03

11 0 0
                                    


"Zebee, wake up! Table 07!"

Napabalik ako sa ulirat matapos marinig ang boses ni Sam sa harap ko. Nakatayo na ito sa gilid ko ngayon habang nakataas ang kilay na tinitignan ako.

"Auh... sorry, I'm spacing out. Anong number ulit 'yon?" I apologize before I search for the customer's order.

"Yeah, you're really spacing out! Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa tumatawag 'yong customer para sa order nila."

"Pasensya na, may iniisip lang. Huwag kang mag-alala, ako ng bahala." Huling sabi ko bago kinuha ang order ng customer 07 at nagmamadaling i-serve na ito.

Gaya ng napag-usapan namin ni Ashianna kahapon, magpapalit kami ng trabaho sa araw na ito dahil wala naman akong interes sa anak ng Boss namin. Kaya naman kahit mas nakakapagod ang trabaho niya ay pumayag pa rin ako.

"Beb, come over here!" Medyo may kalakasang sigaw ni Ashianna sa kabilang gilid ng cafe.

"What now?" I asked right after I come near her.

"Bakit late ka na naman kanina, ha? Mabuti at wala pa si MJ dito, sigurado lagot ka na naman kapag nangyaring nakita ka niya kanina."

"Napuyat ako kagabi..."

"Ay 'yan pa, hindi mo pa nasasabi sa akin kung saan ka pumunta kagabi at kung bakit ka napuyat?" She crossed her arms over her chest.

"It's nothing."

"Sus! Ako pa talaga niloko mo e noh? Ano ba 'yang ibang trabaho mo ha? Bakit kailangan gabi ka palagi nakakauwi? Hindi kaya magandang umuwi kapag gabi lalo na at babae ka pa!"

"Don't worry, I can handle myself, Anna."

"Oo nga naman. Ba't pa ba ako nag-aalala kung saan ka pumupunta?! Board mate mo lang naman ako 'di ba?"

Napabuntong-hininga nalang ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Alam kong nagtatampo na naman ito sa akin dahil hindi ko na sinasabi sa kaniya ang tungkol sa pagtatrabaho ko bilang isang undercover girl. Hindi kasi sa ayaw kong malaman niya ang iba ko pang trabaho, iniiwasan ko lang talaga na masangkot siya sa gulo ng mundo ko.

"Oh tulala ka na naman d'yan? Hay naku, Beb! Tigil-tigilan mo ako sa ginagawa mo ha! Baka masugod ko 'yang Boss mo na 'yan! Tignan mo oh?!... Nagiging shunga ka na naman sa kawalan!"

I couldn't contain myself but to laugh when she said those words.

Kung mayroon man akong pinakagusto sa babaeng ito, 'yon ay gagawin talaga niya ang lahat para sa isang kaibigan. Kahit na siguro ikapapahiya pa niya o ikapapahamak ito, ayos lang. Basta para sa kaibigan, kaya niyang magtapang-tapangan!

"I'll tell you when it's time." I simply replied.

"Oo nalang, Beb! Hanggang siguro pumuti nalang ang buhok ko maghihintay pa rin ako sa sinasabi mo!" She even rolled her eyes.

"How's your day with the son of MJ? What's his name, again?" I opened another topic this time.

"It's Gavin, Beb! My ghad! Sobrang productive ng araw ko kahit konting oras ko palang siya nakakasama! Hahaha." She even laugh out loud.

"Really, huh?"

"Yeah! I even caught him staring at me for a freaking minutes! Hahaha."

"Tss, and you're already happy with that, Anna? Seriously?..."

"Oo naman, it feels like he's just inches away from me now!"

"You're badly insane, Anna."

"Matagal na, Beb! Hahaha. Anyway, ikaw? Pansin ko mukhang blooming ka ata ngayon, ah? Anong nangyari kagabi, ha? Spill out the beans, Beb!"

Playing with FlamesWhere stories live. Discover now