06

5 0 0
                                    


"I warned you. You'll move or you'll gonna die."

Dahan-dahan naman ang ginawa kong paglunok sa huling parte ng burger ko bago humarap sa lalaking nakatayo sa gilid ng pintuan.

Ang pagkakataon nga naman oh!

Seems like our path cross once again!

I couldn't read his expression as he now starting to walk near me. His presence is shouting the power he had but then, I really make sure that he will never see me getting intimidated by his presence.

"I'll rather move and not gonna die."

Sagot ko nalang bago mabilis na pinulot ang isang apple mula sa sisidlan ng mga prutas na siyang nakadisplay sa gilid ng mesa at buong pwersang binato sa kaniya. Pero sa kasamaang palad ay nailagan niya agad ito.

Sa gitna ng malamlam na ilaw sa buong lugar ay nakita ko pa rin kung paano umigting ang panga nito at tumalim ang mga tingin sa akin habang hawak-hawak na ngayon ang apple na binato ko.

"So, you're a woman, I see..." He scoffed. "At palaban pa, ha?"

"What would you expect me to treat you, dumbass?" I fired back.

"No one tempts to talk to me like that, woman. You'll gonna pay for the consequences of your own action!" He threatened.

"Bring it on, dumbass!"

Huling sagot ko bago naging alerto matapos makita ang mabilis niyang pagsugod sa akin. Wala naman akong ibang ginawa kundi salagin ang mga suntok nito. Mabilis akong umilag pakaliwa at tumalon sa kabilang side ng bar counter nang makitang wala na akong ibang maaatrasan pa. Kaya bago pa man niya ako ma-corner ay matagumpay na akong nakalipat sa kabila.

Buong pwersa kong kinuha ang isang wine sa gilid at binato ito sa kaniya pero mabilis kumilos ang tarantado at agad niya na naman itong naiwasan.

"Do you think that you can defeat me, huh?!"

"Nah, I never think of that. I just think of how should I can get the hell out of here without you being carried in the hospital." I answered in sarcasm.

"Well, let's see..."

Huling aniya at hindi ko inaasahang bigla nalang itong yumuko at buong pwersang hinila ang isang maliit na mat na siyang nasa ilalim ng kinatatayuan ko. Dahilan para mapasinghap nalang ako at nawalan ng balanse. Napadaing ako sa sakit na bumalatay sa buong katawan ko lalong-lalo na sa balikat kung saan tinamaan ng bala.

Pero pilit ko nalang na ininda ito at mabilis na gumulong sa kabilang gilid matapos makita na babagsakan niya na ako ng isang vase. Tanging basag na bubog ng vase nalang ang lumikha ng malakas na ingay sa buong paligid.

Muntik na ako doon, ah?!

Hindi na agad ako nag-aksaya ng oras matapos makita ang pagkuha pa niya ulit ng isa pang bote. Buong pwersa akong tumayo at umapak sa isang single couch at tumalon sa likuran niya.

"Fuck! Get your hands off me, woman!"

Sigaw nalang nito matapos ko siyang sakyan sa likuran at buong pwersang sinakal. Sinigurado ko namang mahigpit ang pagkakaipit ng mga binti ko sa bewang niya para hindi niya ito madaling matanggal.

Nasa gano'n lang kaming posisyon nang sunod-sunod na bumukas ng sobrang liwanag ang mga ilaw sa buong paligid. Kasunod nito ang pagpalakpak ng kung sino mula sa entrada ng kusina.

"Nice scene, you two! So, nagkita na pala kayo! At ang ganda naman ng pagpapakilala niyo sa isa't-isa."

Pareho agad kaming napatingin sa nagsalita at agad kong binitawan ang pagkakasakal sa lalaki matapos malamang si Madam Trina pala ito! Naloko na!

Playing with FlamesWhere stories live. Discover now