CHAPTER 2

16 3 0
                                    

AUTHOR'S POV

Maaga siyang umalis ng bahay ni Taia para hindi siya matraffic. Malapit lang din kasi ang Police Station na pinagtatrabahuan niya.

"Good morning, Cap."bati niya sa Kapitan nila, pero tinanguan lang siya nito.

Matanda na'rin kasi ito kaya hindi na masyadong pumapansin sa mga katulad niya.

Pero kay Taia kung makatingin wagas. Whatever.

At nagsimula na siyang magtrabaho sa ibang papeles na nasa mesa niya.

"Ms. Valle, pakidalhan ng pagkain si 4683."sabi ng Kapitan

"Sino po iyun?"

"Sa may dulo. Huwag ka'ng makikipag-usap at huwag ka'rin papasok."sabi nito

"Yes, Sir."sabat niya at hinatiran na ito ng pagkain. Hindi niya alam, bakit nakaramdam siya ng excitement?

Hay Tumigil ka!

Kumatok siya nang tatlong beses.

"Ito na ang pagkain mo."sabi niya,hindi ito nagsalita. Hindi niya alam pero ayaw niya na tinatrato na parang hayop sila. Oo, masasama sila pero hindi sila nararapat na tratuhin na hayop.

Hindi siya nakatiis at binalewala ang sinabi ni Kapitan sa  kaniya. Pumasok siya sa loob at binigay ng maayos ang pagkain.

"Kumain kana para lumakas ka."sabi niya, kahit hindi siya nito kinakausap ay gusto niya pa'rin na magsalita.

"Maiwan na kita."sabi niya, tinignan siya nito sa mata. Her heart beats fast like she can't breath. Masyadong nakakadarang ang mga mata nito.

Gwapo kaya siya? Ang ganda kasi ng mga mata niya e.

"Kain ka na."nakangiting sabi niya dito, pinagmasdan ng asul nitong  mata ang buong mukha niya. Umiwas naman siya dahil nakakailang ang mga titig nito. Tinanggal niya ang plastic na nakabalot sa pinggan. Hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa.

"Aalis na ako."sabi niya at tumayo, napatigil siya nang magsalita ito.

"You shouldn't be talking to me."sabi nito sa baritonong boses. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa boses nito.

Shit! Pati boses niya ang gwapo.

"B-Bakit naman?"nahihirapang tugon niya, habang nakatalikod

"A woman like you doesn't deserve talking to a bad person like me."sabi nito, hinarap niya ito

"Are you that bad? You seems nice to me."sabi niya dito

Napatitig ang lalaki sa kaniya.

Sa loob ng mahabang taon na pagkakakulong ay ngayon lang siya nakarinig na may nagsabi na mabuti siyang tao.

"Just leave. Thanks for the food. Next time, don't come in. Just leave the food outside the door."sabi nito at hindi na siya pinansin.

Hindi niya alam kung, ba't nakaramdam siya ng sakit sa mga salitang binitawan nito.

Umalis na siya. Kakasara palang niya ng pinto ng bigla siyang hilain ni Kapitan.

"Hindi ba sabi ko huwag ka'ng papasok at makikipag-usap sa kaniya?!"sermon nito sa kaniya

"Sorry, Sir. Hindi ko lang napi-"

"MASAMA SIYANG TAO! NAG-IISIP KA BA?! KAYA SIYA NASA KULUNGAN NA ITO DAHIL MASAMA SIYA! UMAYOS KA. BAGUHAN KA PALANG DITO. HUWAG KA'NG PAPASOK AT MAKIKIPAG-USAP SA KANIYA, DAHIL KAPAG GINAWA MO IYUN ULIT AY AGAD NA KITANG IPAPATANGGAL SA TRABAHO. Maliwanag ba?"

FUTURE SERIES 1: The Accused CriminalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon