Kabanata 1

35 7 1
                                    


"Class dismissed! "


Agad na nag si tayuan ang mga kaklase ko nang lumabas na ang prof namin. Naging magulo yung room dahil sa ingay nang mga lalaki kung kaklase nag uusap yung iba at ang iba ko namang kaklase ay abala sa pag retouch nang mga make-up nila. Tumayo na din ako at niligpit ang gami  ko sa aking lamesa.


" Dahil saturday bukas means. Moffs day! " Sigaw agad nang kaibigan kung si Kiara. Wala nang ibang inisip ko din bar at inoman nalang parang madami siyang supplies nang atay niya dahil tuwing weekend nalang nag yaya mag Moffs.


" Tangina mo di ka nalang na awa sa atay mo. Halos every weekend kana lang nag yaya nang Moffs" Yun ang bara ni Lai sa kanya ang kaibigan naming lalaki.



" Sabihin mo nalang na gusto mo nang libre hindi yung dami mo pang kuda" Tumawa lang si Lai sa sinabi ni Kiara.


" Basta bukas Moffs ang di pumunta friend ship over  na kami" Sabi niya at tinapik ang balikat ni Lai na ngayon ay abala sa kaniyang cellphone.


Iwan ko ba tong mga kaibigan kung to kung maka inom parang ang dami nilang atay. Kung ako lang yung atay nila ay matagal na akong nag reklamo sa kanila. Sabay kaming tatlo lumabas sa room namin at bumaba kami para pumunt sa Architecture building para puntahan ang isa naming kaibigan. Hindi masyadong malayo yung building nang Architecture sa Engineering building kaya naman agad din kaming naka rating sa building nila.


" Saan bukas? " Yun agad ang sinabi niya nang nakita niya kami sa labas nang room nila kaya lumabas siya.

" Moffs daw sabi ni Kiara " Sabi ko agad siyang ngumisi.

" Gorabels Moffs bukas! " Excited siya nung sinabi niya yon nag apir pa sila ni Kiara.

" My god wala naba kayong ibang iniisip kundi mag party every weekend" Tumingin agad kami sa likod namin nang narinig namin ang isang pamilyar na boses.


" Ayy wow himala pumunta sa Architecture building" Malayo ang building nang Business Ad sa Architecture kaya isang himala na nag punta siya sa Architecture building.  Agad namin siyang tinagpo nang yakap. Nag aagawan pa kami ni Kiara.


" Sheena we missed you! " Ako ang unang nakayakap sa kaniya.


Hindi na namin siya masyadong nakakasama dahil nagiging busy na siya sa mga school works niya. Nagiging busy na siya dahil fourth year na siya. Nakakiingit nga dahil ilang buwan nalang ay graduate na siya samantalang kami ay mag fo-fourth year pa kami.


" Sama ka samin Sheena?" Niyaya siya ni Lai.


" Sure! " Mas naging excited si Kiara at Zelena dahil sasama si Sheena sa amin. Matagal na din nang huli siyang sumama sa amin kaya naman na excite din ako na sasama siya. Alam kung lalasingin siya nang mga baliw kung kaibigan lalo na ngayon ay nag bubulungan si Kiara at Zelena habang si Lai ay tango lang nang tango sa mga binubulong ni Kiara. Hindi yun napansin ni Sheena dahil may kinakausap siya isang Engineering student dahil naka lagay iyon sa I.D niya.

" Fish ball muna tayo sa ANHS or sa Central gutom nako, e" Agad naman na una sa pag lalakad si Lai dahil nag rereklamo na ito na gutom na daw siya.


" Libre" Ngumuso ako sa kanya nag papacute ako para e libre niya ako.

"Aysus wag mo akong ngusongusoan Salisha" Sabi niya at umirap.

Niyakap ko ang braso niya para kombensihin pa siya na e libre ako. May pera naman ako gusto ko lang na e e libre ako.


" Sige na Lai para namang di tayo kaibigan, e" Agad siyang umirap sa sinabi ko.


The Memories I  CherishWhere stories live. Discover now