CHAPTER 3

9 5 0
                                    

KYOMI'S POV

I was busy doing my paperwork when Captain called me.

"Samahan mo ako sa presinto ng Makati."sabi nito, tumango naman ako at agad na inasikaso ang gamit ko. Sumakay na kami sa police car at pumunta nasa Makati.

"May bago po ba tayong kaso?"

"Oo at kailangan na'tin ang tulong ni Detective Flores dahil isa siya sa binigyan ng kasong ito. Hindi na kita pinasama kagabi dahil hindi mo na iyun duty."sabi nito, tumango nalang ako. Nakakatakot ang pagiging seryoso ni Kapitan e. Nang makarating kami ay pinaupo muna kami habang hinihintay si Detective Flores.

"Ayokong humawak ng kaso sa balugang iyun!"sigaw ng isang babae, bakit parang pamilyar siya sa'kin?

"Pero Detective Flores, wala na kaming ibang pagkakatiwalaan kundi ikaw nalang."sabat ng isang boses lalaki, at papalapit samin ang boses nila

"Ayoko. May hinahawakan na akong kaso. Ayokong maghawak ng kaso na binabastos lang ng client baka mapatay ko pa iyun ng hindi oras."sabat nito, at nasa harapan na namin silang dalawa

"Umalis kana dahil may importante pa akong aasikasuhin."sabi niya sa lalaki, agad naman itong umalis. Nang humarap siya ay napakapamilyar ng mukha niya.

"Good morning, Captain Hernandez. I'm Detective Flores."sabi nito at nagkamayan sila, napatingin naman siya sa'kin

"Hi, Ms. Valle."sabi niya, nagtaka naman ako

"Kilala mo ako?"sabi ko

"Yeah. Kaibigan ka ni Taia. Hindi mo ba ako natatandaan?"sabi niya

"H-Hindi e hehehe."sabi ko, she smiled

"Ako si Astrid Hy-France Flores."sabi niya, napaisip ako at pilit inaalala kung saan ko siya nakita at...

"Tama! Hahahaha sorry kung nakalimutan kita."sabi ko

"It's okay. I'm used to it. Kayo ba yung magiging team ko para sa kasong ito?"

"Yes, Detective."sabat ni Kap

"Follow me."sabi nito at sinundan namin siya palabas ng gusali at sumakay kami sa kotse niya

"Where are we going?"tanong ni Kap

"Somewhere private. It's not safe to talk about this kind of case in this place."sabi niya at nagmaneho na, nang makarating kami sa isang white house ay agad kaming bumaba. Kagaya lang din kanina ay sinundan namin siya. Pumasok kami sa magarang bahay pero akala ko normal na bahay iyun pero hindi pala.

"Bakit masyadong high-tech ang lugar na ito?"tanong ko, sobrang gara at high-tech kasi. Sa halip na sala ang bubungad ay isang malawak na hall way pero black at may white light ang bawat sulok. Parang nasa lugar ako ng isang agent sa mga palabas.

"My organization is high-tech that's why. Hindi lang ako basta ordinaryong detective."sabi niya, habang iniikot sa daliri niya ang susi ng kotse niya. Tumapat kami sa isang pader at tinulak niya lang ito. Namangha ako nang makapasok kami sa loob. Mga computers at sa gitna ay may malaking mesa at ang nasa gitna nun ay isang computerised na mapa ng buong mundo. Woah. Amazing talaga.

"Welcome to my office."sabi niya

"O-Office mo ito?"sabi ko

"Yeah. Have a sit."sabi niya at umupo naman kami sabay tinignan ko ang paligid. Ang mahal siguro nito?
Nagtaka ako nang may nilapag siya na tablet sa amin ni Kap.

"This is the photo of the suspect. We already have the CCTV footage but someone deleted it in our file."

"Delete? Kung ganun hindi iyun normal lang na suspect. Dahil kung normal wala silang kakayahan na pasukin ang system niyo at burahin ang mga files, diba?"sabi ko

FUTURE SERIES 1: The Accused CriminalWhere stories live. Discover now