Kabanata 29

10 0 0
                                    


Pinagsiklop niya ang mga kamay namin habang nag lalakad palabas nang airport. Hindi man lang siya nag paalam sa mga kaibigan niya.

" Hindi ka magpapaalam sa mga kaibigan mo? " tanong ko.

" Nag pa alam na ako kanina pa " sabi niya. Agad na binigay nang isang lalaki na nakatayo sa kaniyang sasakyan ang susi sa kaniya.

" Thanks kuya nik " sambit niya. Tiyaka umalis ang lalaki. Binuksan niya ang likuran na pintuan at kinuha ang dala kung maleta at nilagay doon " Thanks ". Sinara niya iyon at binuksan naman ang passenger seat " Get in " agad naman akong pumasok. Umikot lang siya at sumakay na din sa driver seat tiyaka pinaandar ang makina nang sasakyan gamit ang susi nito.

" Where do you want to eat? " napatingin ako sa kaniya nang magtanong siya. Akala ko ihahatid niya na ako.

" Kakain muna tayo bago kita ihatid " mukhang nabasa niya ang utak ko. Tumango lang ako.

" So where do you want to eat? " ulit niya sa tanong niya. " Kahit saan nalang hindi pa naman ako masyadong gutom " sambit ko.

Tahimik lang ang buong byahe. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi nahihiya akong mag salita. Nilibot ko lang ang tingin ko sa buong sasakyan niya, hindi ito ang dinala niya nang nag moffs sila. Talagang mayaman sila dahil sa sasakyan palang niya ay talagang makikita mong mayaman sila. Napapaisip ako ilang babae naba nasakay niya dito. Sa dami nang sasakyan niya ay sigurado akong iba iba ding babae ang nasasakay niya doon.

" What are you thinking? " basag niya sa katahimikan.

" Ilang babae naba nakasakay mo dito? " hindi ko alam kung bat ko ba iyon natanong. He chuckle.

" Are you thinking of that the whole time? " hindi niya sinagot yung tanong ko. I guess i have an answer now. " Hindi naman napaisip lang ako, you know curiosity " sabi ko at nanahimik nalang. Kung ano ano nang lumalabas sa bibig ko e.

" Ikaw " kunot noo ko siyang tinignan nang mag salita siya ulit.

" Ha? " nagtataka kung tanong sa kaniya.

" Ikaw pa lang ang nasakay ko dito " agad naman akong napatango. Kung sa sasakyan niyang ito ay ako palang paano sa iba niyang sasakyan ilan na kayang babae ang nasasakay niya doon. Napapaisip pa lang ay parang kumukulo na ang dugo ko sa mga babaeng nakasakay doon.

" I can see na marami kang sasakyan ha....How about the other car's ilan na babae nasakay mo doon? " sa dami ba naman niyang sasakyan ay sigurado akong madami na din siyang nasakay doon. Sa mux niyang sasakyan ilan kaya ilan sa honda niya ilan, kung ito sa fj cruiser niya ay ako pa lang how about his other car's.

" Wala pa akong nasakay doon kahit isa " agad ko siyang nginiwian dahil sa sinabi niya. He chuckle at my reaction.

" Wehh....Totoo? " tinignan ko ang mukha niya, tumawa lang siya at tumango. " I heard na playboy ka daw parang ang hirap paniwalaan na wala " sambit ko at binalik ang tingin sa daan.

" No. I don't play girls.....What you heard is not true " sambit niya.

" Sabi mo e " sabi ko.

We just talked about our family businesses. Hindi ko namalayan na naka dating na pala kami. Nandito kami sa grand palace restaurant. Bumaba siya at umikot para pag buksan ako nang pinto, hindi niya naman kailangan gawin yun. Hindi pa naman ako lumpo, kaya ko pa naman buksan ang pinto. Masyado atang nagpapaka gentlemen idol niyo.

" Thanks " I smile at him

Wenelcome kami nang mga crew nang restaurant. This is part of the grand palace hotel isa sa mga five start hotel sa Butuan. Umupo lang kami sa table na inoffer nang waiter at binigyan kami nang menu. As expected medyo mahal talaga yung mga pagkain dito, but it's worth it naman dahil masarap. Hindi naman ata ito matatawag na five start hotel slash restaurant kung hindi masarap e.

" Order what you want " napatingin ako kang Lance nang sabihin niya iyon. Tumango lang ako.

" Can i get your order man sir? " lumapit ang isang waiter dala dala ang isang sticky note.

" Can i have a Low-Cal Fettuccine Alfredo and a strawberry shake yun lang....Yours? " agad kung tinignan si Lance.

" I'll have a Steakhouse Pasta and a lemon juice for me " sabi niya sa waiter.

" Is that all sir? " tanong nang waiter. Tinignan ako ni Lance " Yun lang sayo? " tuamango lang ako. Hindi pa naman ako masyadong gutom, kumain naman ako nang nasa airplane kami. Kaya okay na yun.

" Yes that's all thanks " sabi niya.

" Okay sir maam your order will be serve in a minute " sabi nang waiter at kinuha ang menu at umalis na. Natahimik ulit kami ni Lance.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, may mga tao na kumakain doon. Siguro ay yung mga naka check in sa hotel. Nag serve nang tubig yung water, napabaling ako kay Lance na ngayon ay nakatingin na sa akin. Iniwas ko agad ang tingin ko. Hindi ko alam kung mag salita ba ako.

" So papasok ka bukas? " basag ni Lance sa katahamikan na namamagitan sa amin ngayon. Ngayon ay napatingin na ako sa kaniya.

" Yes....Ikaw? " malamang papasok siya bukas. Bakit ba ako nagiging boba kapag siya yung kaharap ko. Ganon naba kalala yung tama ko sa kaniya? Oh gosh calm your self Salisha! wag kang pahalatang lowkey baliw na baliw ka sa kanya.

" Yes. May laro kami bukas manonood ka? " napatingin na ako sa kaniya. Bukas pala laro nila?

Siguro manonood ako bukas depende kung wala akong pasok sa oras nang laro nila. Pero kung meron man ay sigurado akong hindi kami makapag discuss nang maayos. Sigurado akong pupunta sila Zelena at Kiara. Ayain ko nalang sila para manood kami bukas.

" Kung mag aaya sila Kiara at Zelena " sabi ko.

" Manood ka " binalingan ko siya.

" I'll be the captain tomorrow manood ka...and wear my jersey " hindi ko alam pero kinilig ako sa sinasabi niya. Iniisip ko palang na sinusuot ko yung jersey niya ay nababaliw na yung mga paro-paro sa tiyan ko. Ramdam ko ang pag init nang mga pisnge ko dahil sa mga iniisip ko.

" S-Sige " nauutal kung sambit.

" Nasa sasakyan ko yung jersey bigay ko nalang sayo later " sabi niya ta uminom nang tubig na binigay kanina nang waiter sa amin kanina.

" Okay " sabi ko.

Hindi naman nag tagal ay dumating na din yung order namin kaya naman nag simula na din kaming kumaina. Masarap talaga yung mga pagkain nila dito, mahal pero napakasarap. Dito kami kumakain nila mommy at daddy tuwing nag aaya si daddy nang dinner date. Hindi masyadong kasama si kuya mike dahil busy siya sa trabaho niya kaya kami lang tatlo ang nag di-date.

Speaking of my dad. Sigurado akong nasa bahay na siya ngayon. Tinawagan ako kahapon ni mommy na nakauwi na daw si dad.


" May gagawin ka pa after this? " napatingin ako kay Lance nang mag salita itO. Pinunasan ko lang ang bibig ko nang table napkin bago mag salita.

" Magpahinga " hindi sigurado kung sagot.

" Okay that's good....You should rest napagod ka sa party gabi and sa flight " sabi niya.

Hindi naman kami nag tagal doon at agad na din kaming natapos. Si Lance na ang nag bayad nang bill hindi niya ako pinabayad dahil treat niya daw iyon. At morning date daw namin iyon, yun ang unang date namin dalawa sabi bilang manliligaw ko. Hindi pa din ako makapaniwalang nililigawan niya ako. Hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko na nang liligaw na siya. Alam kung mababaliw kakatanong ang mga yun pag sinabi ko sa kanila. At hindi pa handa ang utak ko para sagutin ang mga katanungan nila.

Nang pauwi na kami ay huminto si Lance sa tapat nang simbahan. Nong una ay inakala kung mag sisindi siya nang kandila, pero hindi pala bumili siya nang boque of rose. Kulay puting rosas ang pinili niyang kulay. Ramdam ko agad ang pagiinit nang pisnge ko nang ibigay niya sa akin ang isang kulay puti na boque of roses.

" I'll give you white boque of roses it's symbolize purity, innocence and my eternal love for you " ramdam ko ngayon ang pag didiwang nang mga paro-paro sa aking tiyan dahil sa sinabi niya. Mabilis ang pintig nang aking puso dahil sa mga sinabi niya.

" Thanks " sambit ko.

Agad niya na akong hinatid sa bahay, baka daw hinahanap na ako ni Kuya. I told him that i already told them na may pinuntahan pa ako.






The Memories I  CherishWhere stories live. Discover now