Chapter 19

721 22 2
                                    

"Anong ginagawa mo sa Fiancee ko?" Okay eto nanaman po ang away. Nandito na nga ang Prinsesa ng kabwisitan. Hindi na ako umimik sa tumayo at tinanggal pagkaka hawak ng kamay ni Nathan sakin.

Kahit iika ika ako, pinilit kong makatayo at makaalis. Habang papaalis na sana ako para maka-iwas sa gulo at maka iwas sa away, nagulat ako ng biglang may humila sa buhok ko.

"Walang hiya lang mang-aagaw ka. Ikakasal na nga kami ni Nathan, hindi kapa din tumitigil hanggang ngayon." I was shocked nung sinabunutan ako ni Sienna. Hindi ako nakalaban agad. Nawala ako sa balanse kaya natumba ako habang hawak ni Sienna yung buhok ko.

Hindi ako makalaban dahil bukod sa nahihirapan ako sa iika-ika kong paa. Hindi ko maintindihan sarili ko. I feel guilty. Alam ko na kung hindi akk sana lumapit kay Nathan, hindi 'to mag uumpisa sana.

"Malandi ka! Magpapakasal na kame ni Nathan. May balak ka pa talaga siyang ahasin ha!"

Habang sinasabi ni Sienna yun, hindi ako makalaban. Natutulala lang ako. Masakit masabihan nun pero mas masakit yung nararamdaman kong bigat sa puso ko.

Inaawat naman ni Nathan si Sienna, habang sinasabunutan ako. Ganun din si Brielle saka tinulungan ako makatayo.

Hindi ko na alam nangyayari. Nawawala ako sa sarili ko. Naiiyak ako, nasasaktan. Bakit sa dinami dami na pwede nilang dalawa madatnan bakit yung nag uusap pa kami ni Nathan.

"Ano ba, Sienna! Tumigil kana!!!!" Natahimik si Sienna ng sumigaw sa harap niya si Nathan. Nagulat din ang lahat.

Hindi ko nadin namalayan na nandito nadin pala sila Dylan, Kath, Jasmin, Ethan and Levi.

"Ang kapal ng mukha mo para makipag landian sa iba! Magiging mag-asawa na tayo tapos eto madadatnan ko? Nakikipag landian ka diyan sa mang gagamit nayan, sa mukhang pera nayan!!!!"

Kahit anong sabihin ni Sienna. Wala kong lakas lumaban. Bakit ganun? Yung nararamdaman ko, naduduwag ako. Akala ko ba matapang na ako. Akala ko ba hindi na ako magpapa api kahit kanina. Bakit ganito? Hinahayaan ko siya.

"Hoy, Bruha! Wala kang karapatan sabihin yan sa kaibigan ko! Ang kapal ng mukha mo mag eskandalo dito! Nandito ka ata sa terotoryo ng kaibigan ko." Pagtatanggol sakin ni Kath.

Hindi na nakapag salita si Sienna dahil hinila na siya ni Nathan. Papalayo samin.

Habang nakikita kong papalayo si Nathan, unti unti naman bumuhos yung mga luha sa mga mata ko.

Akala ko matapang na ako? Akala ko kaya ko na? Akala ko hindi na ako papaapi? Bakit hinayaan ko? Bakit ganito nararamdaman ko. Nasasaktan ako, nahihirapan ako. Yung kirot sa dibdib ko, hindi ko mapigilan.

Bakit mas nagpahirap pa sakin yung mga sinabi sakin ni Nathan. Bakit mas nagpa gulo pa sakin.

Sa sobrang gulo at kirot ng nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na nawalan ako ng malay.

--

"Janelle!!!!" Nagulat ako ng diinan niya ang pagkakahawak ng kamay ko kaya naman napatingin ako sa mukha niya. Nakita ko ang Nathan na naiyak, naguguluhan at nasasaktan.

Humarap ako sakanya at tinanong siya. "Ano bang gusto mo pag-usapan?"

"Sorry. Hindi ko alam 'yung nangyari kanina. Mahal mo naman ako diba? Pwede naman tayo magpakasal for real diba?" Natataranta niyang sabi. Nasasaktan ako sa ginawa niya. Kaya ko pa bang ikasal sakanya, naguguluhan ako. Ano ba dapat kong gawin?!

"Nathan, hindi ko na alam." Pagkasabi ko 'nun ang mukha niyang natataranta at pinipilit ngumiti ay napalitan ng pagtataka bigla tuloy ako naiiyak kaya naman tumalikod ako para naman hindi niya makita ang mukha ko.

[AMTPC 2] We'll get Married, FOR REALWhere stories live. Discover now