Kabanata 4

8 2 0
                                    

" Tangina mo wag mo ako hawak hawakan ang baho nang sasakyan ko dahil sayo " Nandito kami ngayon sa Guingona Park. Kakatapos lang nang klase namin, natatawa kami kay Kiara at Ven hindi parin maka get over si Ven sa pag suka ni Kiara sa sasakyan niya. Nag rereklamo ito dahil nga daw mabaho.

" Ang OA naman neto napa car wash mo naman " Sabi ni Kiara.

" Yan kasi iinom tapos e susuka lang " Umiling  si Zelena sa gilid ko.

Ngumuso si Kiara. Pinag tutulungan na siya nang dalawa. Nandito kami sa white house dahil walang taong tumatambay ay kami nalang ang tumambay.

" OA kasi nitong si Ven. Di naman sana ako susuka kung kalmado lang siyang nag drive. Pano ba naman kasi maka pag drive parang nasa karera edi bumaliktad sikmura ko kasalanan mo din yun oy tanga" Hindi maka paniwala si Ven sa sinabi ni Kiara kaya naman tumawa kami sa reaksyon niya.

" Wow ha kasalanan ko pa ikaw yung sumuka. Pasalamat ka na nga hinatid kita hindi na nga kita hiningian nang pang gas tiyaka pang car wash ako na nga gumastos " Natawa nalang kami sa bangayan nang dalawa. Para silang mga bata hindi parin sila maka get over doon. Pasalamat sila at wala si Sheena ngayon dahil kung meron para na talaga silang nag d-debate. Wala siya dahil may kailangan siyang gawin at na iintindihan naman namin iyon dahil alam namin na busy siya dahil graduating siya.

Nandito lang kami tumatambay ayaw pa nilang umuwi ayaw ko pa din umuwi. Masyadong boring sa bahay anong gagawin ko don tutunganga. Tatlong major subject at isang minor subject lang ang klase namin ngayon kaya madali lang natapos ang klase namin.

" Oy bro balita ko ka chat mo daw yung babae na meet natin sa Moffs yung Tourism ba yun? " Si Lai nanaman ang gagalbalain ni Ven dahil tapos na siya kay Kiara.

" Shut up " Lokong ngumisi si Ven kay Lai.

" Asus ikaw ha mga tourism pala bet mo " Kinukulit ni Ven si Lai. Halatang irita na ito kapag hindi ito titigil ay panigurado ma sasapak to nang wala sa oras.

" Ay ang bored dito punta tayo SM " Tumayo si Zelena.

" Oy Lai diba dala mo sasakyan mo tara SM tayo. Ayaw ko pa umuwi " Sambit ni Zelena tumayo na rin kami ni Kiara at kinuha ang bag namin.

" Kay Ven nalang " Umirap agad si Ven.

" Sayo na medyo mabaho pa yun. Baho kasi si ni Kia " Sabi niya kaya nasapak siya agad ni Kiara.

" Tara na bro lilibre tayo niyan " Bulong nang demonyong Ven. Walang nagawa si Lai kundi tumayo alam niyang hindi siya titigilan ni Ven at Kiara pag di pa siya papayag.

Ganon lang ang ganapan sa araw namin pupunta nang school pag may free time gagala. Sinasamahan din namin si Lai sa training niya sa basketball kaya naman nag mumukha kaming fans niya. Malapit na rin ang exam namin next week pagkatapos nang exam ay semestral break na sakto lang na next month ang semestral break namin makakagala pa kami. Sakto din ang uwi ni Axel. Itutuloy namin ang plano na pag punta sa palawan oh bora gusto din ni Sheena sa surigao at bukidnon daw pero gusto din ni Ven sa CDO. Iwan ko ba tong mga kaibigan ko ay parang gagala lang sa syudad kung maka request parang sino.

Nandito kami ngayon sa loob nang SM sa Starbucks nag  uusap para sa exam namin bukas. Medyo busy na nga kami lahat ngayon nag rereview na si Zelena at Kiara ganon din si Lai at ako. Iwan ko ba anong plano ni Ven sa buhay niyang ito at kain lang nang kain dito wala man lang siyang ginawa kundi ang kumain sa, aming apat dito ay siya lang yung hindi nag study. Aba ano yan miniminimo nalang sa exam.

" Belib din ako sayo Ven ano di ka natitinag sa papalapit na exam " Sabi ni Kiara at uminom sa order niyang iced coffee.

" Kabisado ko nayan kaya kung e passed yung exam with out studying ako pa " Pag mamayabang niya.

The Memories I  CherishWhere stories live. Discover now