Chapter 46

732 19 5
                                    


"From now on, tayo muna ang magkasama ngayon? Okay lang ba sayo yun?" Kath said.

Nandito kami ngayon sa school. She's with me. After what happened last night, she decided na she's going to help me na maalala yung mga bagay bagay saming dalawa.

"Ehem, pwede ba ako sumama dyan?" Napatingin kami pareho sa likod namin. When we heard someone talking behind us.

"Jasmin!" Kath said.

"Yup, nalaman ko yung nangyari kagabi kay Ethan. So, I decided na tumulong sa balik memory program ni Chingu." She smiled.

Lumapit sya sakin at nagyakapan kaming tatlo. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa gagawin naming to or kung anong katotohanan yung malalaman ko. Yes, It's scary na malaman yung mga bagay na hindi ko alam pero at the same time, I'm okay with that. Maybe, I should face this thing. Kapag umiwas ako, or tuluyang hayaan ko nalang kalimutan yung mga bagay na hindi ko maalala. Baka hanggang sa huli, sobrang pathetic padin ako. Susubukan ko kung ano man plano namin ngayon hindi natin alam baka maging hundred percent okay na ako. Hindi ko na maramdaman yung bigat at sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobrang hirap ng may confusion na nangyayari sa buhay mo.

Sumakay kami sa kotse ni Jasmin. Bali ako yung katabi ni Jasmin, ako yung nasa passenger sear tapos nasa likod naman si Kath.

"Oo nga pala, pwede bang may dadaanan muna tayo bago tayo mag start sa mga plans natin for today. Badly needed lang kasi. Nagtext sakin yung stylist ko." Tumango naman kami ni Kath.

Mukhang emergency saka isa pa hindi naman kami nagmamadali eh.

Umandar na ang kotse at nag drive na si Jasmin.

"Chingu, anong gusto mong kanta?" Jasmin asked.

"Ha?" Hindi ko kasi alam ibig nyang sabihin.

"Sabi ko kung ano gusto mong kanta, pili ka nalang dito sa phone ko sa spotify." She said.

"Nako, hindi ako mahilig sa kanta. Baduy yung taste ko sa music." Hindi kasi talaga ako maalam sa mga kanta. Feeling ko mapapahiya lang ako sakanila sa taste of music ko.

"Sus! Osya ako na nga." Kinuha nya yung cellphone nya, binuksan at namili ng kanta.

"Oh ayan na." She smiled.

[ A/N: Patugtugin nyo yung kanta sa taas or link. ]

There will be no ordinary days for you

If there is someone who cares like I do

You have no reason to be sad anymore

I'm always ready with a smile

With just one glimpse of you

You don't have to search no more

Cause I am someone who will love you

for sure so

If we fall in love

Maybe we'll sing this song as one

——

Nagsimulang tumugtog ang kanya kasabay ng mga boses nila Kath and Jasmin. Nakikisabay kasi sila sa ganda ng musika. Natatawa nalang ako kasi mga wala sila sa tono pero sige padin sila. Ang kukulit talaga nila, ang iingay at ang saya saya nila. Hindi ako nakiki-join dahil wala naman akong hilig sa music. Yes, I admit. Maganda yung kanta and hindi naman ako maarte sa music dahil wala din akong taste dun. Kaso etong kantang to, habang tumutugtog para bang may kung ano akong naramdaman.

[AMTPC 2] We'll get Married, FOR REALOnde histórias criam vida. Descubra agora