."

Napataas siya ng mga kamay bilang pagsuko. As if na may pakialam ang love team niya eh pinaplastic lang naman siya ng mga ito. Madalas pa siyang pagtawanan sa set kapag nakatalikod siya kaya wala talaga siyang ka-close sa showbiz. Lahat ay pakitang-tao lang. This is her life! She can't do what she wants. Para siyang puppet na kung ano ang ipagawa ng may-ari ay kailangan niyang gawin. Lahat ng opinion niya para sa sarili ay balewala sa kanila.

"Hay, life! ang hirap talang kumita ng pera," sabi ni Monica at napailing.

"Totoo ba, mommy?" mahinang tanong niya nang hindi na makatiis.

"Ang alin?" nakakunot ang noong tanong ni Monica.

"Na kaya mo iniwan si Tito Reon noon dahil wala na siyang pera?"

Bahagyang nagulat si Monica sa tanong ng anak.

"Who told you?"

"Just answer me, mom!"

"I was so young and—"

"So, totoo nga!" hindi makapaniwalang tanong ni Mica sabay iling. " Mommy naman! Bakit mo iyon nagawa kay Tito Reon? Mabuti siyang tao!" sumbat niya saka tumakbo palabas ng bahay.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon