TTF 7: Cutting

311 13 0
                                    

Liza's POV

Wala na akong nagawa dahil nadala na ako ng pesteng panget na ito. Naiinis ako, paano ko haharapin ang nanay ko mamaya. Baka palayasin na ako nun. Itawkil!

Huhuhu, nakakainis naman kasi itong Enrique na 'to sa dinami dami ba naman ng pwede niyang hilain kanina bakit ako pa? Saka, I hate to say this pero napakaraming babae ang humihiling na mag cutting kasama si Enrique 'no.

"Hoy, ba't kanina ka pa tulala diyan?" Tanong niya sakin habang nandito kami sa kotse niya.

"Anong paki mo?" Inirapan ko nalang siya, nag eexcercise nanaman ang eyeballs ko dahil dito kay Enrique.

Tumawa siya bigla, "Alam mo para kang tanga, wag ka ngang kabahan. Akong bahala sayo pag napagalitan ka."

Ganun ba kahalata ang actions ko? At nabasa niya ang nasa isip ko? Saka sino ba naman kasing hindi kakabahan 'no? First time kong mag cutting. Bwisit.

"Ba't kasi ako pa ang hinila mo? Paano nalang mamaya pa-uwi ko? Baka mamaya e, itakwil na ako ng nanay ko. Tapos sa kalye nalang ako matutulog. Tapos magiging katulad na din ako dun sa mga taong may hawak na plastic cups na nagmamakaawang bigyan ng kapiranggot na pera!" Sigaw ko habang tawa lang siya ng tawa.

Nakakainis naman e!

"Ang oa mo talaga, basta ako ngang bahala sayo. I dragged you into this, kaya akong bahala." Tss, daming sinasabi. "And dapat nga kiligin ka pa dahil maraming babae ang nagkakandarapa diyan na matingnan ko. Tapos ikaw nahawakan ko na, nakausap ko pa, nakaupo pa sa kotse ko at makakasama ko pa sa buong araw na 'to."

"Ew! Kadiri, yuck. Siguro pinapainom mo ng gayuma yung mga yun 'no?" Inirapan ko nalang ulit siya pero todo ngisi pa din. Mapunit sana yang mga labi mo.

Minabuti kong i-check ang phone ko, pero sa kasamaang palad lowbat na pala. Hay nako, Liza! Bakit kasi nakalimutan mo pang mag charge? Kung pwede lang talagang umuwi na sa bahay o bumalik sa school.

Teka, pwede naman diba?

"Uwi mo na ako." Sabi ko.

"A-yo-ko." Firm niyang sabi, bwisit! Never ko pang inikot ang mga mata ko ng sobrang daming beses sa isang araw.

****

"Hoy, gumising ka diyan." Rinig kong sigaw ng boses lalake pero wala akong paki.

"Pag-asa, huy!" Sigaw niya ulit ano ba yan, napa kunot noo na ako sa sobrang lakas ng sigaw niya. Ng binuksan ko ang mata ko nakita kong nasa kotse ako.

"Sino ka? Kidnapper ka 'no?" Sabi ko without looking kung sino yung kasama ko. Kaya nung humarap na ako, "Psh, ikaw lang pala."

"Kidnapper? Sa gwapo kong 'to? Tss, come on, babe." Nanlaki naman ang mga mata ko sa pag tawag niya saakin.

Nag act akong nagsusuka at naguluhan naman siya sa ginawa ko, "Babe? Kadiri! I think I'm gonna barf." Tapos nag act ulit ako na nagsusuka.

"Tumayo ka na nga lang diyan. Daming sinasabi." Tapos nun lumabas na siya ng kotse kaya lumabas na din ako.

Saka ko sinagot yung mga sinasabi niya kanina, "Sino kasing nagsabi na isama mo ako sa pesteng pagcucutting mo! E kung yang buhok mo kaya ang gupitin ko."

"Baliw. Baliw na pag-asa." Ngumiti siya. For the first time, ngiti, hindi smirk or grin, ngiti! E ano naman?

Ang gwapo niya kasi.

Ew! Yan gwapo? Baka mag yelo muna ang impyerno at hindi na maging racist si Donald Trump. Jusko, nakakatakot.

Lumingon ako sa paligid ko, di ko alam kung nasaan kami. Kaya napakunot noo ako, "Hoy! Nasan tayo?" Sigaw ko dahil naglalakad siya palayo.

Tadhana Times Four (KathNiel, JaDine, LizQuen, JulÑigo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon