TTF 12: FRIENDLY Date!

286 11 0
                                    

hi guys, new rule. every week na po ako mag uupdate. promise yan hehe.

Kathryn's POV

"Oh my god, he asked you out?" Sigaw ni Julia kaya kaagad ko namang tinakpan ang bibig niya, nakakahiya kaya! Talaga itong mga kaibigan ko.

"Hindi ah, friendly date nga lang!" Kalmado kong sabi.

"Ay sus, daming satsat! Friendly o romantic man yan, magdadate pa rin kayo!" Nakangiting sabi ni Liza, ang kulit talaga nito.

"Ano ba kayo, wala namang meaning yun. Get to know each other lang naman siguro." Sabi ko, pero sa totoo lang syempre naeexcite ako. First time e.

I mean, first time akong lalabas na lalake lang ang kasama ko.

"Ikaw ha, yung ngiti mo Kath! Kakaiba." Nakangiting loko si Liza habang sinasabi niya yun, hindi talaga ako titigilan nito. Haha, pero ang cute.

"Wala naeexcite lang ako, first time ko kasing lumabas ng lalake lang ang kasama." Nakangiting sabi ko.

Nandito nga pala sila sa bahay ko, 10 am palang ng umaga ay nagpunta na sila dito. Nagtext saakin si Dj at sinabing after lunch daw niya ako susunduin.

At pumunta sila dito para guluhin ako, keshi pupunta daw kami sa salon para paayusan ako. Hindi naman sa ayaw ko, syempre na-touch pa din ako dahil gusto nilang maging maganda ako sa FRIENDLY date namin.

Tinanggihan ko sila kasi gusto ko, si Kath yung kasama ni Dj mamaya. Yung ako talaga, yung walang arte arte sa buhok. Basta ganon, magpapakatotoo lang ako. Ayoko naman na makilala niya ako bilang hindi ako.

"Nood nalang tayo movie?" Suggest ni Julia.

"Hmm, why not?" Sabi ko, "Anong movie?" Tanong ko sakanila.

"Hep! Hindi pwedeng romance, rom-com, chick flick basta yun kung ano man yun, at horror!" Inunahan na kami ni Liza kaya natawa kami ni Julia.

Si Nadine kasi nandito, tulog pa. Pag weekends talaga tulog mantika yun, kahit na si Liza yung tulog mantika saamin, sinusulit niya na daw. Pambawi daw ng tulog, sinubukan namin siyang gisingin, pero ayaw talaga.

"E anong papanoorin natin?" Masungit ni sabi ni Julia, akala ko pa naman nakakapag pahinga na ako sa mga matataray na sabi at tingin. Yun pala, si Julia nandyan para palitan si Nadine!

"Um, Harry Potter?" Nakangiting sabi ni Liza.

"Sige na nga, pagbibigyan ka na namin." Nakangiting sabi ko, kawawa naman kasi si Liza. Lagi nalang kami yung nasusunod pag nag momovie marathon.

"Buti nalang wala si Nadz ngayon, makakanood ako!" Natawa naman kami ni Julia sa sinabi ni Liza. For sure kasi kung nandito si Nadine, hindi yun papayag na Harry Potter ang papanoorin namin.

Kinuha ko na ang laptop, at rineady ang papanoorin namin. Harry Potter and The Philosopher's Stone. Yung 1st movie, napanood ko na 'to nung bata ako. Kaya hindi ko na gaanong maalala yung ibang scenes at plot.

Habang opening palang naman, sinilip ko si Nadine sa kama niya pero mahimbing pa rin ang tulog. Gigisingin ko sana, para hindi naman niya mamiss yung movie marathon ng barkada. Pero mukhang nakakaguilty pag ginising ko pa e.

Habang nanonood, biglang tumunog ang phone ko. Nagpaalam ako sakanila kung okay lang ba na sagutin ko. Um-oo naman sila kaya binuksan ko.

DJ :)
Ready ka na ba? :)

Napangiti ako, hindi talaga mawawala sakanya yung smiley face.

Me
actually, nanonood kami nila liza at julia ng movie ngayon. si nadine tulog pa, pero nakaligo naman na ako.

Tadhana Times Four (KathNiel, JaDine, LizQuen, JulÑigo)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum