16

1 0 0
                                    

"I need to pull some strings here... For him."

That's the last thing I said before I walked towards the other side, specifically to where the woman walked in. I can feel something strange toward her, and that is what I need to figure out.

Hindi ko alam kung anong meron sa dulo kaya inayos ko nalang ang suot kong sombrero at sinundan ito. Mukhang isang room ang pinasukan niya kaya mahina lang din ang lakad ko. Nalaman kong kwarto pala ito kung saan tumatambay ang mga susunod na sasalang sa laro dahil napakaraming mga personnel ang nandito. Nagpanggap nalang din akong isa sa mga staff para hindi mahalata. Hindi na mahirap sa akin ito dahil ilang beses ko na rin itong nagagawa sa mga mission ko.

Napakaingay ng mga nasa loob. May nagtatawanan at nag-uusap samantalang yong ilang mga fighter naman ay abala pa rin sa pag warm-up. Nakita kong pumasok ang babae sa isang room kaya naghintay muna ako roon habang kunwari nag-aayos nang kung ano. Maya-maya pa ay napakunot agad ang noo ko matapos lumabas ng babae kasama ang tatlong lalake. Akbay ng lalaking nasa gitna ang babae habang papalabas sila ng room.

Nagbilang muna ako ng limang minuto bago lumabas na ulit. Bago naghiwalay ang dalawa sa pagkaka-akbay ay nakita kong inabot muna ng lalaki ang isang mineral water ulit dito. Pagkatapos hinalikan ang babae ay pasimpleng naglakad na sa kabilang banda. Bumalik naman ang babae malapit sa ibaba ng ring para maghintay ng susunod na break.

Umabot na ng five rounds ang laban at nakita kong sobrang hinang-hina na talaga si Rhod habang nakasandal ang ulo sa isang corner ng ring. Water break na kaya napansin ko na naman ulit ang babae na lumapit sa kinaroroonan nila Kyden para mag-abot sana ng tubig.

"Papano na 'to? Kaya pa ba ng kaibigan mo, Kyden?" rinig kong tanong ni Anna.

"Hindi ko alam. Ayaw naman niyang isuko ang laban nung tinanong ko. Haist!" aniya bago lumapit sa kaibigan.

"Ano na? Baka mapahamak kana Mr. Nevada?" tanong pa ni Anna.

"Hoy Zeb, Saan ka ba pumunta? Mukhang talo na si-"

"Hi sir, wanna have some water?" the woman asked him again.

Mukhang wala na sa tamang huwisyo ang isang ito kaya tumango nalang siya. Naliligo na ito sa pawis at may mga konting dugo na rin ito sa katawan. Akma na sanang iinumin ni Rhod ang tubig nang bigla ko itong mabilis na kunin sa kamay niya dahilan para matapon ang laman nito sa gilid. Gulat namang napalingon sa akin ang babae.

"What the fuck are you doing here?!"

I whirled my eyes on him. "Hah, nakuha mo pa talaga akong murahin sa lagay mong 'yan ha?"

"Who told you that I'm here, woman?!" Now, he still dares to be mad, huh?

Napatingin pa ito kay Kyden. Napangiti naman ng alanganin ang kaibigan at tumingin nalang sa ibang direksyon.

"I'm asking you. What are you doing here?!" he repeated.

"Sinusundo lang si Anna."

"Go h-home, n-now!"

"Tss, after your game, Mr. Nevada."

"Why a-are you doing this thing?!"

I never replied.

"Answer me!"

Mukhang tatakas pa sana ang babae habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap pero hindi ko na iyon pinalampas.

"Sorry, sir." I simply replied before I fastly hold the woman's wrist and pulled her closer to me.

"Beb!"

"Anong ginagawa mo?!" gulat na tanong ni Kyden.

"This woman will tell you everything." I answered and pulled her closer. She's now groaning with the pain in her wrist. "You'll speak or I'll cut your tongue." I simply warned her.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Playing with FlamesWhere stories live. Discover now