TTF 15: Cotton Candy

195 8 0
                                    

Kathryn's POV

"Alam mo ba nung bata ako, mama's boy talaga ako kaya ayan hanggang ngayon!" Kanina pa ako tawa ng tawa ng dahil kay Dj.

Ang dami niya kasing kwinekwento. Para bang hindi siya nauubusan? Kanina pa siya nagkwekwento saakin ng kung ano ano tungkol sa pamilya niya.

"Tapos yung nakakabata kong kapatid na babae! Grabe sa kulit yun, siya ang pinaka close ko saaming magkakapatid." Nakangiting sabi niya.

Tinitigan ko lang siya, kitang kita kasi sa mga mata niya kung gaano siya kasaya at yung pamilya niya. Naalala ko tuloy si Liza, maswerte pa kami na hindi ganun ang nangyari sa mga pamilya namin.

"Kath? Nabobore ba kita? Hindi ka na kasi nagsasalita. Sorry ha? Ang dami ko ng kwinekwento. Um, may gusto ka ba? Anong gusto mo gawin? Mag bike tayo? Um—"

"Ano ka ba Dj, hindi ako nabobore. Naalala ko lang kasi si Liza. Ang swerte swerte kasi natin na buo ang pamilya natin." Nakangiting sabi ko.

"Saka ako? Mabobore sayo? Sus! Ang saya saya ko kaya pagkasama kita—" Nanlaki ang mata ko sa sinabit ko. Nasabi ko ba talaga yun? Nako, nakakahiya.

"I-I mean ano, ma-masaya akong kasama ka kasi a-ano kaibigan kita ga-ganun." Ngumiti ako ng bahagya. Nahihiya talaga ako sa sinabi ko, ba't ko ba nasabi yun?

"Wag kang mag alala, ako din." Pakiramdam ko tumigil ang buong mundo ng narinig ko ang sinabi niya. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Para may kung anong insekto sa tiyan ko? Saka yung puso ko ang lakas ng kabog.

Tumingin ako sa paligid ng hindi malunod sa tingin ng Dj, ang ganda talaga nitong hinanda niya para saakin. Simple lang ito, nasa garden kami. Tapos may hearts sa grass. Binigyan niya pa nga ako ng flowers kanina. Ang ganda ng ambiance dito, fresh.

Saka okay lang naman saakin yung ganito, simple, sa totoo nga lang mas gusto ko ang ganito. Saka sobra sobra na nga itong ginawa niya para saakin.

"Kath," Rinig kong tawag saakin ni Dj kaya napaharap ako sakanya. Nakaupo kami sa isang bench ngayon, may isang round table sa gitna ng garden na 'to at duon kami kumain kanina.

"Dj?" Tanong ko sakanya, nakatingin siya ng maiigi saakin. Naka titig na nga ata siya saakin. At pakiramdam ko kaunti nalang ay malulunod na ako.

"May sasabihin ako sayo pero wag kang magugulat ha?" Kinakabahan niyang sabi, ano kaya yun? Parang kinakabahan din tuloy ako sakanya! Kasi naman e.

"Okay? Ano ba yun?" Nakangiting sabi ko, trying to calm myself. Ba't naman kasi ako kakabahan e hindi ko nga alam kung anong nangyayari?

"Uh, ano kasi," Napakamot siya sa batok niya, "AnokasiumgustokasikitaKath." Huh? Ano daw? Hindi ko maintindihan.

"Ha? Ano? Sorry di ko naintindihan, ang bilis kasi e. Sorry, sorry." Napayuko ako sa sinabi ko. Hindi ko kasi talaga naintindihan e, nakakahiya tuloy uulitin niya pa.

"Okay wooh," Huminga siya ng malalim at humarap na ulit ako sakanya, "Gusto kita, Kath. Oo, hindi pa man matagal bago tayo magkakilala pero gusto na kita. Hindi ko din alam kung bakit. Gusto lang naman, hindi pa naman kita mahal."

Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko, kinikilig ako? Totoo ba yun? Ako kinikilig? Hindi ko maiwasang mapangiti, para bang nasa langit na ako ngayon. Para ako na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.

"S-sorry kung nabigla kita, hindi ko naman sinasabi na gustuhin mo rin ako. Pero syempre, gusto kong mangyari yun. Pero hindi naman kita pinepressure ha?" Hinawakan niya ang kamay ko sa habang sinasabi niya yun. At lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano bang nangyayari saakin? May sakit na ba ako? Oo nga, baka sakit lang 'to? Pero anong sakit naman 'to? Wala namang ganitong sakit e? Wala naman kong napag aralan na ganun.

Napailing ako dahil sa iniisip ko, "Okay lang, a-at least honest ka?" Napayuko ako, ano ba naman yung sinabi ko? "S-sorry di ko alam sasabihin ko."

Inangat niya yung ulo ko at ngumiti, "Okay lang ano ka ba. Di ba nga hindi kita pinepressure. Gusto ko lang na malaman mo yung nararamdaman ko. At! Wag na wag kang maawkward ha?" Natawa siya kaya natawa nalang din ako.

"Anong gusto mong gawin?" Tumingin ako sa paligid. Ngumiti ako ng may nakita akong nag patalon sa puso ko.

"Kain tayo ng cotton candy! Okay lang?" Sabi ko sakanya tapos ngumiti naman siya at tumayo. Agad niyang hinawakan ang kamay ko kaya nagwala nanaman ang organs ko at hinila ako papunta dun sa nagbebenta ng cotton candy.

"Pabili po, dalawa." Sabi ni Dj dun sa nagbebentang lalaki.

Pinanood namin yung nagbebenta habang ginagawa niya yung cotton candy. Hilig ko talaga ito bata pa lang ako. Hindi ko maiwasang maalala nung mga bata pa lang kami ni Nadine nung binibilhan kami nila Mommy at Daddy

"Eto na po para sa girlfriend niyo at sayo." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nung tindero. Napalunok nalang ako, at parang hindi ako makapag salita.

"Magiging palang po, manong." Nakangiting sabi ni Dj, bigla nanamang nagwala lahat ng organs ko sa katawan. Bakit ba nagwawala ang mga 'to?!

Kinuha na ni Dj yung dalawang cotton candy at binigay saakin yung isa habang naglalakad kami pabalik sa bench na kinauupuan namin kanina.

"Sorry kung naging awkward kanina ha? Yung tindero kasi e! Kala magka relasyon tayo, bagay na bagay kasi tayo!" Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi niya. Nagawa pang umi-score!

"Okay lang, ano ka ba." Ngumiti nalang ako at wala ng nagsalita pa. Bumalik na kami sa kinauupuan namin.

Pwede ko kayang sabihin kila Nadine ang nangyari ngayon?

"Dj. . ." Tawag ko habang kumakain ng cotton candy.

"Oh?" Sabi niya, natawa ako dahil may dumi sa tabi ng labi niya kaya agad kong pinunasan yun gamit ng panyo ko.

Nakita kong nanlaki ang mata niya sa ginawa ko pero hindi ko lang pinansin yun, "Okay lang ba na ikwento ko kila Nadine yung alam mo na?"

Ngumiti siya, "Oo naman, proud ako na gusto kita. Gusto ko ang isang Kathryn! Maganda, mabait, matalino, perpekto ka na nga ata e!"

Tumawa ako sa sinabi niya, "Thank you nalang."

*****

Sumasakay na ako sa taxi ngayon. Sa likod ako sasakay, duon ata si Dj uupo sa passenger's seat. Maiigi na din yun para i-guide niya yung taxi driver.

Napatalon ako sa gulat ng naramdaman kong may tumabi saakin, lumingon ako. Tumabi si Dj saakin? "Oh? Dito ka uupo?" Sambit ko.

Tumahimik lang siya, hala! "A-ah Hi-hindi naman sa ayaw kong katabi ka pe-pero diba dapat sa passenger's seat ka uupo?" Napalunok ako, naooffend ba siya?

"Shh, gusto kitang makatabi." Pakiramdam ko biglang nag init ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. Sa salamin nalang ako tumingin. Nakakahiya naman kasi pag nakita niya akong ganito.

Unti unti akong sumandal, hay. Gusto ko na din humiga, medyo nakakapagod din pala. Pero sobrang saya. Lahat ng kwento ni Dj, at lalong lalo na yung cotton candy!

Bigla kong naramdaman na unti unting nahuhulog si Dj sa balikat ko, nakatulog na pala siya. Mukha kasing pagod na pagod siya sa paghahanda ng FRIENDLY date namin. Kaya hinayaan ko nalang siya, saka sumandal din naman ako sakanya kanina.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, ang gwapo pala talaga niya. Yung mapupula niyang labi, yung mahahaba niyang pilikmata. Bigla akong nasubsob dahil sa biglang pag break ng taxi. Nagising ata si Dj?

"Sorry po, may bigla po kasing tumawid." Sabi nung taxi driver tapos nginitian ko lang siya at binalik ang atensyon kay Dj.

Mukhang hindi naman siya nagising, wow. Deep sleeper pala ang isang 'to, parang si Nadine. Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at hinilig ulit ang ulo niya saaking balikat.

*****

i'm sorry hindi ako nakapag update ng halos 1 month ata haha. inenjoy ang vacation at naadik sa until trilogy (akin lang si azi)! anyways, thankyou sa 2k reads. (:

Tadhana Times Four (KathNiel, JaDine, LizQuen, JulÑigo)Where stories live. Discover now