CHAPTER 1

23 6 5
                                    

1 0 Y e a r s L a t e r

KYOMI'S POV

Maaga akong gumising dahil ito ang unang pasok ko sa trabaho. Sa wakas at may trabaho na'rin ako.

"Kyomi, bumaba ka na diyan. Dapat maaga ka para sa unang araw mo sa trabaho."sigaw ni Mama, ang Mama ko ay isang magandang babae at isa siyang Pilipino, at ang aking ama ay isang Americano pero isa lamang ordinaryo na tao ang Papa ko. Hindi siya mayaman katulad ng ama ng mga kaibigan ko.

Nakaharap ako sa salamin at talagang bagay sa'kin ang uniform ko bilang isang pulis. Natupad na'rin ang pangarap ko noon.

"Kaya mo 'to, Kyomi. Ikaw si Kyomi Iowa Valle."kausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin, napalingon ako sa pinto nang bumukas ito.

"Naku! Ano na naman iyang pinagdadrama mo?"sabi ni Mama, nginitian ko siya at naglakad siya palapit sa'kin. Inakbayan ko siya.

"Mama, alam ko na maliit lang ang suweldo ko sa trabahong ito pero...gagawin ko ang lahat maiahon ko ang sarili ko at kayo ni Papa, at mga kapatid ko. Titira din tayo sa malaking bahay. Tayong lahat, Ma."sabi ko sa kaniya

"Naku! Ikaw talaga."sabi niya

"TAO PO! TABACHING, MANININGIL NA AKO SA SARILI MO PARA MAKAALIS NA TAYO!"napangiti ako sa tuwa nang malaman ko kung kaninong boses iyun. Ang aking matalik na kaibigan nasi Taia. Marami naman akong kaibigan pero siya lang ang napagsasabihan ko ng mga problema ko.

Tumakbo na ako pababa para makita siya.

"Aba! Aba! Ikaw ba talaga iyan?"sabi niya, nagpose naman ako sa harapan niya.

"Syimpre. Ang ganda talaga ng anak namin."sabi ni Papa

"Sang-ayon ako diyan, Tito. Maganda ka nga. Kainis, ako wala man lang kalaman-laman."sabi niya, napatawa ako at niyakap siya.

"Namiss kita."sabi niya

"Namiss din kita. Saan ka ba kasi pumunta ha?"

"Nagpapagaling pa din at tinutupad ang pangarap. Kumain ka na ba?"tanong niya

"Hindi pa."

"O edi kumain kana noh. Dito lang ako sa sala. Pakabusog ka."sabi niya, tumango na ako at pumunta sa kusina para makakain ng agahan. Nang matapos ako ay agad kaming nagpaalam kina Mama at Papa.

"Buti hindi ka natakot pumunta dito."sabi ko

"Medyo. Pero, anong gamit ng self-defense 'diba? At isa pa, umiinit ang ulo ko sa mga lalaking tambay at akala mo kung sinong siga. Mga wala namang binatbat. Tapos, idagdag mo pa iyung ibang mga babae na kung makadamit akala mo naman ay naubusan na ang industriyang ito ng tela. Psh. Mga tao nga naman."sabi niya, napatawa lang ako sa sinabi niya. Pero, lahat naman ng sinasabi niya ay totoo. Sumakay kami ng jeep papunta sa pagtatrabahuan ko at siya ay talagang ihahatid muna ako dun.

Nang makasakay kami ng jeep ay walang tigil sa kakatingin sa paligid. Kahit saan-saan lang mga mata niya.

"Hoy! Nasa jeep na tayo noh. Tigil mo na iyang mga mata mo na parang CCTV. Tinalo mo pa ako."sabi ko, ipinikit ko lang ang mga mata ko muna habang nagbibiyahe.

"Kyomi!"napamulat ako ng tumawag siya, nakatigil na pala ang jeep at nakababa na siya.
Bumaba na ako.

"Lalim ng iniisip mo. Nakakabwesit yung lalaki kanina. Tinitignan dibdib mo."sabi niya, sabay pikit ng dalawa kong butones na nabuksan pala.

"Hayaan mo na noh. Napakainit ng ulo mo."sabi ko

"Nakakabwesit kaya. At isa pa, ayoko lang na tinititigan ka ng ganun noh. Ayoko lang na may mangyaring masama sayo at mangyari sayo yung nangyari sa'kin."sabi niya, I smiled. Alam ko naman e. Iyan talaga ang nagustuhan ko sa kaniya.

FUTURE SERIES 1: The Accused CriminalDonde viven las historias. Descúbrelo ahora