CHAPTER SIX

3K 72 12
                                    

MAAARING sa paningin ng ibang tao'y mag-
asawa sila dahil nasa ibabaw ng cart ng bagahe niya si Charlyn habang itinutulak ni Luke palabas ng NAIA ang baggage cart.

May kung ilang beses na lumingon si Regina at
hinahanap ng mga mata si Angelo Chan subalit ni hindi na niya nakita ang anino nito sa maliit na airport ng NAIA. Mula sa dalawang taong mahigit na paninirahan sa ibang bansa'y nanibago siya. Alas-dies pasado na ng gabi at maalinsangan.

Muli siyang nanigurado at nilinga ang paligid.
Subalit wala talaga ito. Siguro'y nagkataon lang na patungo ito ng Maynila at kaya siya napag-uukulan ng pansin dahil napupuna nito ang takot at pag-iwas niya sa tuwing nagtatagpo sila. Napukaw niya marahil ang curiosity nito. Maaaring nag-alala siya nang walang kadahi-dahilan.

"Thank you so much, Luke," wika niya rito. "We
can part ways here." At iniabot niya muli ang halaga ng binayaran nito sa hotel. Sa pagkakataong iyo'y tinanggap iyon ng lalaki.

"I'd like to see you again, Regina," wika ng lalaki sa seryosong tinig. "It isn't everyday that you meet a famous Eurasian model..."

Gumanti siya ng tipid na ngiti. Kung marahil sa
ibang pagkakataon sila nagkakilala nito'y baka ikagalak niya ang sinabi ng lalaki. Subalit matapos ang nangyari sa kanila ni Xander ay wala pa siyang intensiyon para mag-entertain ng lalaki. "I have resigned from my job, Luke. Hindi na ako modelo ngayon..."

Umangat ang mga kilay ng lalaki. "Iniwan mo ang isang prestigious and high-paying job? You've got to be kidding..."

Nagkibit siya ng mga balikat. Bumaba ang tingin kay Charlyn. "Siguro'y magiging yaya muna ako ng pamangkin ko pansamantala..." Sinamahan niya iyon ng mahinang tawa. Hindi niya tiyak kung lumabas sa tinig niya ang kapaitan sa pagkaalala kay Xander.

"Si Charlyn ba ang dahilan kung bakit ka nag-resign sa trabaho mo o dahil sa iskandalong nangyari sa iyo sa Paris?" he asked sarcastically. At bago pa siya makasagot ay sinundan nito ang tanong. "Do you really enjoy being the cause of some unfortunate men's let downs?"

Manghang nahinto saglit sa paglakad si Regina. Sa kaibuturan ng dibdib niya'y gusto niyang sabihin ditong mali ang paniwala nito tungkol sa kanya. Naroon ang desperation na sabihin ditong 'she wouldn't let a man down once she had given to him all she had to give. Meaning, love and trust.'

"You're wrong, Luke." Bahagyang gumaralgal ang tinig niya. "I was the one who was let down. You shouldn't always believe what you read in the papers. But anyway, I don't really have to explain myself to you or to anyone. Wala akong pakialam sa opinyon ng iba maliban doon sa mga taong malalapit sa akin..."

Naroon ang kuryusidad sa mga mata ni Luke nang titigan siya.

"At sino ang taong malapit sa iyo, Regina? Ang
photographer boyfriend mo ba? Nasaan siya? Bakit hindi mo siya kasamang umuwi ng Pilipinas? Did he let you down matapos ang iskandalo? That after all, when things get rough ay hindi ka niya madamayan?"

Humugot siya ng paghinga at bumilang ng isa
hanggang sampu bago nagsalita. "I want us to part as friends, Luke. Kahit paano'y malaking tulong ang ginawa mo sa amin ni Charlyn. Kung wala ka'y baka kung ano na ang nangyari sa...pamangkin ko. But it seems na hindi mo gustong maghiwalay tayong magkaibigan."

Isang ngiti ang pinakawalan ng lalaki. Ngiting hindi umabot sa mga mata. "Diyan ka nagkakamali, Regina..."

"Goodbye, Luke." Itinaas niya ang mukha at
tumalikod, hindi na gustong humaba pa ang usapan nila. Kinawayan ang isang taxi na nakaparada na sa tabi ng parking area. Agad namang lumapit ito. Itinutulak niya palapit sa rampa ang cart nang buhatin ni Luke si Charlyn at binuksan ang pintuan ng taxi at ipinasok ang bata.

ALL-TIME FAVORITE: Regina & LukeМесто, где живут истории. Откройте их для себя