CHAPTER FIVE

3.1K 66 9
                                    

NASA first class section sila at hindi maunawaan ni Regina kung paanong nagkakasama silang tatlo sa hilera ng pantatluhang upuan. Si Charlyn ay nasa window seat, siya ang nasa gitna at si Luke ang nasa malapit sa aisle.

Tumawid ang mga kamay ni Luke patungo sa lugar ni Charlyn at balak na ito ang magkabit ng seat belt ng bata.

"You don't mind having this seat belt around you for a moment, sweetheart, do you?" banayad nitong sabi sabay ngiti.

"Why?" inosenteng tanong ng bata na umiikot ang mga mata sa paligid. Noon lang ito nakasakay ng eroplano sa tantiya ni Regina at hindi nakakalabas gaano ng flat. Lalo lamang tumiim ang galit niya sa mga Chan at habag naman sa anak ni Evelyn na sa loob ng ilang araw niyang kasa-kasama'y napalapit na nang husto ang loob niya.

"Airline rules. You know what rules are, pump-
kin?"

Tumango ang bata at ipinaliwanag ni Luke na aalisin din nito iyon 'pag nawala na ang nakailaw na signs sa itaas.

Si Regina ay halos hindi huminga. Naiipit siya ng mga braso ng lalaki at alam niyang sadya nitong idinidikit ang katawan sa kanya. And she could feel herself shivering. Namamangha siya sa sensasyon na idinudulot ng lalaki sa kanya sa tuwing nalalapit ito. Mula pa man nang una niya itong makita sa elevator.

Heavens. Mayroon ba talagang lalaking
ganoon. Iyong kahit paghinga na nalalanghap at humahaplos sa iyo'y tila nagpapatayo na sa lahat ng mga balahibo mo sa katawan?

"At ikaw rin, wife," nakangising wika nito sa kanya at bago pa siya makakilos ay bumaba na ang mga kamay sa seat belt niya at ikinabit.

"Kaya kong gawin iyan!" she hissed. Lalo at
nararamdaman niya ang kamay nitong sadyang inihahaplos sa tiyan niya.

"There. It's done. You make a fuss over nothing," nakangisi nitong wika at muling sumandal.

"Paano tayong nagkasama-sama sa hilerang ito?" nagngingitngit niyang tanong. "Mabuti ay walang nagki-claim sa inuupuan mo?"

"I had it arranged at the counter na pagtabi-tabihin tayo," bale-walang sagot nito. "Mayroon ba namang mag-asawang magkahiwalay?" nakangising dagdag nito. "Isa pa, hindi sumipot ang kasama ko sa biyaheng
ito..."

Sumimangot siya. Hinuhulaan na niyang tiyak na babae ang nakatakda sanang kasama nito.

Nagpatuloy si Luke. "On the contrary, mabuti na rin lang at hindi siya nakarating,." Pinaglakbay nito ang kumikislap na mga mata sa kabuuan niya kasabay ng isang nakakalokong ngiti.

"Huwag mong asahang ihalili ako sa lugar niya!" naiirita niyang sabi. Agad na nakuha ang nais ipahiwatig ng lalaki. Hindi na napapansin ang pagsasalita ng airline crew tungkol sa routine safety measures, ganoon din ang pagta-taxi ng eroplano sa runway.

"Kung ihalili man kita'y bale-wala naman iyon sa iyo, di ba?" Bagaman nakangisi'y naroon ang sarcasm sa tinig nito. "Akalain mong kay dali mo akong na-pick up? At akala ko pa naman ay hard-to-get ako...at bilang asawa mo pa, ha?"

Sasagot sana si Regina nang maanghang nang
biglang tumaas ang eroplano. Napahugot siya nang malalim na paghinga kasabay ng panlalaki ng mga mata. Wala sa loob na napadaklot sa kamay ni Luke na nasa armrest.

Kahit kailan ay hindi na siya nasanay sa take-off, ganoon din sa landing. Tila hinahalukay pa rin ang sikmura niya. Natatakot pa rin siya. Sa isip niya'y sa take-off at sa pagbaba ng eroplano maaaring nangyayari ang anumang aksidente.

"Calm down," banayad na wika ng lalaki at
ikinulong ang palad niya sa mga palad nito. Hindi sumagot ang dalaga pero nanatiling lumalalim ang tiyan.

Napailing si Luke at sinulyapan ang kalmanteng si Charlyn na sa pagod marahil sa katatakbo nila ni Regina sa hotel ay nakahilig at nag-aantok. Tila hinehele pang paggalaw ng eroplano.

ALL-TIME FAVORITE: Regina & LukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon