Chapter 11

4.3K 176 54
                                    

"Wala. Nagugutom na ako. Sama ka?" Labo ni Nathan kausap. Gusto ko sana sumama kumain kaya lang inis nga ko diba? Nawala na kasi sa paningin ko si Kath and Dylan eh.

"Hindi ako nagugutom. Ayaw kong kumain saka di na ako tatanggap ng kahit ano mula sayo." Ewan ko ba ba't ko 'to nasasabi pero kase lahat kasi ng tao ang alam pinerahan ko lang ang Javier Family nung naging asawa niya ako kaya medyo talaga mataas na pride ko sa ganyan.

"Seryoso ka? Bakit kakain lang naman tayo eh. Kung ayaw mong ilibre kita edi ako nalang ilibre mo!" Nakakainis! Nagugutom narin ako kaya lang tinitiis ko pero nung di ko na nakita sila Dylan eh parang mas naramdaman ko ang gutom.

"Hindi naman ako nagugutom eh." pero deep inside gutom nako, keri ko naman siya ilibre pero yung tipo niya kasi di pang fast food eh pang restaurant si Nathan, eh wala naman akong budget sa ganun kaya mas mabuting wag nalang kami kumain para naman di ako mapahiya sakanya.

"Nagugutom na ako eh. Ayaw pa kasi, ako na nga 'tong manlilibre eh. Utangin mo nalang kaya saka mo na bayaran kapag may pera kana. Gusto ko na talaga kumain kaya lang pano ka? Alangan naman ako nakain tapos ikaw hindi? Di naman ako ganun kasamang tao kahit papano tinuruan parin ako ng magulang ko ng good manners!" Daming sinabi eh. Hindi naman ako papayag no, basta kailangan din walang kakain hangga't di pa tapos 'tong mission na 'to.

"Ang kulit mo. Hindi naman kase ko gutom eh bahala ka kung kakain ka kumain ka pero ako hahanapin ko sila." Ugh!! Huhuhu! Nagugutom na ako pero kaya mo yan Janelle! Magaling ka naman mag tiis ng gutom eh konting tiis nalang.

"Janelle naman! Kain na tayo. Nagugutom na ako. Bahala ka nga! Isang tanong isang sagot nalang! Sasama kabang kumain o hindi! Last na 'tong tanong na 'to. Pag isipan mong mabuti." Seryosong natatawa niyang sinabi. Aisssh! Ang kulit kaya ko ngang tiisin!

"Hindi ng-asdfghjklzxcvvnbhtyryuresdyuoiyym" Hindi ko natapos sasahihin ko ng kumulo at tumunog bigla ang tummy ko. Ay bwiset! Ba't tumunog kapa! Narinig pa tuloy ni Nathan.

"Haaay nako! Nagtitiis ka lang ng gutom. Tara na kumain na tayo!" Hahawakan na niya sana kamay ko at hihilain nang iniwas ko at itaas ng bahagya ang kamay ko na para bang sumusuko at sinabing.......

"Heeep! Don't touch me. Oo nagugutom na ako pero di ako sasama sayo. Ikaw dapat sumama sakin." I said. Ako nangingiti sa sinabi ko habang sya nalilito.

"Ha?"

"I'll treat you but in one condition ako mamimili ng kakainan natin. Hindi pwede mag reklamo dahil ako magbabayad, araso?"

He nodded. Tekaaa? Walang reklamo, talagang nag agree agad? Osya push na 'to.

Nag ikot ikot kami sa mall at nakita ko ang Jollibee. Dito nalang at wala namang ibang choice dahil pang Jollibee lang budget ko.

Tumigil kami sa tapat ng Jollibee at tinignan ko siya pero sya blangko lang ang mukha. As in poker face. -______-

"Dito tayo kakain?" He asked.

I nodded.

"Ano ako bata?" Porke't ba sa Jollibee bata na? Haaays! Dito lang keribels ng budget ko saka masarap naman dito ah.

"Sinabi kong walang reklamo diba? Dito lang kaya ng budget ko eh. Hindi afford ng budget ko ang mala-restaurant mong sikmura!" Bahala nga siya. Ililibre na nga eh. Nung bata kaya ko paborito ko dito at syempre hanggang ngayon.

"Okay. Tara na!" Pagsabi nya nun pumasok sya sa loob ng Jollibee at umupo sa isang vacant table.

Nagulat ako ng itaas niya kamay niya at tumawag ng isang crew.

"Anong pinaka mabenta nyo dito? Oorder kami." WTF! Seriously? Hindi niya ba nakita ang mahabang pila para umorder? Nagulat tuloy yung crew.

Aisssh! Binatukan ko nga siya pero mahina lang.

[AMTPC 2] We'll get Married, FOR REALWhere stories live. Discover now