CHAPTER 4

7 5 0
                                    

KYOMI'S POV

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Astrid. Hahaha first name based hahaha utak ko lang close sa kaniya.

"Detective Flores-"

"Call me Astrid. Tayo lang naman at nakakailang sobra hahaha"sabi niya, kaya tumango ako

"Astrid, saan tayo pupunta?"

"Sa bahay ko."sabi niya, nagtaka naman ako

"Anong gagawin na'tin dun?"tanong ko, nakakapagtaka kasi e

"Basta. I'll tell you when we get there."sabi niya, tumango nalang ako at tumingin sa labas ng bintana. Hindi talaga ako sanay makipag-usap sa hindi ko masyadong close e. Hindi kagaya kay Taia na kahit hindi kakilala nakikipag-usap.

Pumasok kami sa isang magarang bahay. Bahay pa ba ito? O mansion? Teka, familiar ang lugar?

"Nasa Hyacinth Village ba tayo?"tanong ko

"Oo. Dito ko kasi pinatayo ang bahay para madali ko lang mabulabog si Kafated."sabi niya, napatawa ako sa sinabi niya. Iyan talaga ang tawagan nila simula pa noon.

"Ano palang trabaho mo bukod sa pagiging Detective?"

"It's confidential."sabi niya, hindi ko na'rin pinilit baka magalit pa. Mahahalata mo kasi sa itsura niya na may pagkamataray siya e pero mabait naman kahit papaano. Nang maiparada niya ang kotse ay agad kaming bumaba.

"Ang ganda ng bahay mo. Mabuti ka pa may sarili ng bahay."sabi ko

"Hayaan mo magkakaroon ka'rin. Gusto mo ba magkaroon ng mas mataas pa na sahod mo?"sabi niya, napatingin naman ako sa kaniya

"Meron ka'ng maibibigay?"

"Pasok muna tayo sa loob."sabi niya, tumango naman ako at sumunod na sa kaniya. Kung ang white house na pinuntahan namin ang puro mga high-tech, ito ay kakaiba na dahil talagang totoong bahay na talaga na dito ka titira.

"Ang comfy ng bahay mo at napakacozy din."sabi ko

"Salamat. Maupo ka muna at kukuha lang ako ng makakain na'tin."sabi nito at pumunta nasa kusina, ako naman ay umupo na gaya ng sabi niya. Hindi nagtagal ay bumalik din siya na may bitbit na pagkain at inumin.

"Kain ka."sabi niya, kumuha naman ako kahit nakakahiya

"Huwag kang mahiya. Ang kaibigan ni Taia ay kaibigan ko na'rin, kagaya din ng ginawa niya."sabi nito, at tinanggal ang tali ng buhok at make up niya. Ngayon ko lang napansin na maganda pala siya. Maganda naman siya pero mas maganda siya pagwalang make up e.

"Ganda ko noh? Hahahaha alam ko na iyan."sabi niya, napangiti naman ko

"Pahingi ng kagandahan."sabi ko, natawa naman siya

"Maganda kadin kaya! Sanaol gray ang mata. How to be you po?"sabi niya

"Palahi ka sa Tatay ko? Hahahaha"

"Hahahaha huwag na lang."sabi niya at nagtawanan kami

"So, may mai-ooffer ka ba?"sabi ko

"Hindi ito ganun kadali."sabi niya, napakunot noo naman ako

"Bakit?"sabi ko, tumayo siya at umakyat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Nang makabalik siya ay may dala siyang mga folder.

"Ito."sabi niya sabay bigay sa'kin ng black folder, may logo ng CIA

"CIA?"basa ko

"Oo. Alam kong mali ang ginagawa ko pero mukhang need mo e. Nagtatrabaho ako sa Central Intelligence Agency sa America."

FUTURE SERIES 1: The Accused CriminalWhere stories live. Discover now