15

1 0 0
                                    

"Woah, himala! Ang aga mo na atang nagigising ngayon, Beb ah?!"

I heard Anna's voice the moment I stepped out of the bathroom. It's just four in the morning, but I'd get dressed already.

"Anong meron at nag-iba na ata ang ihip ng hangin ngayon?" She added. Still laying on her bed while watching my every move.

"That idiot pushed me to change my habit!" I replied while staring at the vanity mirror.

Nakapagbihis na ako ng uniform ko at abala sa pagtatali ng buhok. Gaya ng sabi ko, hindi pwedeng palagi lang akong manatili rito sa bahay habang hindi ko alam kung saan pumupunta ang boss ko.

I heard her laugh.

"Anong nakakatawa?"

"Wala, habang patagal tayo ng patagal dito sa mansion nakikita ko na ang mga pagbabago sayo."

"Like what?" I look at her reflection in the mirror.

"Dati kasi, hindi ka talaga napipilit gawin ang isang bagay kapag ayaw mo dito. Ngayon, sa ayaw at sa gusto mo obligado kang gawin pa rin ito. Kita mo nalang ang nangyari sa akin sa snack bar noon, dahil sa masyado kang may paninindigan nawalan tuloy tayo ng trabaho. Hahaha!"

"Tss, Ewan ko sayo."

"Totoo naman e!"

"Maghanda ka nalang sa trabaho mo. Ang dami mo pang sinasabi dyan e."

Tinawanan nalang niya ako bago ako nagpaalam na lalabas na ng kwarto. Didiretso pa sana ako sa kitchen dahil sa tingin ko naman ay tulog pa ang lokong iyon sa mga oras na ito kaso hindi ko na nagawa pang humakbang ulit nang maalala ang nakita ko kagabi doon.

"What the fuck are you doing there?!"

Nang marinig ko ang tanong niyang iyon ay hindi ko nalang ito pinansin at kunwari'y walang narinig. Mabuti nalang at hindi na rin niya ako sinundan dahil siguro nawili na rin ulit sa milagrong ginagawa kasama ang babae niya.

Nang maalala ko ang mga pinangbili ko kahapon ay lumiko nalang ako at dumiretso sa private kitchen niya. Wala naman sigurong masama kung kukunin ko ang mga 'yon dahil akin naman 'yon.

Maingat akong pumasok sa loob nito at natuwa ako nang hindi ito naka-lock! Bumungad agad sa akin ang malamlam na ilaw sa buong paligid. Iniwasan ko nalang makalikha ng kahit anong ingay o hawakan man lang ang mga gamit niya nang sa ganon ay hindi ito tumunog.

I just smiled a bit when I saw the plastic bag of groceries that was left on the other counter. I walked towards it and gently got it. I was about to turn around when my gaze accidentally stopped at the table and I saw something in there.

Yong niluto ko!

Bakit nandito 'to? Sinong nagdala dito? Imposible namang papasok dito si Manang Fe dahil gaya ng lagi niyang sinasabi, masyadong private ang lugar na ito para kay Rhod. Hindi pwedeng pumasok ang kahit sino rito maliban sa kaniya at kay Kyden.

I gently walked towards the table, and my brows arched when I realized that someone had already taste it.

"Hindi kaya tinikman niya talaga 'to? Pero paano? Lasing siya kagabi at may dala pang babae. Imposible!" Mahinang pagkausap ko sa sarili ko.

"You're fond of entering my place, woman. Don't you think it's pretty dangerous?"

My body stiffened a little when I heard his voice somewhere. Automatically, I composed myself and built up my defense when I heard a strange sound like a door or something that was being closed. And later on, I heard him approaching!

"What are you doing here? Again?"

Okay, my mistake!

Gising na pala siya.

Playing with FlamesWhere stories live. Discover now