Kabanata 21

3 0 0
                                    

" Okay ka lang ba? "  agad akong napabaling kay Ven nang mag salita ito. 

" Oo naman....Mukha ba akong di okay? "  kunot noo niya akong tinignan at inixamine ang mukha ko. Agad kung sinapak ang mukha niya nang ma realized kung pinag loloko lang ako nang gonggong na ito. " Nang gagago ka ba ha? " tumawa siya sa sinabi ko.

" eto naman di ma biro " sabi niya at lokong tumawa. Naramdaman ko ang pag vibrate nang cellphone ko kaya agad kung kinuha ito.

: Lance.C 

I'm jealous. Stay away from him please.

Laglag ang panga ko sa mensahi ni Lance. Ano raw? Jealous? Wrong send ka ata lods agad akong nag tipa nang reply.

: Salisha. Lavelle

wrong send ka ata. 

Wala pang 10 second ay agad na akong naka tanggap nang bagong message galing sa kanya. Aba kay bilis?

: Lance. C

stay away from him o tatabihan kita i swear i'm serious here

Agad ko siyang tinignan na ngayon ay umiigting ang kaniyang panga habang tinitigna kami ni Ven. Tinignan ko ang distansya namin ni Ven at talagang ang lapit niya. Kaya naman tinulak ko siya.

" ARAY NAMAN! " oa na sigaw ni Ven.

" Ang lapit mong gogong ka ang daming upuan"  sabi ko.

" Iba ka din gumanti ha.....Pwede mo namag sabihing na iipit ka hindi yung nanunulak ka e"  sumimangot siya ta tumayo para lumipat ng upuan.

" Ano ba yan tama na yan, ayan nanaman kayong dalawa sa pagiging aso at pusa niyo di ba kayo nahiya kay Lou? "  agad kung binalingan si Axel na nasa tabi ko nang sinabi niya iyon.

Mahiya? Bat naman kami mahihiya dapat nga at siya ang mahiya dahil nakiki sama siya? Tsk

Diko alam pero biglang kumulo ang dugo ko nang makita ang pag haplos niya sa balikat ni Lance. Nainis ako sa ginawa niya.

" Bat naman ako mahihiya sino ba siya " bulong ko iyon bago tumayo. Alam kung narinig nila iyon dahil gulat ang ekspresyon nang kanilang mukha nang tignan nila ako,  mukhang si Lou lang ang di nakarinig non e. Tinignan ko silang dalawa ni Lance, nakatingin sa akin si Lance samantalang si Lou naman ay abala sa pag haplos sa balikat ni Lance. I rolled my eyes on them at umalis na doon. Baka may magawa pa akong pag sisihan ko bukas.

" San ka punta? " tanong ni Lai nang mapansin ang pag kuha ko nang cellphone ko sa table.

" Matutulog na ako baka may magawa pa akong pagsisihan ko bukas "  sabi ko at tinignan si Lou na ngayon ay naka hilig na sa balikat ni Lance habang may sinasabi. Halata namang di nakikinig si Lance dahil naka tingin ito sa akin. Kita ko ang confusion sa mga mukha nang kaibigan ko, pero kay Axel smirk lang ang nakita ko at tinignan niya ako bago tinignan si Lance. Alam kung may alam siya. Tsk 

Dahil sa inis ko ay pa dabog akong umalis doon. Naiinis lang ako sa kanikikita ko, jealous? Siguro pero nahh wag!

Talagang gusto ko nang matulog medyo napagod din ako kanina kaka langoy. Pero kung diko nakita yung ginawa ni Lou kay Lance ay baka nandon parin ako. Ginawa ko lang ang night skin care routine ko sa cr. Nang lumabas ako ay agad kung nakita si Lance na naka upo sa kama ko, kunot ko siyang tinignan naiiinis sa mukha niya hindi ko alam pero na naiinis ako.

" Bat ka nandito? "  mataray kung tanong. 

" Bat ka umalis? "  tanong niya sa seryosong tono na dahilan bakit mabilis ang pintig nang puso ko. Ano ba to pati pagsasalita niya ganon na kung maka react itong puso ko aba baliw na ata itong puso ko. 

" Kasi matutulog na ako "  sabi ko at nilagay ang face towel ko sa lalagyan nito. Ramdam ko ang pag masid niya sa mga galaw ko.  " Nasagot ko na ang tanong mo ano wala kang planong sagutin ang tanong ko "  mataray ang boses ko nang tinanong ko siya. Inayos ko ang unan ko, na aamoy ko alak sa kaniya nang daanan ko siya. Bumuntong hinga siya at humiga sa kama ko " Baliw kaba? Don ka sa kama mo humiga "  sambit ko ngunit hindi siya nakikinig.

" Ayaw ko na bumalik doon "  sabi niya at tinignan ako para bang inaabangan ang reaksyon ko sa sinabi niya. Kung di siya babalik doon alam kung magtataka si Lou sila mag tataka sila. Baka ano pang isipin nila. " Bumalik kana doon "  sabi ko at umupo na sa kama malayo sa kaniya.

" Ayoko don wala naman akong buhay doon dito nalang ako "  sabi niya habang naka pikit ang mata. Nababaliw naba siya nag iisip ba ang lalakin ito?

" Ano ba Lance bumalik kana doon "  sabi ko. Bumunting hininga siya at umupo na at tinignan ako, oh gosh yung titig niya!

" Bro lika na tangina mo ang tagal  niyo namang mag usap nilalamok na ako dito! " rinig kng boses iyon ni Axel. Nasa labas si Axel?

Siguro ay binabantayan niya baka may pumasok bigla a marinig ang pag uusap namin. 

" Bumalik kana! "  sabi ko sa kaniya. 

" Okay chill ka lang wag kang sumigaw please "  kita ko sa mata niya na ayaw na niya talagang bumalik. Hindi pwede sigurado akong hahanapin siya doon. Tinignan niya ako, tinaasan ko siya nang kilay he just smiled at me " Good night " sabi niya at umalis na. Kasabay nang pag alis niya ay parang hinabol sa loob ko ang puso ko dahil sa bilis nang pintig nito. Nakahinga ako nang maliwag nang umalis siya, oh gosh ano yun? Alam ko kung ano yung nakikita ko sa mga mata niya ngunit ayaw kung paniwalaan. 

Humiga ako at tinanaw ang puting kisame. Hindi ma wala sa isip ko ang mga sinigaw nang mga mata niya kanina. I know eye's can't lie. 

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog basta ang na alala ko lang ay ang ganda nang panaginip ko. Habang nag to-toothbrush ako sa banyo ay para akong baliw naka ngiti, paano ba naman kasi paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari sa panaginip ko. Pero isa lang doon ang medyo confused ako parang ang hirap kasi paniwalaan non na panaginip lang.

Napanaginipan ko kasing hinalikan ni Lance ang noo ko at dahan dahang hinaplos ang aking pisnge. Naka ngiti akong parang baliw ngayon dahil sa na iisip.

" Oh god Salisha ano yang iniisip mo umayos ka" sermos ko sa sarili habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin na nasa harap ko. Napa talon ako nang may biglang kumatok sa pinto nang banyo.

" Are you done?....Tumatawag na si Axel! " sigaw iyon ni Lance galing sa labas nang banyo. 

Bababa kami ngayon dahil kakain kami nang breakfast sabay sabay. " Teka lang! " sigaw ko pabalik at niligpit na ang essential kit ko at lumabas na nang banyo. Agad kung nakita si Lance na naka upo sa aking kama habang hinihintay ako. He is wearing a black beach short and a white linen shirt t may sunglasses rin na nakasabit sa kaniyang damit. Kahit simple lang ang outfit niya ay subrang gwapo parin niya talaga " Stop staring at me " agad na iniwas ko ang tingin sa kaniya.

Shit! Matagal ko ba siyang tinignan? Ramdam ko ang pag iinit nang pisnge ko at hiya dahil sa nangyari. 



{sevencess}

______________







The Memories I  CherishWhere stories live. Discover now