Kabanata 5

9 2 0
                                    

" Hell week na! " Sigaw iyon ni Kiara. 


Nandito kami ngayon sa ground nang campus. Wala kaming klase sa first period namin dahil wala ang prof namin. Hell week na namin ngayon exam na , lahat nang mga studyante ay busy na sa pag aaral. Medyo puno din ang library dahil doon nag aaral ang ibang student sa ibat-ibang kurso. Doon lang ang tahimik na parte nang school na ito kaya doon sila nag aaral.



" Hoy Lai pakopya ha. Medyo di ko kasi sa ulo yung mga inaral ko sa dami ba naman non" Sabi ko kay Lai na ngayon ay abala na may ka text sa cellphone niya.


" Diko na kasalanan yun kung wala kang masagot " Agad ko siyang sinapak sa sinabi niya. Damot talaga ang mokong nato. Sinubukan kung silipin ang cellphone niya ngunit mabilis niya itong na ilag. Ngumisi ako nang makahulugan sa kanya.



" Iba din pala. Pakilala mo din naman " Tinutukso ko lang siya hanngang sa naka rating kami sa room namin. Naiinis na siya sa akin at mas lalo pa siyang na inis nang sinabi ko iyon kay Kiara. Kaya kaming dalawa na ni Kiara  ang tumutokso sa kaniya kaya mas lalo lang siyang na inis.




" Sino ba yung nagpapabaliw sayo pakilala mo din Lai" Tuksong sabi ni Kiara natatawa na lang ako sa mga irap ni Lai. 



" Good morning everyone!" 




Agad kaming bumalik sa aming mga upuan nang pumasok yung prof namin. Tahahimik ang buong klase dahil nag sisimula nang mag salita ang prof namin sa harapan namin. Nakinig nalang din ako kailangan kung makinig dahil major subject ito. Nakikinig din naman ako tuwing nag d-discuss yung mga prof namin sa minor subject namin. Pero iba din kasi yung binibigay na seryoso sa mga major subject. Kailangan itong pag tuonan nang pansin kasi kapag isang bagsak mo sa major ay talagang iiyak ka nalang nag wala sa oras.



Hindi ko pa naman iyon nararanasan at ayaw ko iyong maranasan. Talagang mag bre-breakdown ako nang isang week kung mangyayari man iyon. Nang matapos na ay agad kaming naka hinga nang maluwag. 



" May practice kami ngayon. Saan kayo? " Tanong ni Lai sa amin habang nililigpit ang kaniyang gamit



" Hindi free si Zelena at lalo na si Sheena. Sama nalang tayo sa kanila Sha? " Tumango lang ako.


Agad na kaming umalis sa room at nag tungo nang court dahil doon sila mag pra-practice. Agad kung nakita si Ven doon habang nilalaro ang bola. Naka jersey siya nang kulay blue. Sa likod niya ay may numero na 07 at kaniyang family name "Madrigal" .



" Naks naman may mag che-cheer na sa atin" Lumapit si Ven sa amin nang makita kami. Umupo lang kami sa bleacher nang team nila. Hindi pa namin nakikita kung sino kalaban nila  mukhang hindi pa nakarating.



" Kapal mo ata. Sino ka para e cheer namin" Bara ko sa kanya.


" Akala ko anghel ka demonyita ka din pala Salisha" Agad ko siyang tinapunan nang matalim na titig. Hayop din tung mokong nato e. Agad kaming napatingin sa likod namin nang umingay ito. Agad kung nakita ang tatlong lalaki na nag lalakad papalapit sa amin. Wait dont tell me sila yung makakasama nila Lai?. 


" Welcome back Lance!" Agad na nag batian ang dalawa.   



" Sila kalaban niyo? " Tanong ni Kiara.



" Nope. Kasama namin sila " Sabi ni Lai nakakabalik lang. Nakasuot na ito nang jersey na katulad nang kay Ven. May naka lagay sa harapan na "FSUU" at sa likod naman ay numero 26 at ang family name niyang " Delavisa" .



" Naks baka Lai yan " Agad na pinuri ni Ven si Lai.


Silang lima ay naka jersey. Ang kulay nang jersey ay white and blue kulay white sa may bandang arm hole at colar stand the rest na parts ay blue na. Tapos sa harap ay may naka lagay na initial nang university namin " FSUU " . Ang short naman ay kulay blue lang at sa left side ay may intial din nang university namin. Lahat sila ay may dalang duffle bag na kulay itim bigay iyon nang university para sa kanila.



The Memories I  CherishWhere stories live. Discover now