Chapter 4

4.7K 168 11
                                    

"Ikaw?!" Bakit ganito ako mag react masyadong over acting. Am I still affected to Nathan wtf big no. Haaaysss.

"Kilala mo sya?" Nalilitong tanong ni Kath. Magsasalita na sana si Dylan kaya lang inunahan ko siya.

"Oo naman. He's one of the bestfriend of Nathan." I whisper to her pero rinig naman ni Dylan. Aisssh!

"What a small world princess? Akalain mo nga namang ikaw pa magpapakita sa'min." Ha? Di ko gets sinabi ni Dylan medyo weird.

"Ha? What do you mean?" Nalilitong tanong.

"Justin Bieber?" Ha? Ano meron kay Bieber, ba't yun napasama sa usapan namin, may pagka weird din talaga 'tong si Dylan kahit date pa eh.

"Anong connect?" I asked seriously pero si Kath natatawa. Teka wait? Anong nakakatawa kay Justin Bieber paki-explain nga.

"Hindi mo gets? Dylan is joking. Yung sinabi mong What do you mean eh yun diba yung isa sa title ng song ni Justin." Teka so joke pala yun. Taeee! Nag buffering talaga brainy ko dun ah pero deym nakakatuwa na ba 'yun. Pssssh! Nakakatuwa yung joke o sadyang alam nyo na the power of love.

"Pano nga pala kayo nagkakilala ni Janelle, Kath?" Dylan asked.

"Me and Janelle? Kasama ko siya sa condo unit ko malapit sa school saka sya lang ang friend ko na sobrang baet." Sus. Mabaet daw ako sadyang ako lang kase nakakatagal sa ugali niyang childish tapos hopless romantic.

"Ahh. Mabaet nga yan kaya lang...." "Heeep!" Hindi natuloy sasabihin ni Dylan ng bigla kong sumingit. WTF! Nasa harap nila ko pero pinag uusapan nila ako at mukha akong hangin dito.

"Nandito po ako di nyo ko kailangan pag-usapan." Natawa naman silang dalawa. Ugh! Sarap nilang pag umpugin.

"Teka nga Dylan, nililigawan mo ba 'tong si Kath ha? May nalalaman ka pang papunta punta dito sa mala-mansion niyong dorm!" Nagulat si Kath sa tanong ko kaya natahimik siya at biglang nag blush, Aissh kung makapag blush ang lola mo baka mamaya ma-dissapoint ka sa sagot nito eh masasaktan ka talaga.

"Hindi." Seryosong sagot ni Dylan. Nakita ko namang nalungkot si Kath. Aissh! Babatukan ko 'to si Dylan eh. Anong sense ng pagpapapunta niya sa place niya nang babae. Duuhh!

"Eh! Ba't nandito kame saka teka nga pinaglalaruan mo ba feelings ni Kath baka gusto mo masapak!" Mali din kase tanong ko eh. Shungaa ko din minsan eh.

"Easy lang, hindi ko PA nililigawan si Kath. Manliligaw din ako dyan sa tamang panahon." Lul may nalalaman pa kayong tamang panahon ano kayo Aldub. Putspaaa! Nagfefeeling Alden si Dylan ewww lang ha masyadong malayo kay papa Alden si Dylan.

"Daming nyong alam walang ganun. Teka nga asan ba banyo dito? Kanina pa ko naiihi eh." Kanina pa 'tong pantog ko eh pinipigilan ko lang talaga.

"Daretso ka sabay liko tapos sa right nandun na ang banyo." Sabi ni Dylan matching turo-turo ng kamay niya. Tumayo na ako at nag paalam na mag babanyo lang ako. Hahaha! Yung itsura ni Kath parang natatae ay este parang di alam gagawin eh. Bruha syaa, chance niya nayung moment nayun wag niyang palampasin. Naglalakad na ako papuntang banyo at pag-hawak ko sa door nob bukas naman kaya binuksan ko 'to pero laking gulat ko dahil may isang lalaki na sumigaw. Fvck!

"AHHHHHH!!!" Napatayo ang lalaki sa trono niya ng makita niya ako. Amp! Ba't di ba kase sya nagla-locked ng pinto yan tuloy nabosohan sya.

"What are you doing here?! / Anong ginagawa mo dito?!" Saba'y napag sigaw naming dalawa.

"Bahay ko 'to at ikaw sino nagpapasok sayo dito? Hmmm. Sinusundan mo ko no? Ba't mo nalaman na dito ako nakatira?" Ako sinusundan si Brielle! Oh c'mon di pa ko lutang para gawin yun.

"Anong nangyayari dito Janelle?" Napatingin ako sa likod ko ng biglang sumulpot sa likod ko si Dylan and Kath.

"Bwisita mo ba 'to ay este bisita pala?" Brielle ask to Dylan.

"Oo pare. Bakit?" Dylan asked

"Ito kasing bisita mo namboboso." Aba! Ako namboboso? WTF!

"Excuse me! Ako? Namboboso? Ang kapal ha! Hindi ko sinasadyang makita ka na natae no! Ikaw 'tong hindi nag locked ng pinto eh." Kapal! Ako pa daw namboboso kasalanan ko bang tanga sya. Grr

"Sus kunwari ka pa kanina ka pa nga sa bus na nagsasabi na hinihipuan kita. Kahit hindi naman." He whisper pero rinig naman. Ulul! Haays! Sabi ko nga kanina mag sosorry ako sakanya kapag nakita ko sya pero ngayon hindi nalang, hindi nya deserves yun.

"Okay okay itigil nyo nayan. Janelle, dun ka nalang sa taas mag banyo hayaan mo na dyan si Brielle." I nodded. Mas mabuti na nga siguro yun. Kaloka din kase 'tong si Brielle.

Pagkasabe ni Dylan nun umakyat na agad ako sa second floor pero teka di ko natanong kung san banda dito. Bahala na nga iisa-isahin ko nalang yung kwarto.

Fvck! Dami palang kwarto dito mga 8 nakakainis naman 'tong bahay na 'to. Yung itsura nya 4 sa right and 4 sa left. Yun na nga inisa-isa ko na nga yung kwarto yung una na magkatapat naka-locked at mukhang kwarto yun hindi banyo yung pangalawa naman ganun din. Aissh! Lahat ng kwarto naka-locked pero nung nasa dulo na ako may isang kwarto na hindi naka-locked ang pinto so tinignan ko pero bago ako pumasok sa loob tumingin tingin muna ko sa paligid ko kung may naka tingin sakin at wala naman.

So pinasok ko na nga yung kwarto at nakita ko ang isang napaka gandang kwarto at sobrang laki. Napaka ayos lahat ng gamit pero teka wait omgyosh! Ano 'tong nakita ko may isang pamilyar na teddy bear sakin teka wag mong sabihing.........Fvck! Hindi 'to maari. Sya ba may ari nitong kwartong 'to........... >.<

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto?"




I T U T U L O Y ......


--
A/N : Reaksyon please! Mas ginaganahan ako mag update kapag nababasa ko mga comments nyo. Salamat sa support guys!

[AMTPC 2] We'll get Married, FOR REALDonde viven las historias. Descúbrelo ahora