CHAPTER ONE

5.5K 84 5
                                    

ILANG hakbang patungo sa elevator ay niyuko
ni Reggie ang tatlong taong batang babae at hinagkan sa pisngi.

"Be good, Charlyn, ha?" wika niya at tumuwid nang tayo. "Huwag kayong lalabas ng silid ko, Lolita," mahigpit niyang bilin sa caretaker. Hindi napuna ang elevator na bumukas at ilang sandali ring pinigilan ng lalaking nasa bungad bagaman wala namang pasahero sa floor na iyon. Pasara na ito nang mapalingon siya.

"Wait!" pigil ni Regina sa pasarang elevator at halos takbuhin ito nang muling pigilan ng lalaking nasa mismong bungad ng pinto ng elevator.

Isang huling lingon ang ginawa niya sa bata at sa yaya nito at kumaway pa bago nagmamadaling pumasok ng elevator.

Napahinga siya nang malalim at nginitian ang
lalaking pumigil sa pinto ng lift. Gumanti ng simple at magalang na ngiti ang lalaki at inalis na ang mga mata sa kanya.

Subalit si Reggie ay nanatiling nakapako sa lalaki ang mga mata. Hindi maiwasan ang paghangang bumangon sa dibdib. Hindi kagandahang lalaki kung ang pagbabatayan ay ang tipong Tom Cruise o ang magkakapatid na Baldwin. Pero ang tiyak, ang lalaking ito ang pag nakasalubong mo'y titingnan mong muli...at titingnan pa uli...at uli. At umasang sana'y mapansin ka.

Keep on hoping, she thought in self-mockery dahil ni hindi na siya pinansin ng lalaki na ang paningin ay nakapako sa mismong pinto ng lift.

Walang effect ang charm ko sa lalaking ito, muli niyang bulong sa sarili. Bakit ba, eh, ang ibang mga lalaking laman ng elevator ay napapansin niyang hinuhubaran siya ng tingin. At hindi siya interesado. Mas interesado siya sa lalaking nasa pinto ng elevator nakatingin.

Muli niyang pinintahan ang lalaki. Hindi kataasan. Marahil five-eleven, more or less. Maganda ang pangangatawan na hindi naitago ng long-sleeved polo shirt na kulay asul na mapusyaw. Typical businessman. May hawak na Louis Vuitton attache case. May beeper sa sinturera. Gucci ang belt.

Hmn... expensive ang lalaki sa tingin niya bagaman simple.

Napuna niya ang kaliwang kamay nitong nakahawak sa attaché case. It looked strong and capable... at mabalahibo.

Sandaling nanayo ang balahibo niya sa batok nang maisip kung ano kaya ang mararamdaman niya sa sandaling haplusin siya ng kamay na iyon.

Loka! saway niya sa sarili. She was thinking sex
this early in the morning at sa isang estranghero pang walang interest sa beauty niya.

Bumalik ang tingin niya sa mukha ng lalaki. She had no way of telling kung Pilipino o British ang lalaki dahil bukod sa kulay itim ang buhok ay nakasalamin ito. A reading glasses perhaps. But definitely he didn't look Chinese. May katangusang ilong. Square jaw, high cheekbones. Manipis ang upper lip and fuller ang ibaba. Very sensual.

Masarap kayang humalik ito? Napangiti siya sa
kapilyahang naiisip. Oh, well, talagang ganoon. Bakit ba ang mga lalaki, tiyak na iyon din ang iniisip sa mga babaing pinipintahan.

Muli sana niyang itataas ang mga mata rito nang bumukas ang elevator at mabilis na tumalikod ang lalaki na tila nagmamadali dahil agad itong lumabas hindi pa man maluwang ang pagkakabukas ng pinto ng lift.

May panghihinayang na sinundan ni Reggie ng tingin ang likod nito na palabas ng hotel hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya.

"Itatala ko sa kalendaryo ang araw na ito na hindi pinansin ng isang lalaki ang beauty ko," himutok niya sa sarili at lumakad na patungo sa coffee shop ng Holiday Inn-Hong Kong.

Pinili niya ang mesa sa sulok at kinawayan ang
waiter. Lumapit ito. Chinese ang waiter and she almost groaned nang ngumiti ito at bumati ng English in Chinese accent. Lihim siyang nagpasalamat. Isa sa mga educated Chinese. Dahil karamihan sa mga Chinese sa Hong Kong ay hindi nakakaintindi ng English, lalo na iyong mga may-gulang na.

ALL-TIME FAVORITE: Regina & LukeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu