TTF 2: Sleepover

544 18 1
                                    

Nadz' POV

"Tara na, guys." Aya saamin ni Kath, as usual cheerful.

Siya, siya si Kath. Kathryn ang full name niya, she is everyone's favorite. Parents namin, maids namin, drivers namin kulang na nga lang pati mga gamit namin siya na din ang paborito.

Mabait kasi si Kath, magalang at hindi malabong lahat ng tao magustuhan siya. Nasa kanya na nga kasi ata ang lahat e. Lahat ng atensiyon nasa kanya, pero para sakanya wala lang yun. Wala siyang pake, hindi katulad sakin. Na mahalaga saakin yun. Buong buhay ko, puro si Kath nalang.

Pero kahit ganito ako, naiinggit sakanya. Mahal na mahal ko pa rin siya. Siya yung laging nandiyan para saakin. At napaka swerte ko dahil nandiyan siya.

"Hoy! Nadz! Nakatulala ka diyan." Sabi ni Liza na nagsnasnap pa.

Siya naman, si Liza. Best friend namin ni Kath simula grade 6. Siya yung pinaka baliw saamin, oo totoo yun. Sobrang bait din niya, hindi siya gaanong kayaman katulad namin. Pero swerte naman siya sa Mama niya, oo. Single mom, walangya kasi yung Papa niya e. Linoko Mama niya. At simula nun naging total Man Hater na siya. Kelan kaya mabubuwag ang pagiging man hater niya?

"Sorry." Matipid kong sagot.

"O ano? Tara na?" Sabi naman ni Julia.

Siya naman si Julia, pinsan siya na Liza. At medyo magkamukha sila, konti hahaha. Pareho silang maganda pero si Julia hindi na ata nahawaan ng matinding kabaliwan katulad ni Liza!

Ang alam ko Queen Bee daw siya sa dati niyang school. Hindi naman ako magtataka kasi maganda nga naman siya at mukhang may pagkamataray. Para ako lang din, siguro kami magkakasundo neto. Si Kath at Liza kasi sila yung parehong cheerful at mabait at mukhang kami namin ni Julia yung chill at mataray. Pero, mas nangingibabaw ang katarayan ko, siya hindi.

"Tara na. Ang excited niyo." Narinig kong bumulong sila ng 'taray' sus hindi pa ba sila nasanay?

Tumayo naman ako at sumunod naman sila saakin, syempre sa sinabi ko nga kanina na ihahatid namin sila. Kotse namin ang gagamitin, ano pa nga ba? Ang yaman kaya namin, at masaya ako dun. Kaso si Kath ayaw daw niya mas gusto daw niya yung dati na kahit di kami mayaman, lagi naman daw kami magkakasama.

Nga pala, ako naman si Nadine o Nadz kung tawagin nila. Ang Mataray sa grupo. Pero mabait naman, ang gulo 'no. Ayos na yan, intindihin niyo nalang.

Anyway nasa kotse na kami ngayon. At kanina pa kami nagtatawanan dahil nagkwekwento si Liza ng mga kalokohan niya. Minsan hindi ko alam kung paano ko 'to naging kaibigan e.

Bigla kaming natigil sa kakatawa ng biglang tumigil yung kotse. Nagulat kaming apat.

"Anong nangyari?" Tanong ni Kath.

"What's going on?" Tanong ko naman.

"Luh muntik pa akong mag swimming nun ah!" Sabi naman ni Liza ay nako kahit kailan talaga.

"Ano namang nangyari jusko." Sigaw ni Julia.

"May nag bibisikleta po kasi mga Ma'am. E muntik na po siyang bumangga saatin kaya napa break po ako ng wala sa oras." Nagulat ako. May muntik na kaming mabangga?

"Omg lets take a look baka mamaya kung sino na iyon." Sabi ni Julia.

"Tss, just a waste of time." Sabi ko tapos inikot ang mata ko.

"W-wait? Si Daniel ba yun?" Napatingin naman ako sa sinab ni Liza.

"Saan?" Sabay naming sabi ni Kath.

Tadhana Times Four (KathNiel, JaDine, LizQuen, JulÑigo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon