Chapter 02

10 3 0
                                    

Chapter 2: Hatred

Tila wala lamang ang nangyari nong gabing kasunod ng malamig na hangin ay luha na tumulo sa mga mata ni Zephyr. Sa malamig na gabi na iyon ay nakisabay ang durog na durog niyang puso sa madamdaming kanta na naririnig niya sa kwarto ni Alectrona.

Ilang beses na nga ba niyang iniyakan ang lalaking iyon ng pasikreto? Ilang beses na halos malunod sa mga luhang hindi niya alam kung deserve bang iyakan ang binata? Bakit ba kahit ang sakit-sakit na ay gusto niya pa rin ito?

She just can't understand this emotion. She is arguing to something she wanted to have yet she is not doing everything, maybe she is giving everything but it wasn't enough. It is like no matter she bet on everything, she is not enough for him.

After that, Alectrona stopped sending her a message since she told her. Ayaw niya munang sundan ang lalaki dahil wala na siyang mukhang maihaharap pa. Pero sa tuwing nagkikita naman sila ng hindi sinasadya, may ngiting malawak at pagbati pang nalalaman ang dalaga. Kahit sa tuwing susulyapan niya ng tingin ang binata ay iyong eksena ng nakaraang araw ang makikita nito.

Tulad ng karaniwang araw nila, bumili na naman sila ng milktea at tumambay sa dati nilang pwesto. Nakatanaw sa paligid o nag-oobserba sa iba't-ivang uri ng tao.  Nangjujudge na tila ba doon sila nabubusog araw-araw.

“Ayaw mo na?” tanong ni Thalia na siyang nilingon nito. Nong una ay akala niya tungkol sa milktea ngunit nang ipagpatuloy ni Thalia ay naging tungkol kay Maximus. Hindi umimik si Zephyr.

Ilang beses na nga ba niyang narinig ang salitang yan, hind na mabibilang sa mga daliri niya. Sa ilang taon nilang magkakaibigan, paulit-ulit na lamang iyan ang natatanong. At ilang beses niya din naman sinasagot na hindi. Hindi niya magawa na ayawan ang lalaki. Hindi niya magawang hindi magustuhan ang lalaki. Kung sa tuwing susubukan niya ay magpapakita ito. Pinapaalala na hindi niya magagawa. Pinapaalala na hindi niya kaya.

Paano magagawang alisin ang isang bagay na tila ba iyon ay isang dugong dumadaloy sa sistema niya? Kung kailan akala niya kaya na niya pero susulpot ang binata para pabilisin muli ang tahimik na niyang puso.

“Siguro may isang bagay ako na hindi kayang gawin. Iyon ay ang alisin siya sa sistema ko.”

They just sighed in defeat. Knowing that hearing those words seems like it wasn't even new to hear. It is just hard to realized that there's really something she wanted to have but she don't know what future can hold for wanting it so much that she got anxious over time.

DAYS LATER, her wounded heart healed figuritively. Zephyr started to followed him again. Waiting to the door of his room and give him a little cookies she tried  to made. She doesn't want to know if those food she is trying hard to make went to a garbage.

“Hoy!” Napalingon si Zephyr nang may sumigaw sa kanya. She saw him waving his hand from the second floor the San Justine Building.

“Vergahn?” tawag nito sa ngalan ng lalaki

Sinabihan si Zephyr ng binata na hintayin siyang bumaba. Kahit nagtatakha ay sinunod niya ang lalaki. Sa kadahilanang, mukhang walang magaganap na giyera sa pagitan nila.

“Kamay.” sabi ng binata nang nasa harap niya na ito. Confused she offered her hand to him. Aagawin na sana ni Zephyr ang kamay niya nang mas lalo pang tinitigan iyon ni Vergahn.

“Puro sugat naman ang mga kamay mo.” sabi niya. "Mukhang totoo ang chika a. Nagdadala ka ng sweet cookies kay Maximus. Bakit sa akin wala? Huwag na pala, baka iyon pa ang ikamatay ko at hindi ang kurso ko." natatawang sabi nito pero kita sa mga mata niya ang unting disappointment sa hindi  malamang bagay.

Scorching Crown of AldysWhere stories live. Discover now