TTF 17: Girl Talk

259 10 0
                                    

filler chapter lang 'to, i just wanted to take a break sa kilig chaps hahaha. have a kitkat! kung ayaw niyong basahin, basahin niyo pa rin! HAHAHA

Liza's POV

"Magkwento ka na Kath!" Sigaw ko habang yakap yakap yung unan na blue na korteng puso na ewan.

"Yeah, Kath, we want to know what happend." Walang ganang sabi ni Nadz, gusto niya ba talagang malaman? E ba't parang ang tamlay niya.

"Do you really want to, Naddie? Parang ang tamlay tamlay mo e. Looks like you're not interested." Sabi ni Julia sakanya, dun dun duuuun! Wala lang, sound effects lang.

"I am interested, I'm on my period. You all need to stop being paraniod. And how come you did not thought of that idea, samantalang si James he did. And take note, you are girls." Nanlaki ang mata ko, mukhang walang WW3 na naganap kahapon.

"Ay talaga? Binigyan ka ba ng TLC ni James kahapon?" Nang aasar kong tanong na lalo siyang nairita, nakakatawa na nga yung mukha niya!

"TLC? What's that?" Tanong niya.

"Tender loving care, Nadine." Sagot ni Kath habang nakangiti.

Nandito lang kami sa kwarto nila, naka upo lang kami sa sahig habang may mga unan at pagkain sa paligid. Comfortable para saamin ang ganito.

"My god! Why are we even talking about me? Diba nga Kath's the one who is suppoe to be telling us what happend to their date?!" Naiiritang sabi ni Nadz kaya nakita kong natawa si Julia kaya natawa din ako.

"Friendly," Sagot ni Kath kaya napawi ang tawanan namin ni Julia at agad na inikutan siya ng mata, ganun na din si Nadz.

"Guys don't date girls that they don't like." Sabi ni Julia, habang kumakain na ng Chippy, binuksan na pala niya!

"Really? So Iñigo likes you because of what happend yesterday?" Sabi ni Nadz with her mocking face, habang ako tawang tawa sa asaran nila.

"That was unexpected!" Sigaw ni Julia. Narinig ko pang nag murmur si Nadz kay lalo akong natawa.

"And you Liza, you need to stop laughing because we all know that you were with the Enrique Gil yesterday." Natigil ang tawa ko sa sinabi ni Nadz, ang sungit!

"Hay nako, tigilan niyo na nga ang asaran. Ikwekwento ko na nga ang nangyari kahapon." Awat saamin ni Kath, peace maker talaga siya sa aming apat.

"So ayun na nga, sinundo niya ako dito. Tapos sumakay kami ng taxi, at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagka gising ko nakita kong nakahilig na pala ang ulo ko kay Dj." Napansin kong namula ang pisngi ni Kath kaya lalo akong sumigaw sa kilig.

"Shut up, Liza." Sungit talaga ni Nadz! Palibhasa meron, kawawa naman.

Nagpatuloy lang si Kath sa pagkwekwento, sa sobrang haba nga umabot na to the point na muntik na akong makatulog. Kasi naman ang daming kwento ni Daniel sakanya, tas pati yun kwinekwento niya saamin!

"Tapos ayun, umupo kami sa bench. T-tapos sabi niya saakin may sasabihin daw siya, wag nga daw ako magugulat." Pareho kaming napasigaw ni Julia sa kilig habang si Nadz naman ay humiga sa kama niya.

Feeling ko mahihimatay na talaga ako sa kilig! Ang sweet sweet na nga ng efforts ni Dj, tapos magcoconfess pa siya? Jusko naman! Mala-wattpad ang ginawa niya!

"Tapos a-ayun na nga, sinabi niya saakin na g-gusto niya daw a-ako. Pero sabi niya na hindi naman daw niya ako pinepressure ganun." Lalong namula ang pisngi ni Kath at halos mag lumpasay na kami ni Julia sa kilig.

"Tapos bumili kami ng cotton candy!" Nakita kong nag sparkle ang mga mata ni Kath. Paborito niya talaga yung cotton candy.

Tadhana Times Four (KathNiel, JaDine, LizQuen, JulÑigo)Where stories live. Discover now