10

3 0 0
                                    

"How's your feeling now, Madam?" Dr. Gomez asked.

KASALUKUYAN kaming nasa loob ng kwarto ni Madam ngayon. Pasado alas dos na ng madaling araw pero gising pa rin kaming lahat dahil kailangan naming maging alerto sa lahat ng pagkakataon. Pagkatapos ng hindi kaaya-ayang pangyayari kanina sa ball ay inuwi na agad namin si Madam dahil tinamaan ito ng konti sa braso dahil sa ligaw na bala.

"I'm feeling better now, Doc." Madam Trina replied while resting on her bed.

"That's good. If you feel something wrong just give me a call."

I couldn't hide my admiration for the handsome private doctor of Madam Trina, who I think is just a little bit older than me. He's so handsome while wearing a simple white polo shirt with the first three buttons opened, and his sleeves were both folded up to his elbow, where his veins are perfectly visible. It is paired with simple black pants and shoes.

I was wondering if he's also one hell of a womanizer or not.

With that face? I bet he is!

Mabilis nalang akong napaiwas ng tingin matapos niya akong mahuli na nakatingin sa kaniya. Mas lalo lang akong nailang matapos makita ang pag-iling nito ng konti habang nakangiti.

"Sure thing, Doc."

"Okay, I'll take my leave now, Madam. I still need to visit some patients in the ward." Dr. Gomez said after looking at his watch.

"Okay, Doc. Thanks for visiting."

"My pleasure, Madam." He smiled again.

Napatango naman si Madam kay Louie at sinenyasang samahan nalang ito palabas ng mansyon. Napayuko nalang ako ng konti matapos niya akong tapunan ng ngiti sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas ng pinto.

"Bella..."

I instantly composed myself again when I heard Madam's voice.

"Yes Madam?"

"Have you seen my grandson? Hindi ba kayo ang magkasamang umuwi dito kanina?" She asked.

"Ah, yes Madam. But after he drop me here, he left again."

"Hmm, I see."

"Nag-aalala po ba kayo sa kaniya, Madam?"

"No, I trust him. He knows what he's doing. And he never even disobeyed my rules, even once."

I don't know what to say anymore so I just nodded.

"Kung ganon bakit niyo siya hinahanap?" I asked again after a couple of silence.

"Kasi may kailangan kaming pag-usapan."

"Hmm.."

"Madam, I'm sorry to interfere, but you need to rest now. Dr. Gomez told me to monitor you always. And it's kinda late now. You need to rest for tomorrow."

Pareho kaming napalingon sa biglaan nalang na pagpasok ni Louie sa gilid.

"Okay. Just calm down, Louie." Sagot naman ni Madam bago ako tiningala ulit. "You may also rest now, hija. I need your presence tomorrow morning."

"Noted, Madam."

Huling sagot ko nalang bago yumuko ng konti at lumabas na ng kwarto nito.

Tulog na tulog na si Anna nang madatnan ko ito sa kwarto namin. Mahina nalang akong naglakad patungo sa banyo at nag-shower dahil pakiramdam ko ay napakalagkit ko na. At staka, hindi pa ako nakapagpalit simula ng mahulog kaming pareho ng lokong 'yon sa pool.

'I told you, as long as you wanna see me live, I will fight death.'

Napailing nalang ulit ako matapos maalala ang sinabi sa akin ni Rhod kanina bago kami mahulog sa pool. Parang ewan!

Playing with FlamesWhere stories live. Discover now