Kabanata 2

4.6K 253 14
                                    

It was already evening when we landed, kasalukuyan akong nakasakay ngayon saaking sasakyan habang binabaybay ang napakahabang daan papunta sa Hacienda Sebroféì.

Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang naglalakihang mga puno sa paligid, kahit madilim kitang kita ito dahil sa liwanag na dala ng buwan at tila nagkikislapang mga bituin. Binuksan ko ang aking bintana upang makalanghap ng sariwang hangin.

"Hmm, it's good to be back." Mahinang wika ko ng matanaw ko na sa harapan ang napakalaking itim na gate kung saan mababasa ang Hacienda Sebroféì gamit ang malalaking letra. Dahan dahang bumukas ang gate ng kami ay makalapit.

"Welcome back, young lady."

Sumalubong sakin ang nakaparaming tauhan na ngayon ay nakahilera at sabay sabay akong binati kasunod nun ang kanilang pag yuko.

"They were waiting for you for almost 10 years ma'am." Wika ng aking personal butler na ngayon ay nakaupo sa passenger seat.

"I can see that." Tipid na wika ko habang pinagmamasdan ang aking mga tauhan sa labas ng sasakyan. Malayo pa ang pinakamain house pero tila hindi sila nauubos.

"How many are there?" I asked Walter, my personal butler.

"A total of 4,850 who's waiting for the right ruler of the Sebroféì empire, ma'am. "

Napangisi ako ng marinig ko ang sinabi nito. That's a lot, how come they stayed unnoticed.

"You must be thinking how. But this place, is untouchable. Even the government cannot enter your land ma'am. " Walter said with a proud smile plaster on his face.

" Good job. " Wika ko rito, kasabay ng pag hinto ng sasakyan.

Dahan dahan akong bumaba upang pag masdan ang kabuuan ng lugar kung saan ako maninirahan.

"So, this is the main house." Mahinang wika ko. Masyado itong malaki para saakin ngunit naalala ko na mayroon nga pala akong halos limang libong mga tauhan na nakapaligid saakin.

"This is the way ma'am." Pag alalay saakin ni Walter upang pumasok na ngunit agad ko itong pinigilan.

"How about my favorite place?"

"But it's already dark ma'am, and it's a little far from here. I thought you already wanted to rest?"

"No, I'm going to go there first. "

" Let me accompany you. "

Tumango lamang ako dito bago sumakay ulit sa sasakyan.

Tahimik lamang ako habang nagbabyahe papunta sa favorite place ko. Maliwanag naman sa paligid at halatang alagang alaga ang buong hacienda dahil napakalinis ang mukang buhay na buhay ang mga puno at halaman.

"We need to stop here now ma'am, and walk to reach your place."

Dahil ito na halos pinakadulo ng lupang pag aari ko at hindi na kaya ng sasakyan na pumasok pa dahil medyo batuhan na ang daan, lumabas nako sa sasakyan at nag umpisa ng maglakad. Hindi ko na ito nahintay dahil inayos niya pa ang pag park ng sasakyan, naririnig ko pa ang pag tawag nito saakin hanggang sa humina na ang boses nito dahil tuluyan na akong nakalayo.

Puro puno ang nasa paligid at maraming naglalakihang mga bato kaya medyo nahihirapan ako maglakad. Napangisi na lamang ako ng makalipas ang ilang minuto naririnig ko na ang lagaspas ng tubig, naamoy ko na rin ang sariwang amoy ng preskong hangin.

Mas binilisan ko pa ang aking lakad hanggang sa tuluyan na akong iniluwa ng gubat na dinaanan ko at sumalubong saakin ang napakalawak na sapa, kitang kita rin sa pwesto ko ang mataas na water falls. Kahit gabi na kitang kita pa rin ang kabuuan ng lugar dahil sa liwanag ng buwan at mga bituin, may mga maliliit din na alitaptap na nag liliparan sa paligid at tila mga ilaw ito na lumulutang.

Sweet Vengeance Where stories live. Discover now